Chapter 48

7 1 0
                                        

Chapter 48

Nakokonsensya ako...

Isinandal ko ang likod sa upuan at pumikit. Ngayon ko lang tuluyang naramdaman ang pagod. Pero kahit papano gumaan ang pakiramdam ko dahil nandito siya. Dahil nakikita ko siya.

Naramdaman ko ang paghawak ni Yohann sa kamay ko. Nilingon ko agad siya. "We're here."

Nanlumo ako nang matanaw ang bahay naming may ilaw. Ibig-sabihin no'n gising sila. "Mapapagalitan ka." Sigurado ako. Pero umiling siya at siya pa mismo ang nagtanggal ng seatbelt ko. Nauna siyang lumabas at mabilis na umikot para pagbuksan ako. Nabulabog kami nang agresibong bumukas ang gate at sumugod si mama. Gusto kong salubungin ang galit niya pero inilagay agad ako ni Yohann sa kanyang likuran. Natakpan ko ang bibig sa malakas na sampal ni mama sa kanya.

"Walangya ka talaga! Kikidnapin mo pa anak ko!" Halos magwala siya na hinawakan agad ni papa.

"M-Ma, wala siyang kasalanan dito."

"Anong wala?! Rui naman! Nag-iisip ka pa ba talaga?! Ba't ka sumasama diyan sa kriminal na 'yan!"

"Ma!" sigaw ko. Natigilan siya pero nandoon pa rin ang nag-aalab niyang galit. "Hindi siya kriminal. A-Ako iyong kriminal dito."

"Rui." sabay-sabay nilang sambit. Napapikit ako at yumuko bago ulit sila desididong hinarap lahat. "Naalala ko na lahat 'di ba? Naalala ko na rin iyong gabing iyon. Yung gabing nangyari iyon."

"Rui, don't do this." mariing sambit ni Yohann sa aking likuran. Hinawakan niya ang siko ko. Bumukas ang gate at lumabas si Jalen. Nasalubong ko ang nagtatanong niyang hitsura.

"Anong...anong pinagsasabi mo?" Sinubukan akong lapitan ni mama pero umatras ako at umiling. Namasa ang aking mga mata.

"Rui, magsabi ka ng totoo." maawtoridad na utos ni papa. Tumingala ako para pigilan ang pagluha. Hinawi ko ang kamay ni Yohann. Kailangan kong gawin ito. Para matapos na. Para hindi ka nila ulit saktan.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "A-Ako iyong nakabangga. Ako iyong nasa driver's seat nang mangyari iyong aksidente. Ako dapat iyong nakulong imbes siya. Nakikita mo ba, ma? Hindi siya iyong kriminal dito — ako!"

Nakita ko kung paano nanlaki ang kanilang mga mata. Nahihirapan akong nagpatuloy. "Ako iyong dapat nakulong. Total nandito naman si Jalen— "

"Bullshit!" mura ni Jalen.

"Hayaan niyo na kami ni Yohann, ma, pa na maayos ito. Hindi na ako bata. Alam ko iyong tama sa mali. Kung ayaw niyong makulong ang anak niyo, hayaan mo na kami. Ilang taon akong naloko ma. Ilang taon niyong tinago. Pwede bang...pwede bang ngayon hayaan niyong hanapin ko ang sarili ko? Kasi mababaliw ako, ma!"

"A-Anak—

Umatras ako. Hinila ko si Yohann pero hindi siya natinag. Nagmamakaawa ko siyang tinitigan. Please, umalis na tayo dito.

"Rui!" pigil ni Jalen. "You're choosing him over your family?"

Umiling ako. "Pinipili ko ang sarili ko. Yohann, tara na." Pumasok agad ako sa loob ng kanyang sasakyan. Hindi ko magawang lumingon sa labas. Hindi ko kayang labanan sila pero hindi ko rin kayang maging sunod-sunuran habang-buhay. Kailangan kong ayusin ang buhay ko. Kailangan kong itama ang pagkakamali ko. Kahit ngayon lang, ma, pa. Hayaan niyong hanapin ko muna ng lubos ang sarili ko.

Ilang saglit pa bago nakapasok si Yohann dito sa loob. Napadilat ako nang hawakan niya ang kamay ko. Nakagat ko ang labi ng kumibot ulit iyon.

"I convinced them." iyon lang ang sinabi niya bago pinaandar ang makina. Nanghihina akong sumandal sa bintana. Nakita ko ang pagyakap ni papa kay mama at ang seryosong mukha ni Jalen na nakatingin dito. "Hindi mo dapat sinabi iyon sa kanila, Rui. Nasasaktan mo sila."

Sorry, Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon