Chapter 51
RUI
Nag-uunahan sa pagkalabog ang puso ko habang tinatahak namin ang daan papasok sa korte. Napapapikit ako sa mga flash ng camera. Panay ang sunod nila sa amin hanggang sa pigilan sila ng mga pulis. Bumaba ang tingin ko sa sahig dahil sa matinding kahihiyan.
Nasa tabi ko si Trystan na siyang naging abogado ko magmula nang mamatay si Jin. Kahit anong pampalubag-loob ang sabihin nila, pakiramdam ko kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit namatay siya.
May iilang pulis na nakabuntot sa amin. Isa na doon si Jalen na bigo ang mga matang nakamasid. May mga pulis din sa bawat sulok. Ganitong-ganito ang mga eksena katulad sa mga pelikula. Kaya lang, sa pagkakataong ito hindi ako ang bida.
"RUI, ANAK!"
Hinanap ko agad sa dagat ng tao ang boses na iyon at tumigil sa paglalakad. Nakita ko ang mga magulang kong emosyonal akong sinusundan. Humihikbing kumakaway si mama sa direksyon ko. Malungkot akong ngumiti at tumango kahit sa kaloob-looban ko ay gusto ko silang takbuhin. Gusto ko silang yakapin. Hindi ko alam kung magagawa ko pa iyon pagkatapos ng araw na ito.
"Let's go, Rui." marahan akong hinawakan ni Trystan sa braso para magpatuloy sa paglalakad. Hinanap ko si Yohann pero hindi ko siya makita hanggang sa tuluyan kaming tumigil sa harapan ng saradong pinto ng courtroom.
Mula dito sa entrada ay natanaw ko kung gaano ito kalawak nang tuluyang bumukas ang double door. Sa pinakaharap ay may pahabang bench at isang itim na upuan. May dalawang flag sa magkabilang gilid at malaking bilog na logo sa gitna.
Nanlamig ako sa kinatatayuan. Nangatog ako nang subukan kong igalaw ang mga paa. Kung hindi pa hinawakan ulit ni Trystan ang braso ko ay hindi ako makakaabante. Nag-aalala niya akong tinitigan. Tumango ako at nanguna sa loob. Iginiya niya ako papunta sa kaliwang parte sa harapan.
Sumulyap pa ulit ako sa entrada kung saan may mga pumapasok. Nagulat ako nang magsipagdatingan sila Greggy, Amay, Melodie, at kuya Roger pero wala si Yohann. Bigo rin ang kanilang mga mata. Malungkot kaming nagkatanguan hanggang sa matigilan ako matapos makita ang ama ni Yohann na kakapasok lang. Nagtama ang tingin namin bago siya tuluyang naupo sa pinakadulo. Tinanguan niya ako at pasimpleng ningitian.
Tuluyan nang nadurog ang puso ko nang pumasok ang mga magulang ko dito sa loob. Hindi ko na nagawang ngumiti pa kagaya kanina. Emosyonal kong sinalubong ang lumuluhang mata ni mama habang inaalalayan siya ni papa, na nababahala sa sitwasyon. Yumuko ako sa nakagapos kong mga kamay sa ibabaw ng mesa.
Ilang minuto ang lumipas at nagsipagdatingan ang iba pa. Nanunuyo na ang aking lalamunan. Mas lalo akong kinabahan nang magtama ang tingin namin ng prosecutor. Sariwa pa sa utak ko ang paghaharap namin noong isang araw sa interrogation room. Ilang beses nang nag-abot ang mga landas namin. At dito pa kami humantong.
Nilingon ko si Trystan na seryoso at diretsong nakatingin sa kabila. Nakakunot ang kanyang noo at nawala lang iyon nang mapansin ang paninitig ko. Malungkot akong ngumiti nang lingunin niya ako.
"Salamat sa lahat, Trystan. " Emosyonal kong inilabi iyon.
"Rui..."
Umiling ako. Ang dami niyo nang nagawa ni Jin para sa akin. Tanggap ko naman na at alam ko na ang mangyayari. Hindi ko hiniling na makalaya. Gusto ko lang mabigyan ng tamang hustisya ang pagkamatay ni Jarenice at malinis ang pangalan ni Yohann. Mangyayari lang iyon kapag nakulong ako.
Suminghap siya ng hangin at mabigat na pinakawalan iyon. Kunot-noo niya ulit akong nilingon pero halata sa mata niya ang pag-aalala. "This is not your end, Rui. We'll fight. Prepare yourself. We'll uncover the truth."
BINABASA MO ANG
Sorry, Wrong Number
RomanceStatus: Complete Who would have thought that this so-called wrong number guy was part of her long-forgotten past? Will those memories lead them to their forever, or will they tear them apart? Start: January 02, 2021 End: December 04, 2021
