Chapter 13

33 6 2
                                        

Chapter 13

YOHANN MIN

I can't help myself but to stare the dazzling moon above us. Bigla akong may naalala. It happened around October, year 2009.

"The moon is beautiful isn't it?"

Nilingon ko ang pinanggagalingan ng boses at nagulat nang makitang nakatayo si Laine sa gilid ko. I didn't see her dahil na rin sa dilim sa parteng ito ng school building. Nag-angat ulit ako sa buwan na kanina ko pa pinapanood. Parang nagbago ito sa paningin ko dahil sa sinabi niya. I sighed matapos mapansin ang paninitig niya sa akin.

"Bakit ka nandito?"

"Pinapapunta na kasi lahat ng students sa gym" napapahiyang sagot niya. "Sira kasi ang mic sa sound booth, baka hindi mo narinig ang announcement"

"Mauna ka na"

"S-Sabay na tayo?"

"Asan ang mga kaibigan mo?"

"Nasa gym na silang lahat"

"Where's Hosiah?"

"Uh, hindi ko alam. Baka nasa gym na rin?"

"Puntahan mo na" malamig na usal ko. Napansin ko siyang matigilan pero nag-iwas ako ng tingin. Hinawakan kong muli ang metal railings at nakapikit na sinalubong ang malamig na hangin ng gabi.

"Ang dilim dito sa third floor, hindi ka ba natatakot?" Iminulat ko ang mga mata dahil sa tanong niya. "Hindi naman sa takot ako" dagdag pa niya.

Nilingon ko siya at pinakatitigan. Napansin ko kaagad ang pagkailang niya dahil sa ginawa ko. Itinuon ko ulit sa buwan ang mga mata at pumikit. Ayokong pumunta ng gym dahil naiingayan ako. I want to stay here hanggang sa matapos ang program pero mukhang imposible nang mangyari iyon. Nilingon ko ulit siya dahil sa pagiging tahimik niya. Nahuli ko na naman siyang nakatingin sa akin.

"S-Sorry"

"Baka hinahanap ka na nila"

"Dito ka lang ba talaga? Hindi ka manonood sa performance namin?" Umiling ako. Nagkamot siya ng ulo. "Hindi ka makakahanap ng kaibigan if you keep doing this"

"I don't need one" kaswal na tugon ko. "Umalis ka na"

"Yohann..."

"Stop doing this, Laine"

"Ang alin?"

"I know you know what I'm saying"

Sorry, Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon