Chapter 23
"Rui?"
Nabalik ako sa wisyo nang pisilin ni Taehyung ang palad kong hawak pa rin niya. Ako na mismo ang bumitaw at napapahiyang ngumiti.
"What do you think?"
Napakurap ako. "A-Ano nga ulit 'yon?"
Tumikhim siya na halatang pinipigilang matawa sa inasta ko. Kung bakit ba kasi sumulpot pa ang Yohann Min na 'to dito.
"I want to know you more, Rui. I'm sorry kung masyado akong mabilis."
"A-Ayos lang" Nagulat siya at maski ako nagulat din sa sinabi ko. "Ang ibig kong sabihin..."
"So I presume, this is a yes for tonight?"
Huminga ako ng malalim bago siya nakangiting tinanguan. Hindi nakatakas sa akin ang paglawak ng kanyang ngiti na para bang isang magandang balita ang narinig niya.
"Kaso uuwi muna ako mamaya pagkatapos dito. Okay lang ba sa'yong maghintay?"
"Oo naman. Saan?"
"Uhm...pwede ring magkita na lang tayo sa restaurant na pupuntahan natin mamaya" ngumiti ako.
"I can wait outside sa bahay mo" suhestiyon niya. Nakangiti akong umiling. "Can I have your number? So I can call you mamaya."
Nakangiti akong tumango at kinapa sa bulsa ang cellphone. Nakangiti rin niyang kinuha sa bulsa ang kanyang cellphone at inabot sa akin. Nagkagulatan kami at natawa dahil sa magkaparehong kulay at brand ng mga cellpone namin.
Kagat-labi kong nilagay ang phone number ko sa contact list niya. Napansin ko ang nakangiti niyang panonood matapos kong ibalik ang cellphone sa kanya.
"I-text mo na lang sa 'kin ang address"
"I'll call you" paniniguro niya. Tumango ako.
Mula sa gilid na aking mata, nakita ko ang pag-alis ni Yohann Min sa kinatatayuan. Sinulyapan ko si Greggy pero pati siya ay wala na rin. Nilingon ko ulit si Trystan at ginantihan ang kanyang magandang ngiti. Wala naman sigurong masama kung bubuksan ko ulit ang sarili ko sa iba 'di ba?
"Umalis na?" Bungad ni Amay nang pumasok ako rito sa kusina. "Gwapo raw sabi ni Greggy"
Ngumiti ako at tumango. Ininguso niya si Greggy na gumagawa ng dough nang nakasimangot.
"Nandito si Yohann Min" mahinang sabi ko. "Nakausap mo na?"
Napaigtad ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Yohann Min. Nasalubong ko kaagad ang walang emosyon niyang mukha. Nagtuloy-tuloy siya sa paglalakad kaya napapaatras din ako. Napakurap na lamang ako matapos niya akong tapunan lang nang tingin at lagpasan para lapitan sila Amay.
BINABASA MO ANG
Sorry, Wrong Number
RomanceStatus: Complete Who would have thought that this so-called wrong number guy was part of her long-forgotten past? Will those memories lead them to their forever, or will they tear them apart? Start: January 02, 2021 End: December 04, 2021
