Chapter 09
Nilingon ko ang buong pamilya namin na ngayon ay may mga ngiti na sa labi. Magsasalita na sana ako nang tumayo si Jalen hawak pa rin ang kanang kamay ko. Aligaga akong tumayo at sumunod sa kanya sa labas matapos makapagpaalam ni Jalen sa lahat. Ramdam ko ang mahigpit niyang paghawak sa kamay ko habang nagmamadali kaming lumabas. Habol naming pareho ang hininga nang tuluyan na kaming makalayo-layo sa bahay. Inis ko siyang pinanood habang siya ay nakatingala nang sumandal sa sementadong pader.
"Anong magpapakasal? Jalen, may alam ka ba sa plano nila?"
"Kailangan kong sabihin 'yon para tumigil na sila. I'm sorry"
"Alam mo naman—
"I know, Rui, I know. I don't like the idea either, tsk. We're getting married? Seriously?"
Naaasar ko siyang hinampas sa braso. "Pwede naman nating sabihin 'yong totoo na malayo sa iniisip nila ang relasyon nating dalawa"
"May utang ang mama ko sa mama mo" sagot niya na kinagulat ko. "I shouldn't tell you this" nag-iwas siya ng tingin at bumuntong-hininga. "Your mom asked my mom for a favor. She wants us to get married. Syempre hindi makatanggi si mama. My mom tried to convinced me to court you. I-I tried...but it didn't worked out. Masyado kang boyish"
Pinamilugan ako ng mata sa huling sinabi niya. "A-Anong sabi mo?"
"Hindi ako pumapatol sa tomboy, Rui" Inis ko ulit siyang pinaghahampas dahil sa sinabi niya. Natawa siya. "I mean, hindi tayo talo"
"Talagang hindi tayo talo!"
"I have a girlfriend now"
Huminto ako. "Kakabreak mo lang kagabi ah"
"You know me" ngisi niya. May halong pagmamayabang.
Pinamewangan ko siya. Tignan mo nga naman. Kung gaano siya kabilis hiwalayan, ganoon din siya kabilis makahanap ng babae.
"May boyfriend ka rin"
"Break na kami" giit ko. Nilingon niya ako na halatang nagulat. Hindi ko pa nga pala nasabi sa kanya ang tungkol doon. "Tsk, kung makatingin ka parang hindi ka makapaniwala ah? Ikaw na nga nagsabi 'di ba na masyado akong lalaki kung kumilos?!"
"Kailan pa?"
"Matagal na. Ilang linggo na rin" sagot ko. Nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Wag mo'kong kaawaan, tsk. Maawa ka nga sa sarili mo. Kailan ka ba magsesettled down sa iisang babae , ha?!"
"Gusto kong suntukin 'yong lalaking 'yon ah. Nangako sa'kin 'yong gagong Marky na 'yon na hindi ka niya sasaktan."
"Tsk, tapos na nga. Ayoko na ng gulo. Gusto niya sa may pera eh. Eh 'di dun siya. 'Wag mo nang patulan. Pareho lang kayong babaero!" asik ko.
BINABASA MO ANG
Sorry, Wrong Number
RomanceStatus: Complete Who would have thought that this so-called wrong number guy was part of her long-forgotten past? Will those memories lead them to their forever, or will they tear them apart? Start: January 02, 2021 End: December 04, 2021
