Chapter 46
RUI
Ilaw...
Sa una ay malabo pero nang subukan kong ikurap ang mga mata ay tumambad sa akin ang nakakasilaw na ilaw mula sa kisame. Sinubukan kong gumalaw pero pakiramdam ko lahat ng parte ng aking katawan ay paralisa. Doon ko lang namalayang hindi ko kwarto ang lugar na ito.
Isang matining na ingay ng makina ang sumasakop sa buong paligid. May parang pumapatak na tubig kung saan. Isang lugar lang ang naiisip ko. Hospital.
"R-Rui..."
Dahan-dahan kong itinagilid ang ulo kung saan ko narinig ang nauutal niyang boses. Kahit lumabo ulit ang paningin ko, kilala ko na agad. "Jalen." namaos ang aking boses. Napatayo siya at parang nataranta.
Lumuhod siya sa sahig at hinawakan ang isang kamay ko. Ngayon ko lang naramdaman ang nakatusok sa kamay ko. Ilang beses ko siyang narinig na mahinang nagmura pero nandoon ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata habang tinititigan ako.
"Shit. I didn't see this coming." Suminghap siya at sabay punas niya sa gilid ng mata. Pinisil niya ang kamay ko at tumayo. Hinawakan ko ang daliri niya nang umaksyon siyang aalis. "B-Babalitaan ko lang sila." sambit niya pero hindi ako kumilos. "Rui?"
Umawang ang bibig ko. May gusto akong banggitin pero hindi iyon lumalabas sa bibig ko. Para akong pinipigilang magsalita. Naluha ako nang maalala ang mga sinabi ko sa lalaking iyon. Miss na miss ko na siya.
"You need anything, Rui?" Lumuhod siya at hinawakan ang kamay ko. "Ano iyon?"
"Yohann..." sa wakas ay naiusal ko rin kahit paos. Nagbago agad ang reaksyon niya. Tumulo ng kusa ang aking luha. "A-Asan?"
Bago pa siya makapagsalita ay bumukas na ang pinto at may mga pumasok. Narinig ko ang pagsinghap ni mama."Jusko!"
"She gain her consciousness. We'll check her response."
"I-I'm sorry tita. Lalabas sana ako para ipaalam agad kaso..." Nilingon ako ni Jalen. Hindi na siya nagsalita pa.
Awtomatiko akong nasilaw nang dumapo ang maliit na parang flashlight ng doctor sa aking mata. Maingat niyang binuksan pa isa-isa ang mga mata ko at iginalaw-galaw iyong flashlight. Mahina ang boses nila ng nurse. May sinusulat naman iyong isa habang nakatingin sa monitor nang masulyapan ko.
"Vital signs. Rui? Can you hear me? Pwede mo bang igalaw ang daliri mo?" mahinahon ang boses ng doctor. Sinunod ko ang bawat utos niya. "Good. Very good." At kinausap niya muli ang babaeng nurse sa kanyang tabi.
Tumunganga ako sa kisame kahit naririnig ko ang pagtawag ni mama, maging si papa.
"Jusko. Bakit nangyari na naman ito sa'yo?" Doon ako napalingon nang umiiyak na si mama. Nakahawak si papa sa likod niya bilang suporta. Tumunganga ulit ako sa kisame at ipinikit ang mga mata.
"I-I'll go outside, tita, tito." Pamamaalam ni Jalen. Nanatili akong nakapikit. May luhang nakatakas sa gilid ng aking mata.
"Ilang araw na akong nandito?"
Huminto sa paghihiwa ng apple si Jalen dahil sa tanong ko. Pangalawang araw na ngayon magmula nang ako'y magising. Halatang nagulat siya. Ngayon lang din kasi ako nagsalita sa harapan niya.
"Mag...mag wa-one week na." alinlangan niyang sagot. Suminghap ako at tumango. One week na pala ako dito? Bakit hindi pa rin siya pumupunta? "You need anything? Naiihi ka ba?"
"Kailan daw ako idi-discharge dito?" Imbes na sagutin ang tanong niya ay iyon ang tanong ko. Nabigla ulit siya. Ibinaba niya ang kutsilyo at itinabi iyon. Mas nilapit niya ang upuan sa hinihigaan ko. "Gusto ko nang umuwi." Itinuon ko sa kabila ang ulo at mariing pumikit.
BINABASA MO ANG
Sorry, Wrong Number
RomanceStatus: Complete Who would have thought that this so-called wrong number guy was part of her long-forgotten past? Will those memories lead them to their forever, or will they tear them apart? Start: January 02, 2021 End: December 04, 2021
