Chapter 12
Hinila ko siya palabas para makausap siya ng maayos. Nakakunot ang noo habang magkasiklop ang dalawang braso ko siyang tinitigan ng masama. Ayokong pati rito sa trabaho ay makikita ko ang pagmumukha niya. Wala man lang akong mabasang emosyon sa kanyang mukha. Nakatingin lang siya ng diretso sa akin na para bang sinasaulo niya pati ang kulubot ko sa mukha.
"Sa yaman mong 'yan, magtatrabaho ka sa ganitong pizza parlor?"
"Magkapitbahay na tayo, bakit nandito ka pa rin?"
I paused. Ilang segundo bago ko nakuha ang pinupunto niya. "Tsk, syempre nagtatrabaho ako para mabayaran ko 'yong condo"
"Exactly"
"Anong exactlly?"
"I'm working for that same reason"
Napamaang ako. Sa yaman niya, magtiyatiyaga pa talaga siya sa ganitong klaseng trabaho? Kung wala na siyang pera eh 'di sana ibenta na lang niya itong kotse niya. "Tsk, hindi ako naniniwala sa rason mo, Yohann Min"
"I'm here for a job, not you, Miss"
Nainis ako bigla sa paraan ng pagkakasabi niya. "May sinabi ba 'kong dahil sa'kin kaya ka nandito?"
"I think that's what you assumed"
Pinamewangan ko siya. "Hindi kita type"
"Neither me"
"Yung totoo, naglayas ka ba sa inyo?" tanong ko na nagpatigil sa kanya. "Oh baka naman naglayas ka?"
"Why? Are you curious?"
"Hindi nga!"
"You keep asking me. I wonder why"
"Kasi palagi ka na lang sumusulpot kung nasa'n ako. Noong una sa bar, tapos sa condo, tapos dito ulit? Nananadya ka na noh?"
"I also wondered why we always see each other around. You think it was just a coincidence or..." isinabulsa niya ang dalawang kamay. "A fate?"
"Fate mo mukha mo"
"Did you really find my presence annoying?"
"Oo"
"You must used to it. I'm not backing out just because you don't like me here. I know you gonna like me soon"
Ginaya ko ang postura niya. Isinabulsa ko rin ang dalawang kamay at nakataas-noong sinalubong ang nang-iinis niyang mukha. "Kung gusto mo talagang magtrabaho dito, eh di subukan mo. 'Wag mo 'kong idaan diyan sa charm mo. Hindi oobra sa akin 'yan"
BINABASA MO ANG
Sorry, Wrong Number
RomanceStatus: Complete Who would have thought that this so-called wrong number guy was part of her long-forgotten past? Will those memories lead them to their forever, or will they tear them apart? Start: January 02, 2021 End: December 04, 2021
