Chapter 24
TRYSTAN
"Saan ka pupunta? Akala ko ba may date ka?"
"Mauna ka na" senyas ko bago patakbong sinundan ang direksyon ng kulay pulang sasakyan. I heard Jin's call pero hindi ko na siya nilingon pa. Sigurado akong kotse ni Narcissus Alvomendras ang nakita ko.
Hinihingal akong napahinto dahil sa pagtunog ng alarm sa cellphone ko. Inis ko iyong kinuha sa bulsa pero natigilan din sa nabasa. Ngayong oras ko na dapat siya tatawagan. Tinawagan ko kaagad si Rui at napapikit sa mabilis na pagsagot niya.
"Pababa na 'ko"
"Rui, I'm sorry. May...may emergency kasi sa law firm. I need..I-I must be there. Hindi ko pwedeng takasan. I'm sorry" humigpit ang paghawak ko sa cellphone at napayuko sa rasong gawa-gawa ko. "I'm sorry for informing you this late. I promise, I'll make it happen next time. I'm really sorry, Rui"
"Ayos lang. May ibang araw pa naman"
"I'm really sorry"
"Hmm, ayos lang talaga. Naiintindihan ko naman."
"R-Rui" nanlulumo kong hinarap ulit ang madilim na kalsada. Doon ko nakitang dumaan ang pulang sasakyan.
"Hmm ayos nga lang"
I deeply sighed bago pinatay ang tawag. Nilingon ko ulit ang kalsada. Ang hindi ko maintindihan, bakit sa ganitong lugar siya dadaan. Hindi ito highway at malamang wala dito ang bahay ng prosecutor na yun. Something is off.
Mabilis akong nagtago sa madilim na poste matapos marinig ang paparating na mga sasakyan. Tatlong magkakasunod ang dumaan. Parehong mga kulay itim. Mamahalin.
Kumilos agad ako at sinundan sila nang patago.
Nakakalayo na pala ako at hindi na pamilyar ang daang tinatahak. Malalago ang mga damo sa paligid at maraming punong-kahoy. Tahimik at puro crickets lang ang naririnig ko. Maputik at kataka-takang walang ilaw din sa buong kalsada.
Nagmumukhang ghost town ang lugar.
Binuksan ko ang flashlight sa cellphone at maingat na tinahak ang putikang kalsada. Ganun na lang ang pagtataka ko nang makaabot sa dulo at sementadong kalsada na ang meron. Madilim pa rin sa paligid pero hindi na pahirapan kumpara kanina. Advantage na rin sigurong madilim dahil mas mabilis kong nasusundan ang ilaw ng kanilang mga sasakyan.
Kinakabahan akong napatago sa likod ng puno dahil sa biglang pag-ring ng cellphone ko. "Jin."
I turned it off. Patakbo kong sinundan ang mga sasakyan hanggang sa boluntaryo nang huminto ang mga paa ko hindi pa man tuluyang nakakalapit. Mula sa kinatatayuan, nakita ko ang isang malaking lumang bahay sa 'di kalayuan. Mahirap makita ang lumang bahay dahil bukod sa maraming punong nakapaligid, mas madilim sa bahaging iyon. Napanood ko ang pagpasok ng pulang sasakyan sa black gate at ang pagsunod din ng tatlo pang sasakyang sinusundan ko kanina pa.
BINABASA MO ANG
Sorry, Wrong Number
RomanceStatus: Complete Who would have thought that this so-called wrong number guy was part of her long-forgotten past? Will those memories lead them to their forever, or will they tear them apart? Start: January 02, 2021 End: December 04, 2021
