Chapter 37
Maganda ang gising ko kinabukasan. Panay ngiti ko habang naliligo, nagbibihis, at kumakain. Parang mapupunit na ang labi ko kakangiti kapag naaalala ang huling nangyari sa aming dalawa kagabi. Wala sa sarili kong nahawakan ang labi habang nagsusuklay.
Naputol ang pag-iimagine ko nang may tumawag. Sinagot ko agad iyon nang hindi tinitignan kung sino ang tumatawag. "Hello?"
"Hoy, Rui! Kumusta?!" Sigaw ni Amay sa kabilang linya. Hindi ko na kailangang tignan pa ang pangalan. "Loka, nakauwi ka na?"
"O-Oh. Bakit?"
"Loka ka bakla. Anong bakit? Halos mamatay kami kakaisip kung napano ka na!" Napapikit ako sa malakas niyang boses. Alas sais pa lang ng umaga. "Pumunta nga dito si Jalen para hanapin ka eh!" Napadilat ako. "Nagkita na kayo ni Jalen?"
"Oh. Kahapon pa. Kahapon pa ako nakauwi eh."
"Di ka man lang tumawag bakla ka!"
"Sorry."
"Oh sha sha. Duty ka mamaya ah? Nakauwi na ba diyan sa condo si Yohann? Kung nakauwi na, tanong mo nga kung duty din siya mamaya. Kaloka kayo. Pati si Cerra, 'di makontak!" Walang prenong sabi niya.
Hindi pa umuuwi si Cerra? Kinabahan ako dahil sa naalala. Hindi maganda ang huli naming pagkikita roon sa Paris. Pagkatapos kung hilahin si Yohann palabas ay hindi na ako humagilap kay Cerra. Hindi ko na alam kung anong sumunod na eksena sa loob.
"Woi Rui, andyan ka pa?"
"O-Oh. Andito pa. Sorry may naisip lang."
"Subukan mong tawagan si Cerra ha? Baka sa'yo sumagot. O subukan mong ipatawag kay Yohann. Sigurado akong sasagot iyon." Napalunok ako sa sinabi niya. Ayokong magkausap sila kaya ako na lang tatawag.
Pagkatapos naming mag-usap ni Amay ay tinawagan ko agad ang number ni Cerra kaso out of coverage area. Offline rin siya sa Facebook. Ilang araw na.
Napatalon ako sa magkakasunod na katok. Halos magkandaugaga ako at tinignan pa ulit ang sarili sa salamin bago pumihit sa pinto. Napanganga ako. Isang malaking bundle ng kulay pulang mga rosas ang sumalubong sa mata ko. Doon ko lang nakita ang naghawak nang tumingala ako. Si Yohann.
"Good morning."
"G-Good morning..." ngiti ko habang naglilikot pa rin ang mga mata ko sa mga rosas dahil sa sobrang paghanga. Nakangiti niya akong pinapanood nang tiningala ko ulit siya. "P-Para saan?"
"I...I realized I never gave you flowers yet."
"Tss." Nakangiti ko iyong tinanggap at nakapikit na inamoy. Nag-angat ulit ako ng tingin sa kanya at nakita ang pagkagat niya ng labi habang nakatingin sa gilid. Nakanguso ko iyong sinilip pero wala pang tao sa hallway bukod sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sorry, Wrong Number
RomanceStatus: Complete Who would have thought that this so-called wrong number guy was part of her long-forgotten past? Will those memories lead them to their forever, or will they tear them apart? Start: January 02, 2021 End: December 04, 2021
