Chapter 40
RUI
Isang linggo na rin ang nakalipas matapos mangyari ang engkwentro sa bar. Naikwento ko na rin kay Yohann ang tungkol sa nangyari dahil sa palagi niyang pangungulit. Pero hindi ko masabi sabi na ang kapatid niya ang tinutukoy kong tumulong sa akin sa mga oras na iyon. Ewan. Siguro gusto ko lang mag-ingat? Kung iyon nga ang tawag do'n. Pansin ko kasing hindi sila ganoon kalapit sa isa't isa.
Pero siguro...dahil na rin sa sinabi ni Hosiah.
"The real Yohann is not what you're seeing right now."
Isang linggo na ring wala si Cerra sa trabaho. Naghanap na kami ng ibang paraan para makontak siya. Pati mga magulang at kakilala niya ay walang ideya kung nasaan siya ngayon. Posible bang may nangyari sa kanya sa Paris kaya hindi siya makauwi? Sana ayos lang siya.
"Psst! Rui." Nabulabog ako sa pag-iisip nang kalabitin ako ni Ashley. Masama na agad ang hitsura. "Dalhin mo nga ito sa customer."
"S-Sino?"
"Ayun." pairap niyang tinuro sa akin iyong pwesto. Tumango ako at sumunod. Sunday ngayon kaya nandito ako sa Avery Cafe nakaduty. Iniisip ko pa lang na baka sumulpot na naman iyong si Hosiah dito hindi ko alam kung magtatago ako o babalewalain na lang siya. Hindi naging maganda ang huling pag uusap namin. Ni hindi nga ako nakapagpasalamat dahil sa pambabadtrip niya.
Maingat kong ibinaba sa table niya ang inorder niyang iced Americano at donut. Nakaitim na bucket hat at nakayuko, abala siya sa pagbabasa ng dyaryo. Tumikhim ako para makuha ang attention niya. "Here's your order, sir. One iced Americano and Yohann?!" bulalas ko.
Tiningala niya ako habang bumubungisngis. "Did I startled you, Miss?"
"A-Anong ginagawa mo rito?" Ang sabi niya kasi kanina may pupuntahan siyang kaibigan ng papa niya. Hindi ko mapigilan ang tuwa. Nahahawa ako sa magandang mood niya. Kanina pa ito.
"I missed you."
"Ha?"
Nakangiti siyang sumimsim sa kape nang nakatingin pa rin sa akin. Nakagat ko ang labi para pigilan ang tuwa ko.
"Akala ko ba may pupuntahan ka?"
"Tapos na."
"Ang bilis ah."
"Hmm."
"Uh, wala ka bang pupuntahan?" Pinanliitan niya ako ng mata sa tanong ko. "Baka may pupuntahan ka pa?"
"Wala na." malalim siyang bumuntong hininga. "Hihintayin na lang kita."
"Ha? Matagal pa out ko. Ilang oras pa..." tinanaw ko ang nakasabit na orasan sa dingding.
"Hihintayin pa rin kita."
"Baka ma bored ka?" tanong ko. Pinagkunutan niya ako ng mukha kaya napanganga ako. "Kasi baka..."
"I'll wait, Rui. Kahit ga'no pa 'yan katagal." aniya. Natigilan ako. Seryoso niyang sinabi iyon kaya napakurap ako. Tinawag na ako ni Ashley na nag aapoy na sa galit sa may counter kaya iniwan ko na si Yohann. Pinaulanan niya agad ako ng sermon.
"Hindi ka dapat nakikipaglandian sa customer, Rui. Tsk. Iba talaga kamandag ng waitress sa bar eh noh?" Sumama ang mukha ko sa tanong niya pero huminga na lang ako ng malalim at hindi na umapela. Antagal na niyan, ah? Hindi na nga ako pumupunta sa bar na iyon. Ba't parang hindi pa siya nakakamoved-on? Tsk.
Sisimulan ko na sana ang paghuhugas nang magvibrate bigla ang cellphone ko sa bulsa sa suot kong apron. Text galing kay Yohann.
From: Yohann
BINABASA MO ANG
Sorry, Wrong Number
RomanceStatus: Complete Who would have thought that this so-called wrong number guy was part of her long-forgotten past? Will those memories lead them to their forever, or will they tear them apart? Start: January 02, 2021 End: December 04, 2021
