Chapter 4

42 5 0
                                        

Chapter 4

"Kuya, may gustong humingi ng pizza!"

"Di ah!" sigaw ko sa bata. Nataranta ako bigla nang magsimulang humikbi ang bata hanggang sa ito ay tuluyang umiyak. Patakbo siyang lumapit kay Yohann Min at nagtago sa kanyang likuran na para bang nagsusumbong siya sa ama.

Ipinagkrus ko ang mga braso habang pinapanood siyang lumuhod sa lupa para patahanin ito. Sumama ang tingin sa akin ni Yohann Min dahilan para tumaas kaagad ang kanang kilay ko. "Hindi ko inaway 'yan"

"Pero sinigawan mo"

"Malay ko bang sensitive 'yan"

"Bata 'to"

"Eh ano naman?" pagtataas ko ng noo. He stares me na para bang siya na ang pinakadakilang magtatanggol sa mga naaapi. Hindi ko naman talaga inaway ang bata eh, napataas lang talaga ang boses ko, tsk.

"Mag-sorry ka"

"What?"

"Sa bata"

"Eh hindi ko nga inaway 'yan" inis ko. Napapikit ako. "Pasensya na, bata" pagkokonswelo ko na lang. Nag-iwas ako ng tingin at napakamot sa ilong. Sinubukan ko silang sulyapan ulit at nagulat nang makitang yakapin ng lalaking ito ang madungis na bata. Napaiwas ulit ako ng tingin nang lingunin niya ako habang kayakap pa rin ang batang lalaki.

"Umuwi na kayo" ginulo niya ang buhok ng mga bata na halatang ilang araw nang hindi naliligo at ngumiti sa mga ito. Napanganga ako. Totoo ba itong nakikita ko o pakulo lang niya ito?

"Paalam, kuya Yohann!" they all said in chorus. Kinawayan siya ng mga batang ito bago tuluyang umalis. Ginantihan naman niya ito ng malaking ngiti sa labi at kaway. Nakita ko kung paano unti-unting nawala ang magandang ngiti niya at napalitan nang malalim na buntong hininga. Seryoso niya akong nilingon. "Ba't ka nandito?"

"Naks!" palakpak ko. "Pa'no nga ulit 'yong ngiti?" aasarin ko pa sana siya kaso tinalikuran niya ako. "Woi"

"Oh?" walang kaemo-emosyon niya akong nilingon.

Nangapa ako bigla. "Uwi ka na?"

Hindi siya sumagot kaya inis ko ulit siyang tinawag, paulit-ulit. Doon na ako natahimik nang huminto siya paglalakad palayo at hinarap ako.

"What do you want, Miss? Wala na akong pizza—

"Hindi naman pizza—

"Then what?" walang kasing lamig na tanong niya. Pakiramdam ko ibang tao na naman ang kaharap ko. Malayong-malayo sa lalaki kanina. Tumaas ang gilid ng kanyang labi. "Ah, let me change the question. Who do you want? Me?"

Napanganga ako. Ano bang pinagsasabi nito.

"Did you follow me?"

"Nagkataon lang 'to okay?" depensa ko. Pinanliitan niya ko ng mga mata. Naiinis talaga ako sa mukha niya. "Feelingero mo. Hindi nga kita sinusundan!"

"Ba't ka nandito?"

"Nagkaton nga lang"

Nakangisi pa rin niya akong tinalikuran. "Umalis ka na. Paulan na"

Nag-angat ako ng tingin sa langit at napaismid. Sa linaw ng mga bituin sa langit, imposibleng uulan sa gabing ito. "Aba, oo aalis talaga ako. Feeling nito" bulong ko. Nasa loob na siya ng kanyang sasakyan nang matanaw ko.

Pinanood ko ang pag-alis ng kanyang magarang itim na sasakyan bago ako naglakad pabalik sa pinagparkingan ko ng motor kanina. Isinuot ko na ang helmet bago tinadyakan ang starter pedal ng aking itim na motor. Ipinagtaka ko ang hindi pag-andar nito kahit sa makailang beses kong pagpadyak. Tinanggal ko ang susi at ipinasok muli pero hindi pa rin ito umaandar. Pambihira, maayos naman ito kanina ah.

Sorry, Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon