Chapter 39
TRYSTAN GRAE
Kahit tinanggihan na ako ni Rui kaninang umaga, pumunta pa rin ako dito ngayong hapon sa pinagtatrabahuan niya. Malay mong pumayag kapag nangulit pa ako? Ngayong nakabalik na siya, ayokong sayangin ulit iyong chance. Papasok pa lang ako sa loob nang makasalubong ko sa pinto ang pamilyar na lalaki. Wait. He's that guy.
"Hi." bati ko. Wala akong natanggap na sagot. "I came here—
"Wala siya dito."
"Kakain ako." Mabigat sa loob niya akong pinagbuksan pagkasabi ko no'n. Wala dito sa loob si Rui. Asan siya?
"Welcome! Gre-May pizza parlor and delivery! Oh shit, bumalik ka!" sigaw ng lalaking nasa counter. Naiilang akong ngumiti at kumaway sa kanya bago lumapit.
"Uh, ano iyong pinakamasarap na pizza dito?"
"Lahat masarap, sir! Pati 'yong nagtitinda." Nagpapacute siyang tumawa sabay lagay ng buhok niya sa likod ng tenga. Napalunok ako at natatawang umiling.
"I'll order that one." turo ko sa unang pizzang nadapuan ko ng tingin.
"Okay okay, Supreme pizza? Ilang slice?" tanong niya. Sumenyas ako ng dalawa. "Dalawa?" Tumango ako. "Okay. Anong gusto mong drinks?"
"Cola."
"Okay! Cola and two slices of supreme pizza. Baka gusto niyo ng Greggy?"
"Ano iyon?"
"Nevermind! Haha! Dine in or take out?"
Ibinulsa ko ang dalawang kamay tsaka ngumiti. "Dine in."
"Oh shit gwapo talaga." bulong niya at natakpan ang bibig nang mapansing nakangiting nakatitig ako sa kanya. "Pili lang kayo ng seat diyan, s-sir! Tatawagin kita sa number na 'to. Okay?" Sabay abot niya sa akin ng card number. Lucky seven.
"Thanks" ngiti ko. Bumungisngis siya bago kumilos.
I waited for almost an hour already pero kataka-takang hindi ko pa nakikita si Rui. Lumingon ako sa labas at kapansin-pansin ding may sinusubukang tawagan iyong lalaking hinarangan ako kanina. Yohann Min. Siguro si Rui ang tinatawagan niya.
Kapag naiisip ko ang history ng dalawa, kinikilabutan ako. Itong ginagawa niyang pagbalik sa buhay ni Rui, maling-mali. Sobrang nakakaintriga. Hindi na dapat siya nagpakita pa. Ano bang intensyon ng lalaking ito sa kanya?
Sinubukan ko ulit tawagan si Rui pero walang sumasagot sa kabilang linya. Unti-unti kong binaba sa tenga ang cellphone ko nang magkatinginan kami ng lalaking iyon sa labas. Pinanliitan niya ako ng mata.
Doon lang ako nakabalik sa wisyo nang magvibrate ang cellphone ko sa kamay. "Hello? R-Rui?"
"Asan ka ba, Delatejera?" Napapikit ako dahil boses ni Jin ang nasa kabila.
"Kumakain ng pizza."
"Kumakain ng ano?"
"Pi...zza." binagalan ko para maklaro. "Bakit?"
"Bumalik ka agad dito sa Crimson. Tomorrow's the preliminary hearing of Mr. Galang's case." sabi niya na kinagulat ko. I'm handling that new case na tinutukoy niya ngayon. Sa pagkakaalam ko sa susunod na araw pa iyon, ah? "The schedule's change kaya bilisan mong kumain diyan."
Nasapo ko ang mukha. Tch. Malas. "Okay okay."
"You have to win this case, Delatejera or else they might—
BINABASA MO ANG
Sorry, Wrong Number
RomanceStatus: Complete Who would have thought that this so-called wrong number guy was part of her long-forgotten past? Will those memories lead them to their forever, or will they tear them apart? Start: January 02, 2021 End: December 04, 2021
