Epilogue

27 2 0
                                        

EPILOGUE

Lumuhod ako sa harapan ng kanyang puntod para itabi ang purong kulay puting mga rosas. Nagsindi ako ng kandila at mataimtim na nagdasal sa isip. Hinayaan ko ang sariling lamunin ng katahimikan habang tinititigan ang pagsayaw ng apoy dahil sa hangin.

Paalis na ako ng sementeryo kung saan nakalibing si Jarenice nang matanaw ko sa malayo ang isang pamilyar na lalaki. Nakatayo siya sa harapan ng isang puntod. Awtomatiko akong napahinto sa gulat. Si Trystan.

Ilang taon din kaming hindi nagkita.

Naramdaman niya agad ang presensya ko nang maglakad ako palapit sa kanya. Ngumiti kami sa isa't-isa bago namin sabay na hinarap ang puntod ni Jin. Nawala ang ngiti ko at napalitan iyon ng lungkot. Dito na ako galing kanina.

"How are you doing lately, Rui?"

Nilingon ko siya. "Maayos naman. Kumusta ka?"

"Hmm. I'm doing well. Kakauwi ko lang galing Australia." Nasa kay Jin siya nakatingin. Bagamat nakangiti ay kakikitaan ito ng lungkot. "I'm curious what he's reaction back then. Akala ko bibisitahin niya ako para i-congratulate sa pagkapanalo ng kaso mo pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nagmumulto. Baka naging full time bartender na iyon sa langit."

Napangiti ako sa biro niya pero hindi ko pa rin maiwasang maguilty sa maagang pagkamatay ni Jin. Namimiss ko rin siya.

"Tomorrow, I'll be promoted as prosecutor." Mabilis ko siyang nalingon ulit dahil sa magandang balitang iyon. Nangiti ako at ganoon din siya nang lingunin niya ako. Nangarap lang siya noon pero ngayon nagkatotoo na. "Psh. Can I receive a congratulations?"

Umiling ako at mas nangiti pa. "Congratulations! Ang galing mo."

"Yeah." ngiwi niya. Natawa rin pagkatapos. Habang kinikwento niya ang mga naging achievements niya after all these years na wala siya dito sa Pilipinas ay kumikislap ang kanyang mga mata. Napangiti ako. Masaya akong naging successful siya sa kabila ng lahat. "Jin seems like an older brother to me. I hope he knows how much I look up to him. He's the reason behind my success. "

"Sigurado akong proud si Jin sa'yo." Umiling ako. "Matagal na siyang proud sa'yo."

"Kung hindi dahil sa kanya, matagal na akong umalis sa pag-aabogasya."

"Kung hindi dahil sa akin siguro hanggang ngayon buhay pa siya."

"Rui..."

Malungkot ang ngiti ko siyang nilingon bago itinuon iyon sa nakaukit na pangalan ni Jin. Kasalanan ko ang pagkamatay niya. Nalaman namin sa nakababatang kapatid ni Jin na sinadya ang pagkamatay niya at may kinalaman iyon sa kaso ko.

"I want you to set yourself free, Rui. In our profession, we received death threats every day. Kinakain na nga namin iyon and we're living like it's a normal shit. It's just...it is what it is. So don't blame yourself too much." malalim ang kanyang buntong-hininga. Pareho kaming kinain ng katahimikan pagkatapos.

Maraming nagbago pagkatapos ng araw na iyon sa korte. Limang taon na ang lumipas pero sa tuwing napag-uusapan ay parang kahapon lang. Tinanggal sa posisyon ang prosecutor dahil napatunayang kabilang ito sa illegal human trafficking kasama si Hosiah. Nakumpirma din na magkasabwat sila noon pa sa pagdidiin kay Yohann.

Nang magkahiwalay kami ni Trystan sa sementeryo ay naisipan kong puntahan ang pinakaunang branch ng Gre-May pizza parlor. Lumago kasi ang pizza business nila Amay at Greggy. Sinong mag-aakala na mula sa iisang branch dito sa Mandaluyong ay dumami ang branches at kumalat sa iba't-ibang parte ng bansa?

Sorry, Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon