Chapter 20
JAEHYUN
"Yes sir? May nakalimutan kayo?"
Inayos ko ang pagkaka-hood ng suot kong itim na jacket bago ipinatong sa ibabaw ng counter ang pera. Nagtataka akong pinanood ng babaeng cashier kaya tumikhim ako.
"Sobra 'yong sukling nabigay mo"
"H-Hala, s-sorry. Salamat"
"Hmm" tango ko. "Ayos lang" pigil ko sa paulit-ulit niyang pag-sorry. Halatang bagong empleyado. Isinuot ko ulit ng maayos ang itim na mask bago nakayukong naglakad palabas sa maliit na convenience store na 'to.
Nagmasid muna ako sa paligid bago sumandal sa poste para buksan ang malamig na banana milk. Itinago ko sa bulsa ang isang kamay habang tinutungga ang bote.
"Anong balita, Valmorida?" Iyon kaagad ang tanong sa kabilang linya matapos kong sagutin ang tawag.
Pinunasan ko ang sariling labi gamit ang likod ng palad bago nagsalita. "Kakalabas ko lang sa convenience store"
"Anong ginagawa mo diyan?"
"Bumili"
"Ng ano?"
Inangat ko ang bote at napangiwi. "Banana milk"
"Valmorida?!"
"Tss. Huminto sa lugar na 'to kanina yung sasakyan, pinuntahan ko lang" Kinuha ko ang tracking device sa bulsa at pinagkunutan ng noo ang paggalaw ng sasakyang binabantayan ko. "These past few days, wala akong mahitang kakaiba sa mga pinupuntahan niya. Baka nga mas maingat na siya o baka may inuutusan na siyang tauhan ngayon."
"Balitaan mo kami kapag may kakaiba. Malaking tao 'yang binabantayan mo"
"Hm" tango ko. Tinungga ko ulit ang bote ng banana milk at napapikit sa sarap.
"Valmorida!"
"Oh?"
"Tsk! kasama mo si Jalen Park?"
"Oh, nag-cr lang" pagsisinungaling ko. Mas inuna pa ang date ng loko kaysa sa trabaho. "Sir, baka pwedeng magrequest ulit sa police department? Ayoko sa kapartner ko ngayon"
"Nakailang request ka na!" bulyaw niya. Napaigtad ako. "Ano na naman bang kapalpakan ang ire-report mo para maka-request ng panibago, ha, Jaehyun Valmorida?"
Gusto kong sabihing madalas kaming hindi magkasama ng Jalen Park na iyon. Pero gusto ko rin naman. Ayokong may kasama kapag hetong nasa undercover ako.
BINABASA MO ANG
Sorry, Wrong Number
RomanceStatus: Complete Who would have thought that this so-called wrong number guy was part of her long-forgotten past? Will those memories lead them to their forever, or will they tear them apart? Start: January 02, 2021 End: December 04, 2021
