Maraming bagay ang tumatakbo sa isipan ko habang naglalakad ako papunta sa banquet hall kung saan kami ipinatawag ni Madam Ruth. Ilang araw nalang at darating na ang mga sundalo na ipinadala ng palasyo para sa isang misyon na hindi ko na malaman kung saan. Hindi rin naman kasi ako gaanong nakikiusyoso. Ang iba ay nalalaman ko lang din dahil kay Olivia na may kasintahang sundalo. Kasama namin siyang nailigtas noon at nang araw ding iyon ay nagkakilala sila.
Humugot ako ng malalim na hininga habang papalapit sa banquet hall. Makailang beses kong hinahalukay ang utak ko sa kahit anong bagay na pwede kong maidahilan huwag lang makasama sa mga magsisilbi. Hindi ko kasi malaman kay Madam Ruth kung bakit niya ako isinama gayong wala naman akong sapat na training kung paano magsisilbi sa mga aristokrato.
Ang bilin kasi sa amin noon ay pili lamang ang pinagsisilbi doon dahil hindi pwedeng basta-basta lang ang kilos sa harap ng mga bisita ng hari. Kaya't nagtataka ako kung bakit isa ako sa pinili ng matandang masungit na iyon. Siguro ay iyon ang naisip nyang parusa para sakin. Ang ipahiya sa harap ng mga tao. Bigla akong nakaramdam ng pagngingitngit sa naisip. Gumagawa na naman yata ng usapan ang matanda na iyon. Mukhang gumagawa ng paraan para mapaalis ako dito sa madaling paraan.
Isa pang inaalala ko ay makakasalamuha ako ng mga aristokrato. Nangangamba ako na baka makita ko doon sila Helina o di kaya ay ang Marquis Tristan at makilala ako. Masasayang ang apat na taong pagtatago ko dito kung sa isang iglap lang ay mabubuking ang pagkakakilanlan ko. Kaya't kailangan kong gumawa ng paraan para hindi ako makasama sa mga magsisilbi doon.
Unti-unti na namang umiinit ang ulo ko kakaisip sa malditang matanda na iyon. Kung hindi lang ako talaga gumagalang sa matanda at rumerespeto sa heneral, matagal na siguro nitong napatid ang pasensya ko. Sumobra lang kasi ito noong nakaraan kaya hindi na ako nakapagpigil. At heto na naman siya ngayon, humihirit ng extension ng gulo.
Binagalan ko ang lakad ko ng matanaw ko na ang pintuan ng hall. Kinalma ko ang sarili at ang utak ko para makapag-isip. Malapit na ako pero wala pa ring pumapasok sa isip ko kung ano ang pwede kong idahilan dito.
"Madam, nandito na pala si Everleigh!?" Narinig kong tili ni Isobel papasok sa loob ng silid. Mukhang inaabangan talaga ako ng mga bruhang iyon.
Malalim pa yata sa balon ang hiningang hinugot ko bago ako tuluyang pumasok sa loob. Hindi ko na kailangan pang kumatok dahil bukod sa nakabukas na ang pinto ay nakatingin pa silang lahat sakin. Nailang man ay nilunok ko nalamang at naglakad papasok. Mukhang ako nalang yata ang hinihintay.
Naglakad ako papunta sa likod ng mga nakahilerang mga taga-silbi ng palasyo. Nasa dalawampu yata kaming nakatayo roon sa harap ng mayordoma at ayos na ayos ang pagkakatindig na animo ay mga sundalo kami na pinulong bago isabak sa laban.
Halos lahat ng naroroon ay mga matatagal ng naninilbihan sa palasyo, kabilang na roon ang grupo ni Amelia. Kaya't hindi na nakakabigla kung pulos pagtataka ang nakarehistro sa mukha ng mga naroroon ng makita akong papasok.
"Everleigh, sa harap!"
Matinis ang boses na umalingawngaw sa buong kwarto. Hindi ko na kailangang mag-angat ng tingin para alamin kung sino iyon. Bukod tanging sya lang naman kasi ang nagsasalita. Mga natatakot na kasi ang ilan.
"Bakit po kasama sya, Madam? Nakapagsanay na po ba siya?" Ungot ng isang lalaki na ngayon ko lang nakita. Mukhang matagal na ito para sumalungat sa gusto ng matanda. Nakaramdam naman ako ng simpatya sa gusto nitong iparating.
"Kung hindi ninyo nalalaman, masyadong magaling ang Everleigh na ito. Isa pa ay madali din syang matuto kaya't nakasisiguro akong hindi na nya kailangan pang magsanay," matalas na sagot nito saka ako binalingan ng matalim na tingin. Saglit lamang iyon at ibinaling na sa nakararami ang pansin. "Siguro naman ay hindi ko na kailangan pang ipaalala sa inyo kung ano ang magiging kapalit oras na magkamali kayo?" Muling tanong nito saka ako muling sinulyapan ng makahulugan na tila ba nagsasabing tapos na ang maliligayang araw ko.
BINABASA MO ANG
"YES, YOUR HIGHNESS!"
FantasyTila pinapaboran si Dionne ng pagkakataon nang magkaroon siya ng pangalawang buhay matapos maaksidente. Idagdag pa roon ang pagliligtas sa kanya ng isang gwapong estranghero na nagpakilala lang na Ares, without a surname. Strange but having Ares ar...