Chapter 26
Warning: This chapter contains scenes that readers may find disturbing.
YOHANN MIN
(Year, 2003)
Isang malutong na sampal ang narinig ko pagkapasok pa lang ng bahay galing sa ekwela. Napanood ko kung paano na naman niya sinasaktan si mama. Tuloy, nabitawan ko ang bag ko at naestatwa. Hinatak niya si mama palapit sa kanya. Sinampal na naman niya ito sa pisngi dahilan para mapalangoy ito sa sahig. Sa sobrang galit, pumagitan ako at itinulak ang lalaking ito palayo. Umaalingawngaw ang hikbi ni mama habang sinusubukan ko siyang patahanin. Palagi na lang niyang ginagawa ito sa tuwing lasing siya.
Buong galit kong tiningala ang lalaking hindi kailanman naging mabuting ama at asawa. Hinihingal ako sa sobrang pagpipigil. Nandidilim ang mga mata kong tinitigan siya. Alam kong manghihingi na naman siya ng pera kay mama.
Sa murang edad, mulat na ako sa katotohanang may nangyayaring pang-aabuso sa bahay. Pero takot kaming magsalita.
Nilingon ko si mama at nanlambot dahil sa nakitang mga pasa at sugat hindi lang sa mukha pati na rin sa iilang parte ng kanyang braso. Dumapo ang tingin ko sa itim na sinturon sa sahig at pinanlakihan ng mata. Gusto kong tanungin si mama kung ang mga preskong sugat na naman ba niya ay dahil sa bakal na 'yon.
"Ah!" Napasigaw ako at naiyak sa sobrang sakit nang pagkakahila sa buhok ko. Pinilit kong hindi mapalayo kay mama pero 'di sapat ang lakas ko para malabanan ang malaki niyang braso at katawan. Ipinatid ko paulit-ulit ang mga paa sa ere dahil sa walang kahirap-hirap niya akong nabuhat, hawak lamang ang marungis kong suot na uniporme.
Narinig ko ang naghuhuramentadong sigaw ni mama na sinusundan kami. Parang bagay lang na itinapon niya ako sa loob ng kanyang kwarto. Bago pa ako makatakbo palabas ay nasarhan na ako ng pinto.
"Ma! Ma!" Namumula na ang mga maliliit kong kamay sa walang tigil na pagkatok. Natatakot ako. Paulit-ulit na lang niyang sinasaktan si mama. Buong lakas kong itinulak ang pinto pero hindi pa rin ito nabubuksan. Narinig ko mula dito sa makitid at madilim na kwarto ang nagmamakaawang boses ni mama habang humahagulhol sa labas. Dumadagundong iyon sa tenga ko.
"Hayaan mo na ang anak natin, pakiusap. Ako na lang! Ah!"
"Ma!" sigaw ko matapos makarinig ng magkakasunod na sapak. "Ma!"
Huminto ang paghinga ko dahil pagkatapos ng ilang minuto, hindi ko na narinig ang boses ni mama sa labas.
Nagwawala kong inikot ang doorknob at pinaghahampas ang pinto. Paulit-ulit kong tinawag si mama. Sana mali ang naiisip ko. Sana walang masamang nangyari kay mama.
Biglang bumukas ang pinto. Dahan-dahan akong tumingala at nangingisay sa takot dahil sa malademonyo niyang hitsura. Napaatras kaagad ako sa paglapit niya.
BINABASA MO ANG
Sorry, Wrong Number
RomanceStatus: Complete Who would have thought that this so-called wrong number guy was part of her long-forgotten past? Will those memories lead them to their forever, or will they tear them apart? Start: January 02, 2021 End: December 04, 2021
