Chapter 14

44 6 0
                                        

Chapter 14

Agaran kong nailayo ang kamay sa kaliwang pisngi ni Yohann Min nang mapa-aray siya sa ginawa kong paglinis sa sugat niya. Kumuha ulit ako ng panibagong bulak para linisin naman ang natuyong dugo sa gilid ng labi nito. Hindi ko na lang pinansin ang paninitig niya sa ginagawa ko.

"Bakit mo pa kasi ginawa 'yon?"

"Ang alin?"

Sinalubong ko ang mga mata niya bago nagsalita. "Yung ginawa mo. You're crossing the line, Yohann Min. Hindi mo naman kailangang gawin 'yon" pagpapaintindi ko bago sinadyang idiin ang hawak na bulak sa gilid ng labi niya. Napaiwas siya dahil sa ginawa ko. "Tignan mo 'tong nangyari ngayon sa mukha mo, tsk"

"Hahayaan mo lang na bastusin ka?"

"Hindi naman sa ganun" Nagbaba ako ng tingin sa first aid kit na hiniram ko rito sa opisina nila Amay at Greggy. "Hinayaan mo na lang sana. Wala naman akong pakialam sa sinasabi ng lalaking 'yon" tawa ko.

"You're still affected" mahinang sabi niya pero malinaw na malinaw iyon sa pandinig ko. Hinarap ko ulit siya at napansin ang pagkakakunot ng kanyang noo. Umiling ako at nangiti. Hindi ko alam kung angkop bang ngumiti sa ganitong sitwasyon. "Rui, I'm a man too"

"At?"

"I know" buntong-hininga niya. "Nakita ko ang reaksyon mo sa mga sinabi niya" pinakatitigan niya ako. Gusto ko na atang mailang sa ginagawa niya. "You still love him?"

"Hindi na" diretsahang sagot ko. Huminga ako ng malalim bago nilabanan ang mga mata niyang halatang hindi naniniwala sa sagot ko. "I swear wala na 'kong gusto sa Marcaleb na 'yon. Nasasaktan pa rin ako? Oo. Syempre. Pero mahal? Hindi na...malabo na. Ang alam ko lang naiinis ako. Hindi ko alam kung sa sarili ko ba o dahil sa ginawa niyang panloloko. Hindi ako makapaniwalang nagmahal ako ng ganoong klaseng lalaki." napasinghap ako ng hangin dahil sa pag-amin ko. "Everything about him..." natawa ako habang sinusubukang alalahanin ang naging relasyon ko sa Marcaleb Esquivel na 'yon. "Siguro napakatanga ko no? Ano sa tingin mo?"

Nag-iwas ng tingin si Yohann Min bago bumuntong-hininga. "Why are you asking me?"

"Ewan" pagkikibit-balikat ko.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin. Tanging tunog lang ng nakabukas na aircon at ang paghinga naming dalawa ang naririnig ko. Nagbaba ako ng tingin sa naglilikot kong mga kamay na nakapatong sa aking binti. Bakit nga ba? Bakit nga ba ako nagkagusto sa lalaking iyon.

"Siguro dahil siya 'yong unang taong nasa tabi ko palagi rati. Sa panahong naguguluhan ako sa mundo at sa mga taong nakapaligid sa akin. Nandoon siya sa panahong mismong sarili ko hindi ko na kilala...hindi ko na maintindihan. Siguro nga dahil dun" mapait akong ngumiti nang maalala ang unang pagkikita namin ni Marky sa hospital kung saan ako nanatili ng ilang buwan. Isa si Marky sa mga nurse na nag-alaga at pinagtiyagaan ako. "He was so comforting kaya nahulog ako sa kanya"

"People can comfort someone out of pity. They might empathize with the feelings of the other person, but that does not guarantee that they mean it. Some use other's weaknesses to get what they want from them." Napatingala muli ako kay Yohann Min dahil sa sinabi niya. "I see, you fell for his comfort"

Sorry, Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon