Chapter 5

57 7 1
                                        

Chapter 5

"Gwaenchana?"

"Gwen...ano?" utal ko.

Muntikan na akong matumba nang bitawan niya mula sa mahigpit na pagkakahawak ang mga balikat ko. Nandidiri ko namang pinunasan ang parteng nahawakan niya sa damit ko.

"Before, wrong number and now wrong unit? tss" sabay iling pa niya. Sinamaan ko siya ng tingin at pahagis na ibinigay sa kanya ang hawak kong paper bag. Iniharang niya bigla ang kanyang buong katawan sa pinto nang subukan kong lumabas.

"Uwi na ako"

"No"

"Tumabi ka nga!"

"No"

"I said—

"No"

"Bakit ba?!"

"You didn't thank me yet" natigilan ako sa sinabi niya. "You came here to say it. C'mon, say it"

"Thank you! Alis!" Hindi siya natinag nang subukan ko siyang itulak. Inilingan niya ako at sumandal sa pinto nang magkakrus ang mga braso. I can't believe this man. Tumingala ako at malalim na humugot ng hininga. "Ano ba?"

Pinandilatan ako ng mata nang takpan ng kanyang malaking palad ang bibig ko.

"Shh, he's coming" biglang hila niya sa akin. Sinubukan ko siyang sikuin pero mabilis siyang nakailag. Diniinan niya ang pagkakatakip sa bibig ko nang subukan kong sumigaw Nararamdaman ko ang mabigat niyang paghinga. "We're doomed"

Kinabahan ako. "Kilala mo yun?" pahirapang usal ko. Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay alisin niya na ang palad sa bibig ko. Hinarap ko siya kaagad. "Sino ba kasi yun?"

"Malay ko" idinikit niya ang kanang tenga sa pinto. Mukhang pinapakiramdaman niya ang tao sa labas. Pinigilan na naman niya ako sa balak kong paglabas.

"Hindi naman ako takot dun eh"

"Halata nga sa reaksyon mo kanina" sarkastikong sagot niya. Naiinis akong napasandal na lamang sa pinto. Ginaya ko ang posisyon niya. Idinikit ko ang kaliwang tenga sa pinto at pinakinggan ang mga nangyayari sa labas. Nagkatinginan kaming dalawa kaya inismiran ko siya.

Napaigtad ako sa lakas ng katok mula sa labas ng pinto. Paulit-ulit niyang ginawa iyon dahilan para maalarma na ako. Kung ako ay halos magpanic sa kung anong gagawin, tanging buntong-hininga lang ang nagawa ng lalaking kasama ko ngayon.

Nagulat ako nang walang pasabing binuksan niya ang pinto.

"Yes?"

"Anong yes?" pabulong na asik ko sa kanya. Sisilip na sana ako nang mabilis niya akong inilagay sa kanyang malapad na likuran.

"I wanna talk to that girl, man"

"You can talk to me"

"Is she your girlfriend huh?"

"Yes"

Pinanlakihan ako ng mga mata. Inis ko siyang kinurot sa likod pero hindi man lang siya kumibo. Ni hindi man lang niya ako nilingon. Girlfriend? Tsk!

Magsasalita na sana ako nang lumabas siya at pagsarhan ako ng pinto. Sinubukan kong buksan pero mukhang hawak niya ang doorknob. Naririnig ko mula dito sa loob ang mahinang pag-uusap ng dalawa.

"She's drunk, I'm sorry" iyon lamang ang malinaw sa pandinig ko. Nasisiguro kong boses iyon ni Yohann Min. Aba'y loko din to ah.

Bago ko pa ipilit muli na buksan ang pinto ay bumukas na ito. Nasalubong ko kaagad ang walang emosyong mukha niya. Sumama ang mukha ko. "Ako lasing?" itinuro ko ang sarili, hindi makapaniwala sa naging rason niya.

Sorry, Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon