Chapter 3

50 8 0
                                        

Chapter 3

"Nakalimutan mo yata ang sinabi ko"

Inis kong tinanggal ang kanyang kamay sa aking braso at nagmadaling lumabas. Nandidilim ang mga mata ko habang tinatanaw ang pagmamadali ng dalawang ahas sa malayo.

Kumuyumos ang mga kamay ko. Buong lakas akong sumigaw dahilan para kumaripas sila ng takbo. Hindi naman ako nagpahuli at hinabol sila. Naabutan ko sila kaya nahila ko ang mahabang buhok ng kasama ni Marky.

"Rui!" awat ni Marky pero hindi ko siya pinakinggan at kinaladkad pa ang babae. Naririnig ko na rin ang pagsigaw ng mga kasamahan ko sa trabaho. Habol ko na ang hininga. Nakakarindi ang tili ng babaeng ito na pinipilit makawala sa kamay ko.

Napasigaw at halos maluha ako sa sobrang sakit nang mahila niya rin ang buhok ko.

"Rui, tama na 'yan ano ba!"

"Ano bang meron 'to, bakit pinagpalit mo 'ko sa higad na 'to, Marky ha?!"

"Pera Rui! Pera! Omg ayan na!" boses ni boss Amay ang sumagot.

Tumilapon ako sa lupa nang buong pwersa akong naitulak ng babaeng ito palayo. Nakita ko kung paano siya mabilis na nilapitan ni Marky. Kung tutuusin ay mas malala pa nga akong napuruhan. Gusto kong hindi paniwalaan ang nakikita ko ngayon. Paano siya mabilis na nakahanap ng iba? Sa bakla pa?

Pera rin ba ang habol niya sa akin noon pa? Ngayon na wala akong maibigay sa kanya maghahanap siya ng iba?

Tumayo ako sa sariling mga paa at naluluha silang pinanood. Bago ko pa sila masugod ay may humarang na sa daraanan ko.

"Hayaan mo na" si Yohann Min na naman. Inilingan ko siya at itinulak palayo pero hindi siya nagpatinag sa harapan ko.

"Give way —

"No"

"I said—

"No—

"Ano ba!"

Sinubukan ko siyang itulak ulit pero hinawakan niya ang mga braso ko. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi para lang hindi ko siya mamura sa pangingialam niya. Sa huli ay idinaan ko na lang sa tawa ang magkahalong inis at galit sa mga taong ito.

"Go! Hinarangan na ako oh? Umalis na kayo mga putangina niyo!" buong lakas na sigaw ko. Hinarap ko ulit si Yohann Min nang suwayin niya ang pagmumura ko.

Alam kong maraming tao ang nanonood ngayon sa eskandalong sinimulan ko.

"May bago ka na rin naman ah"

Napalingon ulit ako kay Marky dahil sa sinabi niya. Pinasadahan niya si Yohann Min mula ulo hanggang paa bago ako ningisihan. "Mayaman ah?"

Binitawan ng lalaking ito ang mga braso ko. Kinabahan ako bigla nang harapin niya si Marky. Nakita ko kung paano unti-unting nawala ang kanyang nakakalokong ngisi kay Yohann Min.

"How do you met him, huh? Rui? Woah. Sasakyan mo 'yong itim na Toyota Fortuner?"

Napasinghap ako ng hangin at tumingala sa langit. Na para bang pinaparatangan niya akong magkatulad lang kami. Na pera lang din ang habol ko sa lalaking ito.

Susugurin ko ulit sana siya sa sobrang pagkainis nang mahuli na naman ni Yohann Min ang braso ko. Bumaba ang kanyang kamay patungo sa aking palad at pinagsiklop ang aming mga daliri sa mismong harapan ni Marky. Sa gulat ay napatingala ako sa kanya. Nasa kay Marky naman siya seryosong nakatingin. Nagpapalit-palit ako ng tingin sa dalawa.

Sorry, Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon