Chapter 32

42 6 0
                                        

Chapter 32

Kusang huminto ang aking mga paa sa sinabi niya. Nilingon ko siya ulit at pinanliitan ng mata. Nasasabi mo lang ba ito dahil nakainom ka?

"R-Rui..."

"Tara. Gagamutin ko 'yang sugat mo." Tinalikuran ko siya at tumuloy sa paglalakad. Abala ako sa paghahalungkat ng bag nang pumasok siya rito sa loob ng aming kwarto. Binalewala ko siya kahit pa naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama ko.

"Do'n ka sa kama mo" utos ko nang hindi tumitingin. Sumunod naman siya agad.

Humugot ako ng malalim na hininga bago siya hinarap. Nakaupo siya sa kama niya paharap sa akin. Nilagyan ko muna ng betadine ang bulak bago iyon seryosong idinampi sa mga sugat niya. Una sa gilid ng kanyang kilay. Nakatayo ako kaya bahagya akong nag-squat para mapantayan ang mukha niya. Nakakunot pa rin ang mukha ko habang dinahandahan ang ginagawa.

"You don't believe me." mahinang usal niya. Hindi ako umimik. "I like you."

Pinalitan ko ulit ng bagong bulak at nilagyan iyon ng betadine. Nakagat ko ang labi sa inis nang manginig ang mga kamay ko.

Mabilis kong nailayo ang kamay nang mapaaray siya sa pagkakadampi ko. Umiling ako at magpapatuloy na sana nang pigilan niya ako at kinuha ang kanan kong kamay.

"Yohann..."

"I'm sorry kung ginulat kita." pumungay ang kanyang mga mata. Umiling ako at nag-iwas. "But I can't help myself this time, Rui. I'm jealous."

Nagulat ako at napaharap sa kanya. "A-Ano?"

"I'm mad because I'm jealous, Rui." diin niya.

"Ba't ka kasi nagseselos?" Tinitigan lang niya ako sa tanong ko na para bang hindi ko na dapat tinanong kasi alam ko iyong sagot. Nakakunot ang mukhang inalala ko ang pagseselosan niya.

Natigilan ako nang maalala kung gaano namin kalapit dalawa ni Charles kanina.

Umiling ako at kumuha ulit ng panibagong bulak. Mula sa gilid ng aking mata nakita ko ang pagtayo niya. Napalunok ako. At nang magkaharap kami, ganoon na lang kalapit ang mga mukha namin. Nakakabingi ang malakas na kalabog ng puso ko.

Unti-unti ko siyang tiningala. Napalunok ako.

"I...I want to kiss you." maski siya ay napalunok na rin. Kinilabutan ako nang dumampi ang isang palad niya sa kanang pisngi ko. Namumungay na ang kanyang mga matang nakatitig sa mga mata ko. Bumaba ang tingin niya sa aking labi. Pumikit ako nang tuluyang maramdaman ang labi niya sa labi ko.

Mula sa mabagal at maingat ay naging mapusok ito. Naghahanap. Napakapit ako sa damit niya at kinuyumos ang mga kamay. Halos kapusin ako ng hininga sa ginagawa namin. Iginiya niya ang pisngi ko sa mga halik niya. Naipulupot ko ang braso sa kanyang leeg nang hapitin niya ako sa bewang habang hinahalikan. Hinayaan kong maglikot ang mga kamay niya. Alam kong anumang minuto susuko na ang katawan ko sa sensasyong pinaparamdam niya sa akin ngayon.

Sorry, Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon