Chapter 50

12 1 0
                                        

Chapter 50

TRYSTAN GRAE

"Before Jin died, he asked me to give you this."

Hindi ako makapaniwalang iyon na ang naabutan ko sa hospital. Halos lagutan na ako ng hininga makatakbo lang papunta dito. Nanginginig kong kinuha ang briefcase na palaging ginagamit ni Jin sa trabaho bago nalilitong tinitigan ang lalaking kaharap ko ngayon. Kasi baka nagkamali lang ako ng pagkakarinig? Jin died? No. No.

"I'm his brother. Younger. He...He wants you to handle his last case. You're the Delatejera, am I right? I...I called you using my brother's phone. Gusto ka niyang hintayin b-but...s-shit! This is so wrong. This is so fvcking wrong." nasapo niya ang noo at umikot bago pantay ang kilay na tinuro ang hawak ko. "It's odd to say this pero I think may koneksyon ang kasong iyan sa pagkamatay niya."

"Patay. Na. Si Jin?" umawang ang bibig ko. Napaatras ako at umiling. Magkasama pa kami kahapon. Kausap ko pa siya kahapon. Nabitawan ko ang briefcase at mas umatras pa. "No. No." Gusto kong matawa. Is this sort of his prank?

"He trusted you this case, Delatejera. He wanted you to handle it. Only you must handle it. You have to do this on his behalf."

Natawa ako. I can't believe this! Bakit ako? Nakapagdesisyon na akong umalis sa pagiging criminal lawyer. Nasabi ko iyon kahapon sa kanya. Hindi ko na kayang magkamali at matalo. Umiling ako. "I can't do that." Isinuko ko ang dalawang kamay sa ere pero mabilis niya akong dinakma at tinaliman ng mata. Umiling ulit ako. I'm not gonna do this. "Marami kaming magaling na colleague. Baguhan lang ako. Matatalo lang ang kliyente niya." Pagod na akong masisi. I'm so done with this job!

Patulak niya akong binitawan. Nag-iwas ako ng tingin at napapikit.

"My brother really knows you well. Masyado kang walang kumpyansa sa sarili. Don't you think that's the main reason why you always fail, Delatejera?"

Nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

"He has his full belief in you but you don't believe in your own ability."

Suminghap ako ng hangin dahil sa pagkairita. Kapag bunso talaga eh no?

Tinitigan ko siya at nag-iwas ulit. "Alam ni Jin na matatalo ko lang iyan."

"He's telling me the opposite then." Huminga siya ng malalim at pinulot ang briefcase sa sahig.

Tinitigan ko iyong maigi. Hindi ko na kailangan pang magtanong kung sinong huling kliyente niya. I knew it too well. Isang linggo na niyang pinagkakaabalahan iyon. Hinarap ko ang kapatid niyang seryoso akong pinapanood.

"Did Jin die because of this case?"

"I think so."

"Pa'no mo nasabi?"

"May mga galamay akong iniimbestigahan ngayon ang sasakyan niya. Something's odd. Masyadong maarte si Jin para hayaan ang gulong ng kotse niyang magkagano'n. Someone distorted his wheels. Magbabayad sila. Shit. They gonna pay for this. Shit!" Sinambunutan niya ang buhok at nagsususuntok sa pader. Nagtiim ang aking bagang. Someone wants him dead. Isang lalaki agad ang pumasok sa utak ko. Naikuyumos ko ang mga kamay at nagmamadaling umalis. "Saan ka na naman pupunta!"

Imbes na sagutin siya ay tinakbo ko agad ang labasan.

"TRYSTAN DELATEJERA?"

Nabulabog silang lahat sa walang pasabing pagpasok ko. Hinanap ko agad ang gagong iyon na prentang nakaupo sa isang swivel chair. May hawak na baso at nakangising nakikipag-usap sa matandang abogado. Pinag-uusapan ba nila ang pagkamatay ni Jin? Kumuyumos ang aking mga kamay at sumugod.

Sorry, Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon