Chapter 34
TRYSTAN GRAE
"That defendant's attorney made an appeal to the court"
Naputol ako sa pagbabasa ng mga old cases nang pumasok si Jin dito sa loob. Sinabi niya iyon sa mabigat at naiiritang tono ng boses. Ibinaba ko ang makapal na compiled papers sa desk bago inikot ang swivel chair paharap sa kanya. I removed my round reading glasses para maklaro ang nakakulubot na noo nito sa akin.
Umawang ang bibig ko pero mabilis ko rin iyong naitikom.
"Ah, that case you've been working on since last week?" tanong ko pero ayun na naman ang mabigat niyang pagbuntong ng hininga.
"Gusto nilang i-cross examine ulit ang witness na nakuha namin against Mr. Evangelista. They don't even have proper exculpatory evidence to prove his innocence." sabi nito habang nakatuon na ang mga mata sa hinahalungkat niyang mga papeles sa sariling desk. Napailing na lang ako at humarap ulit sa sariling desk. "What criminal case are you handling now, Delatejera?"
"Wala." mapaklang sagot ko. Inis kong ibinaba ulit ang kanina ko pang binabasang makapal na compiled old criminal records at nagmukmok. "You see, after failing most of the time, wala na atang pumasok na client dito na hindi ikaw o 'yong nasa kabila ang hinahanap, tch."
"Meron din 'yan."
"Yeah. Salamat sa walang ganang motivation mo."
"You're still young."
"You sounded like fifties, huh?" umiling ako. Pasinghal niya akong tinawanan. "Reading hundred pages from old cases everyday is a torture, tch!"
"I told you, makakatulong 'yan sa'yo."
"Yeah. I gained trust issues." I groaned. Habang tumatagal mas lalong sumasama ang tingin ko sa mga tao. Gusto kong maging insekto na lang sa kabilang buhay. I don't even have time for myself. I've been trying to catch up with Rui, but it seems like iniiwasan niya ako. She's out of contact lately. Hindi rin ako makahanap ng oras para puntahan ulit iyong pizza parlor. I'll be dead ass single for life then, huh?
Pagkatapos mahinang matawa ni Jin, balik seryoso na ulit siya sa ginagawa. Nababagot ko ulit na binuksan ang last page na binasa ko. Ramdam ko ang pagkakapantay ng aking kilay habang binabasa ang panibago na namang kaso. I've read multiple cases of rape but this one is way too uncommon. It builds up my interest. The fact that the victim is a male.
Ibang kaso naman ang kasunod no'n. Pero kagaya sa nauna, nagkainteresado rin ako. According from the final verdict, the defendant found guilty by reason of insanity.
I lifted my round reading glasses na nagsisimulang bumaba sa ilong ko. She's supposed to be charged for murder kung hindi lang nakumpirmang may sakit na ito sa utak bago pa mangyari ang pagpatay nito sa sarili niyang asawa. A schizophrenic wife killed her own husband inside their household. Year, 2003.
BINABASA MO ANG
Sorry, Wrong Number
RomanceStatus: Complete Who would have thought that this so-called wrong number guy was part of her long-forgotten past? Will those memories lead them to their forever, or will they tear them apart? Start: January 02, 2021 End: December 04, 2021
