Chapter 16

39 5 1
                                        

Chapter 16

Awtomatiko akong napaayos sa pagkakaupo nang tumikhim si Yohann Min. Umiling ako ng ilang beses para gisingin ang sarili bago inosenteng binabaan ng tingin ang puting bowl na inilapag niya sa aking harapan.

"Ano 'to?"

Itinukod niya ang dalawang siko at sa ganoong posisyon siya nagbaba rin ng tingin sa bowl. "Jook"

Umawang ang bibig ko. "Nagbibiro ka ba?"

"Jook is a Korean term for rice porridge" sabay buntong-hininga niya.

Naitikom ko ang bibig. Sinilip ko ulit 'yong bowl at namangha sa kakaiba nitong hitsura. Malayo kasi ito sa nakasanayan kong lugaw. "Teka, ba't may parang itim?" hinarap ko siya. Pinapanood lang niya ang bawat reaksyon ko sa luto niya. "Ba't may itim nga?"

"You should eat when it's still warm" masungit na sabi niya. Hindi man lang sinagot ang tanong ko kung bakit may kung anong kulay itim sa lugaw na ito.

"Malay ko bang may lason 'to?"

"Tss, walang lason 'yan" sagot niya. Pinaningkitan ko siya ng mata. Hindi ko pa rin iyon ginagalaw kaya tumayo siya bigla. May hawak na siyang kutsara at bowl nang maupo ulit sa harapan ko. Kumuha siya ng kaunti sa bowl ko at kinain iyon sa mismo kong harapan. Nakatingin siya sa akin habang ngumunguya kaya naman napangiwi ako at tinikman ito.

Tumikhim ako. "Marunong ka pa lang magluto?"

"I always cooked for myself"

Tumango-tango ako. "Akala ko kasi panay kain ka sa labas. Panay order mo rin kasi ng pizza rati" Nagkatinginan kami. Naalala ko bigla ang mga bata. "Ay, oo nga pala"

"Hm?" Itinagilid niya ang ulo habang nakatukod pa rin ang dalawang siko sa harapan ko na para bang inaantay niya ang susunod na sasabihin ko.

"Hindi mo kinakain 'yong pizzang binibili mo" dagdag ko pa.

"You already told your parents that your sick?"

Pinunasan ko ang bibig at umiling habang umiinom ng tubig.

"Why?"

"Ayoko. Gagaling rin naman kaagad ako" sagot ko matapos ibaba ang baso. Nagpatuloy ako sa pagkain. Ayokong magsinungaling kaya aaminin kong nasasarapan ako sa sa Jook kung tawagin niya. Nagliligpit na siya ng kalat niya nang harapin ko siya ulit. "Wala ka bang gagawin ngayon, Yohann Min?"

"Why? You want me to stay?"

Sumama ang mukha ko. "Tinatanong ko lang"

Tumayo na rin ako para hugasan ang pinagkainan. Hindi pa ako nakakaabot sa lababo nang agawin niya bigla ang bowl na hawak ko. Mabilis akong napaatras nang magkabangga ang braso namin. Tinupi niya muli ang kanyang sleeves hanggang siko bago pumunta sa lababo.

Sorry, Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon