Chapter 28
"Ikaw na naman?" may halong inis sa tono ng boses ni Marky. Nakatingala pa rin ako kay Yohann. Sinubukan kong kumalas pero mas humigpit lang ang paghawak niya sa aking braso. Nasasaktan ako.
"Leave" malamig niyang sambit. Nasa kay Marky pa rin ang tingin.
"Bro, kinakausap ko pa si Rui"
"Leave" ulit niya.
"R-Rui" may pagmamakaawa na sa kanyang boses. Nakagat ko ang labi at umiling. Ayoko. Ayoko na Marky. Tapos na tayo.
"Leave" sa pangatlong beses ay mas ramdam ko na ang tensyong namamagitan. Maski ako ay kinakabahan na sa posibleng mangyari kung hindi pa rin siya aalis. Ayoko nang maulit ang nangyari sa dalawa.
"Marky umalis ka na" matigas kong sabi. Nanlumo siya pero nag-iwas na ako ng tingin at napapikit. Narinig ko pang suminghap ng hangin si Marky bago unti-unting lumalayo ang yabag ng kanyang mga paa.
"Bitiw, Yohann" malamig kong sabi. Inis ko siyang tiningala. "Ano ba?"
Matagal niya akong tinitigan. Para bang may inaantay siyang hindi ko naman alam. Napansin ko ang patalim ng kanyang mga mata sa akin kaya napalunok ako. "Did he bother you?"
"Kinakausap lang ako no'ng tao"
"Did you give him a chance?" iritado niyang sabi. Matalim ang tingin.
Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa kanya.
"Narinig ko iyon" sambit niya. Hindi ko pa rin magawang magsalita. "Anong nakain ng gagong iyon?"
Gago? Pinanlakihan ako ng mata. Nag-igting ang kanyang panga. Bumilis din ang pag-angat baba ng kanyang mga balikat. Galit ba siya? E ano naman sa kanya?
"Nakalimutan mo ang ginawa niya sa'yo? Oh baka naman rumurupok ka na naman sa ex mo?" halos pasigaw na niyang tanong. Yumuko ako at napakagat labi. Imbes na magalit, bakit parang natutuwa pa ako sa ginagawa niya ngayon?!
Mariin kong pinikit ang mata. No. Imposible ang nasa isip mo Rui!
Inis kong winakli ang kanyang kamay na ngayon ay tuluyan nang bumitiw sa aking braso. Pinagkunutan ko siya ng mukha at nakita ko kung paano niya nilabanan iyon.
"Nagseselos ka ba?" Sa iilang segundo, nakita ko kung paano napalitan ng pagkagulat ang kanyang matalim na tingin. Napasinghap siya ng hangin na para bang isang kalokohan ang tanong ko. "N-Nagseselos ka?"
"Tss" Tinalikuran niya ako ng gano'n lang!
Hinayaan ko siyang maglakad palayo at pumasok sa loob. Nakagat ko na naman ang labi sa sobrang pagkainis. Nagsisisi akong tinanong ko pa iyon.
BINABASA MO ANG
Sorry, Wrong Number
RomanceStatus: Complete Who would have thought that this so-called wrong number guy was part of her long-forgotten past? Will those memories lead them to their forever, or will they tear them apart? Start: January 02, 2021 End: December 04, 2021
