Chapter 33
"Umuwi na tayo" Pagkasabi ko no'n tsaka pa lang siya dumilat. Nangiti ako matapos masalubong ang kumikislap niyang mata. Ibinaba ko ang dalawang kamay niya sa pisngi ko at pinsil ang mga ito. Nakangiti akong yumuko.
Napapikit ako matapos maramdaman ang paghalik niya sa aking noo.
"Let's go home" Tumango ako sa mahinang bulong niya.
Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang pababa na kami nang magkahawak ang mga kamay. May pagkakataong sabay kaming magkakalingunan at ngingiti sa isa't isa.
"Ayos ka lang, Yohann? Ang lamig ng kamay mo." sabay pisil ko sa palad niyang hawak ko. Nilingon niya ako na nakangiti kaya nanghinala ako. Hindi pa ganito kalamig ang mga kamay niya kanina. "Yohann?"
"I'm fine, Rui"
Pinamilugan ako ng mata.
"Yohann!" sigaw ko nang bigla na lang siyang matumba, hindi pa man kami tuluyang nakakababa. Ilang beses akong sumigaw ng tulong habang iniinda ang bigat niya. Dahan-dahan akong lumuhod sa sahig na hawak siya at naluluhang nag-angat ng tingin para sumigaw ulit ng tulong. "Y-Yohann..." Nanginginig ang mga kamay ko.
Magmula nang isakay siya sa ambulansya hanggang dito sa loob ng emergency room, hindi ko nagawang ialis ang paningin sa kanya. Natatakot ako. Hindi ko alam kung anong nangyari bigla. Maayos naman siya buong araw na magkasama kami.
Sobrang lamig pa rin ng kamay niya nang hawakan ko ito. Pinunasan ko ang pisngi at umiling. Kung anu-ano na lang ang naiisip kong masama. Gusto kong may mabalitaan sa nangyari pero sino? Si Hosiah?
Umiling ako at yumuko sa kamay niya. Alam kong magtatanong at magtatanong iyon kung bakit kami magkasama ni Yohann at nasa Eiffel tower sa mga oras na ito.
Sa papa niya?
Napaangat ako at mabilis na kinapa sa bulsa ng coat ni Yohann ang kanyang cellphone. Kagat labi kong binuksan ang cellphone niya at nagulat matapos makita ang kanyang wallpaper. Ako iyon kanina sa Montmartre.
Nilingon ko siya at nanlumo. Bago pa ako lamunin ng takot, tumayo ako at lumabas para tawagan ang papa niya. Bahala na.
"Yes, son?"
Napalunok ako. Isang ring lang at sinagot agad ng papa niya ang tawag.
"Yohann?"
"G-Good evening, sir." Humigpit ang paghawak ko sa cellphone. Mabilis akong nilamon ng kaba. Nagulat ako nang banggitin nito ang pangalan ko hindi pa man ako nagpapakilala. Isang beses lang kaming nagkita pero naalala niya agad ang boses ko.
"I see. You're with my son right now." halakhak niya. Umawang ang aking bibig. Mas lalo lang ata akong natakot na sabihin ang totoong nangyari. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Nakagat ko ang labi at nakapikit na yumuko.
BINABASA MO ANG
Sorry, Wrong Number
RomanceStatus: Complete Who would have thought that this so-called wrong number guy was part of her long-forgotten past? Will those memories lead them to their forever, or will they tear them apart? Start: January 02, 2021 End: December 04, 2021
