Chapter 27
RUI
Isang linggo na ang dumaan matapos mangyari ang gabing iyon kasama si Yohann Min. Hindi na rin namin pa napag-usapan ang tungkol sa nangyari sa kanya. Dahil ba sa ulan? Dahil ba sa akin? Halatang ayaw niyang pag-usapan namin iyon. Hinayaan ko na lang din. Sino ba naman ako para magtanong? Baka magalit lang siya.
Pero nag-aalala ako.
Nag-iba na rin ang ihip ng hangin sa aming dalawa. Masyado na siyang malayo at iwas. Di kaya nahihiya lang siya?
Friday ngayon kaya maraming customers. Halos kaming lahat ay hindi na magkaimikan dahil sa mabilisang pagtatrabaho. May pagkakataong magkakasalubong kaming dalawa pero siya na ngayon ang unang mag-iiwas. May oras na magkakalingunan kami pero sinusubukan niyang ilagpas ang paningin sa akin kahit alam kong sa akin naman talaga siya nakatingin. Bakit hindi na lang kaya niya ako kausapin? Tsk.
Ilang minuto lang akong mananatili tapos aalis na naman para magdeliver. Namanhid na ang mga kamay ko pabalik sa loob ng parlor. Naabutan ko silang lahat na nag-uusap. Mukhang ako na lang yata ang hinihintay.
Tama nga ako dahil matapos nila akong makita, nagsipagkilusan agad sila. Lupaypay ang katawan, sumandal ako sa upuan. Isinabit naman ni Melodie sa balikat niya ang dala nitong bag at nag-aalala akong sinulyapan. Ngumiti ako. Pagod lang.
Wala na si Cerra dito sa loob kaya hinanap ko agad si Yohann. Magkasama na naman ba sila? Araw-araw na nga niya siguro hinahatid si Cerra. Sila na ba?
Tsk. Bakit ba ang dami kong tanong ngayon?
"Naunang umuwi ang hinahanap mo" lapit ni Amay sa akin.
"Wala akong hinahanap" sumimangot ako.
"Sige itanggi mo pa" pamewang niya. "Umuwi ka na. Pahinga ka na sa inyo"
"Akala ko ba magsisleep over kayo sa condo?"
"Sa susunod na lang. Pagod ka" mataray pa rin ang boses ni Amay at nagtataas pa ng kilay. Bumuntong-hininga ako.
Kinuha ko na rin ang bag at pumihit sa kanilang opisina kung saan papasok si Amay. Isinabit ko ang braso ko kay Amay at magiliw na ngumiti sa kanya. Malamang alam na niya ang ibig kong sabihin do'n.
"Ano ba Rui, para kang linta!"
"Naapprove na ba leave ko boss?" pabulong na sabi ko at ngumiti ng parang aso. Nandidiri niyang kinalas ang braso niya sa pagkakahawak ko. Naiirita na ito panigurado. "One week na 'kong nagrequest ah" nguso ko.
"Naapprove na kanina madam!"
"Talaga?" Nagliwanag ang mukha ko. Mabilis ko ulit siyang sinundan sa paglalakad matapos niya akong pangunahan sa loob.
BINABASA MO ANG
Sorry, Wrong Number
RomanceStatus: Complete Who would have thought that this so-called wrong number guy was part of her long-forgotten past? Will those memories lead them to their forever, or will they tear them apart? Start: January 02, 2021 End: December 04, 2021
