Chapter 19
"Hinihintay kita"
"May gusto ka bang sabihin?"
Nakangiting umiling siya. "Pagod ka na. Sa susunod na lang"
"'Di ayos lang" Maski ako ay nagulat sa nasabi ko. Napakurap ako at nangapa bigla. "K-Kung urgent naman...s-sabihin mo na"
"I wanna show you something"
"Ha?" Akala ko kasi usap lang. "Ano?"
"Can I borrow your time?" Umaasa siyang papayag ako base sa tono ng kanyang boses. Wala sa sarili akong tumango. Kinapa ko ang susi sa aking bulsa at naglakad papalapit. Binuksan ko ang pinto nang hindi inaalis sa kanya ang paningin. Naputol lang iyon nang kinailangan ko munang pumasok. "Magbibihis lang ako"
"I'll wait" ngiti pa niya. Ngumiti ako bago tuluyang pumasok sa loob at sumandal sa pinto.
Napahawak ako sa puso dahil sa bilis ng pagkalabog nito.
Basta ko na lang hinubad ang sapatos at inilugay ang mga buhok. Patakbo akong pumasok sa kwarto para palitan ang pawisan ko nang suot. Hinihingal kong pinanood ang mga naka-hanger kong damit sa cabinet bago nagmamadaling kumuha ng susuotin. Sa huli, iyong plain brown t-shirt at itim na baggy pants ang sinuot ko.
Pagkatapos kong mag-ayos sa salamin, kalmado akong lumabas ng pinto. Awtomatiko naman siyang umayos ng tayo mula sa pagkakasandal sa pader. Napapahiya kong nakamot ang sentido nang mapansin siyang matigilan.
"You look good"
Napamaang ako. "Ha?"
Tumikhim siya bago ako inunahan sa paglalakad ng nakapamulsa. Nanunuya ko siyang sinundan sa paglalakad. Nagbaba ako ng tingin sa mga paa kong kitang-kita na ang pamumula dahil sa suot kong tsinelas. Ayokong ipahalatang nahihirapan na akong maglakad kaya itinaas ko ulit ang ulo. Binalingan ko si Yohann Min na diretsong nakatuon lang sa dinaraanan namin ang mga mata.
"Saan tayo?"
"Roof deck" nakangiting baling niya sa akin. Hindi ako sanay sa ganoong ngiti niya. "Nakapunta ka na ro'n?"
Umiling ako at nanlumo bigla. "Pinakahighest part 'yon ng building 'di ba?" tanong ko at tumango siya. Umayos ako nang lingunin niya ulit ako.
"Have you watched the news? May meteor shower mamayang 11pm onwards"
Pinamilugan ako ng mata. "T-Talaga?"
"Hmm"
Natigilan ako dahil sa sobrang sinsero ng kanyang ngiti.
Bata pa man mahilig na akong mag-abang ng mga celestial event kagaya ng meteor shower at eclipse. Walang event akong nilalagpasan kapag may bakanteng oras. Huminto lang ako sa ganoong gawain nang dumating na sa ganitong edad.
BINABASA MO ANG
Sorry, Wrong Number
RomanceStatus: Complete Who would have thought that this so-called wrong number guy was part of her long-forgotten past? Will those memories lead them to their forever, or will they tear them apart? Start: January 02, 2021 End: December 04, 2021
