CHAPTER 14

311 28 0
                                    



Nang may mapadaan na serbidor ay agad itong dumampot ng kopita nang hindi inaalis ang tingin sakin, maging ng lagukin nito ang lamang alak noon. Hindi ko na rin magawang magbawi ng tingin dito at sa halip ay napapalunok nalang ako kasabay ng pag-alon ang adam's apple nito.

"May problema ba, Dionne?" Untag ni Marquis na siyang nagpabaling sa akin dito.

Mabilis naman akong umiling. "W-Wala naman," alangan pa akong ngumiti para hindi ito magtaka o lumingon sa direksyong tinitignan ko.

Nang magsimulang umindayog ang katawan ni Marquis Tristan ay nagpatianod nalamang ako. Hindi rin naman kasi ako marunong sumayaw, kung bakit ba naman pumayag ako.

Basic lang ang step na ginagawa niya kumpara sa nakikita kong gawi ng pagsasayaw ng mga nakapaligid sa amin. Marahil ay nararamdaman nito na hindi ako marunong sumayaw. Hindi ko naman masabi sa kanya dahil nahihiya ako.

Isa pa ay hindi ko na din malaman kung paano ko mapapanatili ang focus sa ginagawa ko. Hanggang ngayon kasi ay ramdam ko pa rin ang mainit na tingin ng crown prince sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Kakaiba din ang pakiramdam ko sa gawi ng tingin nito na para bang matagal ko na siyang kilala.

Halos tawagin kong lahat ng santo at anito sa mundong ito, mapigilan lang ang sarili kong mapalingon sa gawi ng crown prince ngunit hindi ko rin napigilan ang sarili ko nang sa muling pag-ikot ng Marquis ay hindi sinasadyang mapalingon ako sa kinatatayuan nito.

Mahina kong nahigit ang hininga ko ng magtagpuan ng mga mata ko ang madilim nitong anyo. Kung kanina ay sa akin ito nakatitig, ngayon naman ay sa Marquis na ang matiim nitong tinititigan. Natatakot tuloy ako na baka mamaya ay bigla nalang iyong makita ng Marquis Tristan at magdulot pa iyon ng hindi pagkakaintindihan.

"Dionne."

Agad na gumapang ang kaba sa dibdib ko ng marinig ko ang boses ng kasayaw ko. Pakiramdam ko ay may kakaiba sa gawi nito ng pagtawag sakin. Naging marahan na rin ang ritmo ng sayaw namin. Hindi ko rin napansin na masyado na pala kaming malapit sa isa't isa sabayan pa ng bahagyang pagyuko nito. Napalunok nalamang ako ng laway sa liit ng distansya sa pagitan namin. Gusto ko man syang itulak ay hindi ko magawa dahil ayokong makakuha ng atensyon at mas lalong, ayoko na makita iyon ng crown prince na hanggang ngayon ay nakamasid sa amin.

Marahil ay kinikilala ako nito. Siguro ay tulad ng iba, iniisip din nito na hindi ako karapat-dapat na isayaw ng isang Marquis na gaya nya. Baka iniisip nito kung bakit ako pa ang naisipan nitong ayain gayong hindi naman ako kapareho nito ng estado.

"Dionne?"

Nahigit ko ang hininga ng marealize kong wala na naman ako sa huwisyo. Nahuli na naman niya akong hindi nakikinig sa kaniya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkahiya.

"Mukhang malalim na naman ang iniisip mo kaya hindi mo ako narinig," untag ng kasayaw ko na ngayon ay mataman ng nakatitig sa akin.

"So-sorry. Ano nga ulit yung sinasabi mo?" Naiilang na tanong ko dahil na rin sa sitwasyon namin. Hindi ako sanay na ganito kalapit ang Marquis. Kung si Ares siguro ito ay pwede pa, pero sa ganitong masyadong nakakaalarma ang lapit ng taong hindi ko gaanong pinagkakatiwalaan ay hindi mapalagay ang loob ko. Bigla ko tuloy namiss si Ares.

"Curious ako kung ano ang sumasakop sa isip mo para ilayo ka sakin," saad nito na sinamahan pa ng bahagyang pagkunot ng noo.

Para akong naalarma sa gawi ng pagsasalita ng Marquis ngayon. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Helina patungkol sa nararamdaman nito sakin. Agad na gumana ang isip ko sa kung ano ang maaari kong isagot dito kung sakali.

"YES, YOUR HIGHNESS!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon