Chapter 44

10 1 0
                                        

Chapter 44

RUI


"H-Hello?" namamaos kong sagot.

"Rui, may sakit ka?" Bakas sa boses ni Amay ang pag-aalala. Umiling ako kahit hindi naman niya iyon nakikita. "Ba't ganyan boses mo?"

Napalunok ako ng laway. Yakap ko pa rin ng mahigpit ang unan. Parang babagsak ang mata ko sa sobrang bigat. "Kakagising ko lang."

"Ay, sorry nagising kita. 'Di mo kasi sinasagot kanina pa." Humina ang boses niya at natahimik.

Tinignan ko ang screen ng cellphone ko pero ongoing pa rin iyong tawag. "H-Hello, Amay?"

"Yung totoo, Rui. Anong problema?" Ipinikit ko ang mata. "Nag-away ba kayo ni Yohann? Tinatawagan ko, 'di na rin sumasagot. Ang sabi niya pupuntahan ka raw niya diyan. 'Di ba kayo nagkita? O nandiyan siya?"

"Wala." iyon lang ang nasabi ko sa maraming tanong niya. Tumahimik ulit ang kabila. Para bang tinitimbang niya ang naging sagot ko o saan sa mga tanong niya ang sinagot ko. Hanggang sa narinig ko siyang malalim na bumuntong-hininga.

"Magtatrabaho ka bukas?" medyo kaswal na niyang tanong. Kapag trabaho talaga ang pag-uusapan.

Ngumuso ako. "Syempre." Pero napaisip din ako pagkatapos sabihin iyon. Ibig sabihin, magkikita kami buong araw. Kahit naman wala ako sa trabaho, magkikita pa rin kami. Tumihaya ako sa pagkakahiga at tumitig sa pader. "Andiyan ka pa?"

"Oh. Kinuha ko lang 'yong sinampay. Woi Greggy.." Nakinig ako sa ingay nila sa kabilang linya na nagbabangayan na naman ata. Hanggang sa magtanong na nga si Greggy kung sinong ka call niya sa ganitong oras. "Shunga! Si Rui 'to."

"Rui na 'yan? Akin nga! Hoy, Rui anong nangyari?"

"Wala naman." Inilayo ko ang cellphone para suminghot. Magdududa lang sila lalo kung marinig nila iyon. "Sorry, dumiretso ako ng uwi kanina."

"Akala ko nilamon ka na ng lupa! Oh, kumusta ang lakad? Pinagalitan na naman siguro ka sa inyo noh?"

Umiling ako at ngumiti. Gumagaan talaga ang loob ko kapag kausap ko itong dalawa. Kahit medyo burara sila kausap at parang mic ang mga boses. "Hindi naman."

Rinig kong binawi na ni Amay ang cellphone niya. "Oh basta, Rui. Tawag ka rin pag may time, okay? 'Wag mo kaming pinag-aalala nahahigh blood kami!" Parang naiimagine ko siyang pumapaypay gamit ang kamay at nakapamewang. Tumango ako. Sasabihin ko rin naman sa kanila pero siguro kapag hindi na masyadong sariwa iyong sugat. Kasi kung pipilitin ko, pakiramdam ko sasabog ako, masusugatan ulit, at baka hindi na talaga iyon gumaling.

Basta kong ibinaba ang cellphone sa tabi at tumunganga sa kisame. Awtomatikong namasa ang mga mata ko. Sobrang nasaktan ako. Kasi ayun na naman iyong pakiramdam na trinaydor ako ng taong mahal ko.

Kapag naiisip kong may alam din sila mama at papa ay para na akong mababaliw. Bakit hindi ko iyon naramdaman? Bakit hanggang ngayon wala pa rin akong maalala? Sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata gusto kong balikan iyong alaalang nawala ko. Pero kapag andun na ako ay iyong sa hospital lang ang naiisip ko. Para bang hanggang doon lang talaga lahat.

Ang sinabi lang nila ay naaksidente kami at ako lang ang malalang napuruhan. Ilang linggo akong nasa hospital at nang magising, litong-lito na ako. Ang sabi ni mama normal lang na makalimot pero hindi nila sinabing may amnesia ako at pinunan nila ng mga maling detalye ang mga nakalimutan ko.

May alam din kaya si Jalen? Umiling ako at mariing pumikit. Ibig sabihin ba totoo iyong mga sinabi ni Abigail Sudaria?

Sa sobrang pag-iisip kagabi ay tinanghali ako ng gising kinabukasan. Paniguradong patay na naman ako!

Sorry, Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon