Chapter 41

16 5 6
                                        

Chapter 41

Yumuko ako nang maghiwalay na ang mga labi namin. Sobrang init ng mukha ko kahit nilalamig. Mariin kong ipinikit ang mga mata habang hinihingal pa rin. Hindi ko siya matignan. Nakakahiya!

Pero ang kaninang ulang binabasa ako ay natigil. Iyon pala ay hawak na niya ang payong at pinapayungan niya kaming dalawa. Parang hinaplos ang puso ko nang makita ang abot mata niyang ngiti. Sobrang ganda no'n titigan.

"S-Sorry." yumuko ako pero agad niyang itinaas ang baba ko para matitigan niya ng maayos. Kumikislap ang kanyang mga mata. Napapikit ako nang halikan niya ang aking ilong.

"Baka magkasakit ka. Tara na." mahinahon niyang sabi at kinuha ang kamay kong nanginginig na sa lamig. Siya mismo ang nagbukas ng pinto para sa akin. Kaagad akong pumasok. Napayakap ako sa sarili. Pinatay niya agad ang aircon sa kotse nang makapasok. Ramdam ko ang paninitig niya sa gilid.

"Rui..."

"H-Ha?" Tuliro ko siyang binalingan. Inabot niya sa akin ang puting tuwalya. Nang hindi ako makakilos agad ay siya na mismo ang nagpulupot no'n sa katawan ko. Sobrang ingay pa rin ng ulan sa labas. Mabuti na lang at natatakpan no'n ang kalabog ng puso ko. "S-Salamat, Yohann."

"All for you." mahinang aniya. May sasabihin sana siya nang biglang nag vibrate ang cellphone ko. Huminga ako ng malalim at kinapa iyon sa loob ng sling bag. Si Melodie.

"M-Melodie?"

"Rui! God. Akala ko na pa'no ka!"

"Ha? Bakit?"

"Kanina pa 'ko tawag nang tawag." Alam kong nakanguso siya. "Anyway. Nakabalik na si Cerra sa Pilipinas!" sigaw niya. Napalingon ako kay Yohann. Bahagyang nagpantay ang kanyang kilay habang pinapanood ako. "Mabuti na lang at okay siya. God. Akala ko talaga may nangyari na."

"T-Tumawag si Cerra sa'yo?"

"Yup. Nagkita kami kanina. Tinawagan kita para sana magkita tayong tatlo. Balik trabaho na raw siya bukas." aniya. Nakahinga ako ng maluwag at tumango tango.

"Mabuti naman."

"Ang lakas ng ulan sa background mo. Nasa labas ka, Rui?"

"Ha? Uh, oo." sinulyapan ko ulit si Yohann. "May pinuntahan lang."

"Okay okay. Ingat ka! Ang lakas pa naman ng ulan."

"Ikaw rin, Melodie. Salamat sa pagbalita. Mabuti naman okay siya." Nakagat ko ang labi. Nakahinga ako ng maluwag, oo pero ewan. Bakit parang may nakakapagbagabag sa akin?

"Sige. Kita kits na lang bukas sa pizza parlor, ah? Bye!"

"Bye, Melodie." ngiti ko. Binaba niya agad ang tawag.

"Si Melodie?"

Binalingan ko si Yohann at tumango. "Nakabalik na si Cerra." sagot ko. Tumango siya at pinaandar na ang makina.

Walang nagsalita sa amin habang nasa biyahe. Nakasandal ang isang siko niya sa bintana habang nakahawak sa labi niya ang mga daliri nito. Pinakatitigan ko siya at nakita ko ang paminsan minsan niyang pagngiti habang seryosong nagmamaneho.

Itinuon ko sa bintana ang atensyon at doon wala sa sariling napangiti.

"Sinong first kiss mo?" wala sa sarili kong tanong. Maski ako nagulat. Sabay kaming nagkalingunan. Nakangisi siya kaya sumama ang mukha ko. Paniguradong memorable ang first kiss ng lalaking ito.

"High school."

"Tss. Iyong tanong ko, sino. Hindi kailan." diniinan ko ang salitang sino. Curious lang. Umiling-iling siya habang nangingiti. Mas lalong sumama ang mukha ko at pairap na binalik sa bintana ang tingin. "Wag na lang."

Sorry, Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon