Chapter 29

34 4 1
                                        

Chapter 29

"Uy teka, sandali!" sunod ko sa kanya. Nagpatuloy lang siya. Nagmamadali kong pinantayan ang kanyang paglalakad. May kung anong parte sa sarili ko ang natuwa pero hindi ko pa rin siya maintindihan. Ilang araw niya akong iniwasan sa trabaho pero heto siya't nagboluntaryo pang samahan ako dito.

Itinikom ko na lang ang bibig at nagbaba ng tingin sa kamay niyang hawak ang handle ng maleta ko. Sa isang kamay naman ay hawak niya ang kanyang maleta. Naglakad kami nang ganoon ang kanyang estado. Babawiin ko sana iyong akin pero binawi ko ang kamay at tiningala siya.

"Watch your steps, Rui" nag-abot ang kanyang kilay nang hindi ako nililingon. "You're staring too much"

Siniringan ko siya bago sumunod. Late ko nang napansin kung gaano kalaki at kaganda ang airport na ito. Malayong-malayo sa Pilipinas. Pakurba ang ceiling ng Charles de Gaulle at kulay pula naman ang carpet na dinaraanan namin ngayon. Napanganga ako sa sobrang pagkamangha. Kahit madaming tao, hindi nagmumukhang siksikan. Doon lang ata tumikom ang aking bibig nang marating namin ang isa sa mga exit ng airport.

"One year ka sa Paris 'di ba?" interesado kong tanong. Naalala ko bigla iyong interview ni Amay sa kanya noon. Kaya naman pala. Kaya naman pala wala akong maramdamang excitement sa mukha niya. Dahil ordinaryong flight niya lang 'to.

Tango lang ang sagot niya. Ba't ba ang tipid nitong magsalita?

Napapikit ako sa sikat ng araw at nang makaadjust ang mata ko sa liwanag ay nakita ko na siyang kinakausap ang nakaunipormeng taxi driver. Sinulyapan ako no'ng driver at ngumiti. Ngumiti ako at tumabi kay Yohann Min na mukhang nagpapalit palit ang mga mata sa akin at no'ng driver.

"Get inside" utos ni Yohann sabay lahad ng palad niya. Napalingon ako sa magkabilang gilid bago inosenteng yumuko sa nakalahad pa rin niyang palad. Eh ano namang gagawin ko dito?

"Your bag, Rui" nawawalan na siya ng pasensya.

Nakanguso kong tinanggal sa balikat ang may kabigatang bag na mabilis niyang kinuha. Isinenyas niyang pumasok na ako kaya sumunod na lang din ako. Pinanood ko sila sa labas.

Abala pa sa likod ang driver na mukhang nahihirapang pagkasyahin ang dalawang maleta. Umikot si Yohann sa kabila at pumasok sa kabilang pinto yakap ang dala kong bag. Nasinghap ko agad ang pabango sa damit niya nang maupo siya sa tabi ko.

"Marunong kang mag French?" pagbubukas ko ng usapan. Tango na naman ang sagot niya. Nakagat ko ang labi at tumango na lang din. Paano kung hindi ko siya kasama ngayon? Mukhang makakauwi ako ng maaga dahil sa pagbubuhol ng dila ko.

Bahagya akong lumayo sa kanya dahil sa kakaibang kuryente nang magkadikit ang mga braso namin.

"Ou vas-tu?" nilingon ako ng driver. Kinabahan ako. Hindi ko alam ang isasagot. Aligaga kong kinapa ang cellphone na para bang mahahanap ko kaagad doon ang sagot sa tanong niya. Nakagat ko ang labi dahil sa panginginig ng aking kamay.

"Aeroville" Napalingon agad ako kay Yohann Min sa sagot niya. Nakatingin siya sa driver. Napapahiya kong ibinalik sa bulsa ang cellphone nang umandar na ang sasakyan.

Sorry, Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon