"Anong pag-uusapan natin?" Nang-uusig na tanong ko kay Ares nang maramdaman ko ang presensya niya sa likod ko. Hindi na ako nag-abala pang lumingon sa kanya dahil ayokong masalubong ang mataman niyang mga titig. Baka kasi hindi na ako makahinga kapag ginawa ko iyon dahil kanina pa walang tigil sa pagwawala ang dibdib ko. Animo ay may mga elepante doong naghahabulan.
Narito kaming muli sa secret garden nya. Iyon nalang ang itinawag ko doon dahil hindi ko rin naman alam kung sino ang may-ari nito at kung ano ang relasyon ni Ares sa may-ari.
Hindi ko siya narinig na sumagot, sa halip ay naramdaman ko ang mga yabag niya na papalapit sa akin. Masyadong tahimik ang paligid at wala akong naririnig kundi ang malakas na pagkabog sa dibdib ko at ang bawat kilos niya. Para bang buhay na buhay ang mga senses ko at nati-trigger iyon ng bawat galaw na ginagawa ni Ares. Pakiramdam ko ay may kung anong tensyon sa paligid na ano mang oras ay pwedeng sumabog.
Nanatili akong nakatunghay sa baba ng tree house habang nakikiramdam sa mga kilos nya. Dire-diretcho akong umakyat dito ng walang lingon-likod sa kanya. Ayoko rin kasi syang harapin dahil sa pagkailang at kaba.
"Sabihin mo, Dionne. Nagtapat na ba ang Marquis sa'yo?" May talim na anito nang tuluyang makalapit sa akin.
Pinigilan ko namang mapasinghap ng maramdaman ko ang pagsayad ng dibdib niya sa likod ko. Bolta-boltahe yatang kuryente ang nilikha ng simpleng pagdidikit lamang na iyon. Hindi ko akalain na may ganito palang kakayahan ang katawan ko para maging ganito kasensitibo.
Pasimple akong lumayo dito ngunit tila agad naman niyang naramdaman iyon nang ipatong nito ang magkabilang braso sa hawakan at ikinulong ako sa pagitan noon. Lalong kumabog ang dibdib ko sa magkahalong kaba, excitement at anticipation.
"Ares-" Nabitin ang sasabihin ko nang ilapit nito ang mukha sa akin. Itutulak ko pa sana siya nang matuon sa mga mata niya ang tingin ko. Mariin ang gawi ng pagkakatingin niya sa akin na para bang may magnet doon na hinahatak ako palapit.
"May pag-asa ba siya?" Nahigit ko ang hininga ng ibiling nito ang ulo sa aking panga. Halos makiliti ako sa hininga niyang tumatama doon ngunit hindi ako nagpahalata. "Gusto mo ba siya?"
Pilit kong pinatatatag ang loob at binabalewala ang mga ginagawa niya. Kailangan kong mapatatag ang katinuan ko dahil kung hindi ay baka may mangyaring hindi namin parehas na inaasahan na siyang pagsisisihan namin sa huli.
Hindi ako agad nakapagsalita nang maramdaman ko ang pagpalibot ng mga braso ni Ares sa likuran ko.
"Sumagot ka, mi cara," anitong muli saka dinampian ng magaang halik ang leeg ko. Pinigilan ko naman ang sarili kong mapapikit sa sensasyong gumapang sa kaibuturan ko. Inaakit ba ako ni Ares?
"O-Oo," magkandautal na sagot ko habang mahigpit na kinakapitan ang lubid ng pagtitimpi. Ang totoo ay wala naman talagang pag-asa ang Marquis kung sakali man. Sadyang sinabi ko lang iyon sa pagbabaka sakaling mabago ko ang isip ni Ares at mapalayo siya sakin.
Naramdaman ko ang pagsilay ng ngisi sa labi ni Ares. Hindi siya agad nagsalita sa halip ay mas nanaig ang paglaganap ng kilabot sa katawan ko ng ulitin niya ang magagaang halik na ginagawa niya sa leeg ko. Nagdadala iyon ng masarap na sensasyon sa loob ko at kinailangan ko pang kagatin ang ibabang labi ko para mapigilan ang pagkawala ng ungol sa aking lalamunan.
Umangat ang mukha nito at pinantay sa akin. Idinikit nito ang noo sa noo ko saka ako pinagkatitigan ng malagkit sa mga mata. Mukhang wala na yata talaga akong kawala sa kanya. Kailangan ko na yatang tanggapin ang nangyayari.
"Sinungaling," huling bigkas nito bago ako sinubasob ng halik.
Malayo sa mga halik niya dati ang gawi ng paghalik niya ngayon. Tila ba may pagmamadali ito na animo ay may halong kasabikan at pag-aangkin. Ngunit kahit ganoon ay hindi naman na ako tumutol. Tuluyan na yatang sumuko ang huwisyo ko at nagpatianod nalang sa bugso ng damdaming kanina pa gustong kumawala.
"Alam kong hindi mo gusto ang Marquis, Dionne," namamaos na anas nito sa pagitan ng paghalik.
Hindi naman na ako nakasagot pa dahil masyado na akong nadadala sa mga paghalik niya. Bahagya pa nitong kinakagat-kagat ang ibabang labi ko kaya't hindi ko na maiwasang mapaungol. Ginamit naman niya ang pagkakataong iyon para magalugad ng dila nito ang bibig ko. Agad ko naman iyong sinagot nang pagsalubong sa dila nito at bahagyang pagsipsip doon na siyang ikinaungol naman nito. Ramdam ko ang init na unti-unting kumakalat sa kalooban ko. At lalo pa iyong nagsidhi nang marinig ko ang ungol ni Ares.
"Tu sei mio, mi cara," anitong muli nang saglit na humiwalay sa akin. Sa sobrang bilis noon ay hindi ko na nagawa pang makabawi sa pagsagap ng sapat na hangin sa aking dibdib. Masyadong marubdob ang paghalik ni Ares na halos maghabulan na kami ng hininga.
Nang muli niyang abutin ang labi ko ay marahan na iyon. Ngayon ko mas nadama kung gaano kasarap ang halik ni Ares. Sa malumanay niyang paglasap sa labi ko ay hindi ko maiwasang isipin na iniingatan niya ako. Na pinapahalagahan. Pakiramdam ko tuloy ay napakaimportante ko kay Ares. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na posible kayang mahal niya rin ako?
Gumapang ang mga braso niya palibot sa akin at maya-maya pa ay naramdaman ko nalang ang unti-unti kong pag-angat sa lupa. Hindi ko naman na inintindi iyon sa halip ay ipinalibot ko pa ang mga binti sa bewang nito. Wala na akong pakialam kung naka-dress ako o ano. Mas nananaig sa akin ngayon ang init ng apoy na tumutupok ngayon sa loob ko. Kusa namang umangat ang laylayan ng damit ko sa aking hita na siyang nagbigay ng access kay Ares para haplusin iyon.
"Uhm," hindi ko na napigilang mapaungol. Nanunuot sa balat ko ang init na iniiwan ng bawat haplos ni Ares sa akin. Na animo ay bumabakat doon ang kamay nya.
Patuloy pa rin siya sa paghalik nang maramdaman kong kumilos siya at naglakad. Lumipat ang mga kamay nito sa pwetan ko bilang suporta sa bigat ko habang naglalakad siya. Panibagong ungol na naman ang lumabas sa bibig ko dahil sa ginawa nito.
Narinig ko ang paglangitngit ng pinto ng treehouse. Hindi na ako nag-abala pang tignan iyon dahil abala ng katawan ko sa pagtugon sa mapupusok na halik ni Ares. Isa pa ay ayoko ring mapahiwalay dito. Hindi naman nagtagal ay naramdaman ko na ang pagsayad ng likod ko sa malambot na bagay habang hindi pa rin kami naghihiwalay. Nakakubabaw siya sa akin habang wala pa ring tigil sa pagkain ng aking bibig.
![](https://img.wattpad.com/cover/298570306-288-k401531.jpg)
BINABASA MO ANG
"YES, YOUR HIGHNESS!"
FantasíaTila pinapaboran si Dionne ng pagkakataon nang magkaroon siya ng pangalawang buhay matapos maaksidente. Idagdag pa roon ang pagliligtas sa kanya ng isang gwapong estranghero na nagpakilala lang na Ares, without a surname. Strange but having Ares ar...