CHAPTER 4

561 62 0
                                    





“Huwag!?” pasigaw kong samo kasabay ng biglang pagbangon. Habol ko ang hininga at ramdam ko ang walang humpay na pag-agos ng luha mula sa mga mata ko. Taranta kong inilingap ang tingin sa paligid dahil sa sobrang takot. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako habang unti-unting bumabalik sa isip ko ang nangyari sa panaginip ko. Bangunot. Hindi iyon panaginip, isa lang iyong bangungot na hindi mangyayari.

Marahas kong pinahid ang mga luha sa aking pisngi kahit na ayaw noong matuyo. Sa inis ay nasapo ko nalamang ang mukha at hinayaang dumaloy ang mainit na likido. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko. Parang totoo ang mga nangyari.

Nasa isang madilim akong lugar na tila ba isa iyong kwarto. Hinahanap ko raw ang daan palabas at nang makita ko iyon ay biglang lumitaw mula sa kung saan ang mga tulisan at hinabol ako. Maging ang dati kong boss ay naroon din. Takot na takot ako pero sa kabila noon ay pinilit kong tumakbo ng mabilis para makalabas sa lugar na iyon.

Ngunit kahit anong takbo ko ay tila ba napakabagal ko. Hanggang sa mahablot ng isa ang paa ko kaya’t nadapa ako. Sinamantala naman iyon ng mga humahabol sa akin at mabilis akong pinalibutan ng mga ito. Sinubukan kong sumigaw para humingi ng tulong pero walang lumalabas na boses. Nang magsimula nilang hawakan ang mga kamay at paa ko ay wala na akong nagawa kundi ang umiyak.

Pinagdikit ko ang mga tuhod at duon idinantay ang ulo ko. Hanggang sa pagtulog ay hinahabol ako ng malagim na ala-alang iyon. Pakiramdam ko tuloy ay parang napakadumi ko na. Na kahit anong klaseng hugas ang gawin ko ay hindi na iyon mawalawala. Na tila ba wala na ring pag-asang mawala.

Humantong ang tingin ko sa makinang panahi malapit sa may bintana nang itungo kong muli ang aking ulo. Sa ibabaw noon ay mga retaso at tela ngunit sa isang bagay natuon ang tingin ko.

Dahan-dahan akong tumayo. Sa kabila ng nanlalambot kong tuhod ay nilapitan ko iyon. Muntik pa akong madapa ng mawalan ng gana ang isa kong binti ngunit mabilis akong nakakapit sa kung saan. Nang makalapit ako ay mabilis kong dinamot ang bagay na iyon saka bumalik sa higaan.

Pinagmasdas ko ang talim noon na kumikinang sa tuwing tatamaan ng liwanag. Matalim kaya ito? Kaya kaya nitong gupitin ang kahit anong bagay?

Naroon sa matulis na dulo ang tingin ko nang makarinig ako ng malakas na pagsinghap kasunod noon ay mga pinggan na nabasag.

"Anong ginagawa mo?" Nanggigilalas na sigaw ng isang babaeng halos kaedad ko lang. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatunghay sa akin. Puno ng takot at pangamba ang mga mata nito at tila ba hindi malaman ang gagawin.

"Helina! Anong-" Hindi na iyon naituloy ng lalaking biglang sumulpot sa tabi nito nang mabaling sa akin ang atensyon nito. Katulad noong babae ay kaparehas nito ang naging reaksyon ng bagong dating.

Nataranta ako pagkakita dito ngunit bago pa ako makakilos ay mabilis pa sa kidlat na sumugod ito sa akin at nakipag-agawan sa hawak kong gunting. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko na lalo kong ikinatakot at siya namang ikinabitaw ko sa gunting. Nang bumagsak iyon sa sahig ay mabilis nito iyong sinipa palayo.

Pinilit ko namang binabawi ang kamay ko ngunit ayaw nitong bitawan kaya't nagpumiglas na ako.

"Bitawan mo ko!? Bitawan mo ko!?"

"Kumalma ka. Walang mananakit sayo dito." Sigaw ng lalaki ngunit hindi pa rin ako tumigil. Gusto kong makaalis dito. Gusto ko nang bumalik sa pamilya ko.

Nang bitawan nito ang mga kamay ko ay bigla ako nitong niyakap ng mahigpit na lalo kong ikinaalarma.

"H-Huwag! P-Parang a-awa mo na!" Humihikbi nang sigaw ko.

"YES, YOUR HIGHNESS!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon