Chapter 47
Bigo akong bumalik sa loob ng hospital. Walang Yohann Min ang nagpakita. Wala siya. Sinubukan kong hagilapin hanggang sa hindi na makayanan ng paghinga ko. Sumisikip ito at natatakot akong baka magkatotoo nga ang sinabi ni Amay na ma-eextend ako rito.
Kapag nakalabas ako mag-uusap tayo, Yohann. Naiinis na ako alam mo ba iyon?
Tumingala ako at suminghap. Tuyo na rin ang mga luhang iniyak ko kanina. Para akong nakalutang sa ere habang naglalakad sa mahabang hallway hanggang sa matigilan dahil sa lalaking naka-wheelchair sa aking harapan.
May suot siyang arm sling sa kaliwang braso. Nakabandage ang ulo at may mga pasa sa mukha. Seryoso ang paninitig niya sa akin kaya naningkit ang aking mata hanggang sa mapamilyaran ang mukha niya.
Naghintay akong magsalita siya pero walang nangyari. Baka siguro nakaharang lang ako sa daraanan niya kaya siya tumigil at nagalit. Napalunok ako at tumabi sa gilid. Nagpatuloy ako sa paglalakad.
"Rui, tama?"
Agad ko siyang nilingon sa sinabi. Kilala niya ako? Dahan-dahan niyang hinarap ang wheelchair sa akin at mataman akong pinasadahan ng tingin. Nagtagal ang kanyang mapanuring mga mata sa nakatusok na dextrose sa kanan kong braso.
"Kilala mo 'ko?"
"We met. Hindi mo maalala?" tanong niya na kinabigla ko. Simpleng tanong lang naman pero bakit kinabahan ako bigla? Napapraning lang siguro ako.
Sinubukan ko siyang hagilapin. Alam kong nagkita na kami at hindi lang iyon isang beses. Nang matitigan ko ng husto ang mukha niya ay doon ko lang natandaang siya iyong lalaking tumatakbo noon sa nagviral na video na hinahabol ko iyong bata. Siya rin iyong kasama sa loob ng sasakyan ni Jalen. Pulis siya?
"Pwede mo ba akong ihatid sa labas? Magpapahangin lang." pagsasalita niya ulit dahil natulala na ako sa kanyang mukha. Napalunok ako at tumango. Hinawakan ko ang grip ng wheelchair niya at dahan-dahan itong tinulak. May iilang nurses kaming nakakasalubong. Sa tuwing magtatanong ay ako ang nagdadahilan habang ang lalaking ito ay panay buntong-hininga at hindi nagsasalita. Madalas nagtatagal ng tingin ang mga babaeng nurse sa kanya. Nandoon ang paghanga at awa. Kahit kasi may mga pasa ito sa mukha ay humihiyaw pa rin sa kagwapuhan. Napalunok ulit ako.
"Wala ka bang...kasama?" Hindi ko na napigilang magtanong.
"Wala." malamig niyang sagot. Tumango ako. Siguro ay pareho kaming walang kasama ngayong gabi.
Dinala ko siya sa may garden. Iyon lang kasi ang pwede. Binitawan ko na ang grip at tumabi sa gilid niya. Napanood ko ang pagtingala niya sa buwan at ang bahagyang pagkunot ng kanyang noo. Nilingon niya ako. "Thanks."
Tumango ako. "Sigurado ka bang okay lang sa'yong mag-isa? O gusto mong hintayin muna kita?" Parang nabigla siya sa ganoong klaseng tanong ko. Mukha kasing hindi pa tuluyang gumagaling ang mga sugat niya. Halata ring nanghihina. "O gusto mo bang tawagin ko iyong nurse na nakaassign sa'yo?"
"Di na." tipid niyang sagot. Tumango ako at napangiwi. May pagkasuplado.
Kaya napagdesisyon kong manatili na lang. Total tumakas na rin ang antok sa sistema ko. Nilingon niya ulit ako nang hindi ako kumilos. Parang may lalabas na salita sa bibig niya pero sa huli ay malalim siyang humugot ng hininga.
"Anong nangyari sa'yo?" bigla siyang nagtanong.
"Malapit makabangga." Sabay kaming nagkalingunan. Umawang ang kanyang bibig sa gulat. "Niliko ko iyong grip kaya ako iyong natumba." dagdag ko pa. "Ikaw, napa'no ka?"
BINABASA MO ANG
Sorry, Wrong Number
RomanceStatus: Complete Who would have thought that this so-called wrong number guy was part of her long-forgotten past? Will those memories lead them to their forever, or will they tear them apart? Start: January 02, 2021 End: December 04, 2021
