Chapter 35

18 4 0
                                        

Chapter 35

"Ba't ka nandito?"

Tinapunan ko lang ng tingin ang lalaking ito. Nilingon ko si Rui na alam ko nang nagtataka kung bakit ako ganito. Kung alam mo lang, Rui. Kung alam mo lang.

"Jalen?"

"Baka gusto mong umuwi muna sa bahay niyo, Rui? Ilang araw nang nag-aalala ang mga magulang mo sa'yo." walang emosyong sabi ko. Nakita ko siyang natigilan. I don't care. Gusto kong maramdaman mong naiinis ako. Naiinis ako, Rui. And fvck, I hate it when I act like this!

Suminghap ako ng hangin habang hinihilamos ang palad sa mukha. Nakagat ko ang labi bago yumuko ulit sa kanya. "You heard me. Umuwi ka muna."

"Ayoko." Tumalim ang tingin ko sa sagot niya. "Tsk, oo na pupunta ako mamaya para magpaliwanag okay? Bakit ka ba ganyan?"

Imbes na sagutin siya, nilingon ko ang lalaking ito. Kapag sinabi ko ba sa iyo lahat, Rui, paniniwalaan mo ako?

"I need to tell you something..." sinadya kong sabihin iyon sa pagmumukha ng lalaking ito. Napansin ko ang pagbabago sa hitsura niya at ang mabagal na pag-iling nito. Nagtiim ang bagang ko pero pinilit kong ngumiti pa rin kay Rui. "Tara. Nangako ako sa magulang mong ihahatid kita pauwi." Hinawakan ko ang braso niya pero winakli niya iyon agad. That gesture hurts me. Damn.

"S-Sandali lang..." Nagdadalawang-isip siya. Nilingon niya ang lalaking ito na wala talagang balak umalis. Hindi ba niya gets na nag-uusap kami ni Rui? "Y-Yohann..."

"I'm fine, Rui. Just do what he asked."

"Bilisan mo." malamig na utos ko.

"Oo na! Tsk."

Pareho namin siyang sinundan ng tingin bago ko seryosong hinarap ulit ang lalaking ito. Umiling ako ng ilang ulit bago nakapamulsang lumabas. Sinadya kong isagi ang balikat ko sa kanya.

Ilang deep breaths ang ginawa ko habang nakatingala at nakasandal sa malamig na pader. Why am I acting like this again? Akala ko ba okay na ako? Naging okay ako eversince naging kami ni Eonjin. I like her. Yes, I freaking do. But what the fvck, Jalen?

Nilingon ko ang paglabas niya sa pinto kaya awtomatikong nangunot ang noo ko. Ipinikit ko ang mga mata at tumingala, habang nakapamulsang sumandal sa dingding. "Inmate 364627." I whispered those freaking numbers na mabilis kong namemorize. Nabasa ko iyon sa desk ng kuya ni Eonjin.

"How did you know?"

Inis akong ngumisi. "Curious?"

"Gusto mong sabihin 'yan kay Rui?"

Nagkibit balikat ako bago siya seryosong nilingon. "Let's see. I'll give you one chance dude to explain everything. Let's meet. Mamaya sa bar na pinagtatrabahuan dati ni Rui."

Sorry, Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon