Chapter 01

25K 449 16
                                    

NILIBOT KO ANG TINGIN sa paligid na punong-puno ng mga kapwa ko estudyante, ngunit hindi kapwa uri. Grupo-grupo sila at masayang nag-uusap. Walang problema at lungkot na kababakasan sa kanilang mukha. Bagay na hinihiling kong gano’n din ako.

Gustuhin ko mang makisalamuha sa kanila, hindi p'wede. I don't allow myself to get close to anyone, not because I'm not like them, but because I don't trust myself or anyone else. Kapag napalapit ako sa isang tao, buong tiwala na kaagad ang binibigay ko kahit pa isang linggo lang kaming magkakilala.

Kaya kahit marami ang gustong makipaglapit sa akin, tumatanggi ako. Babae man o lalaki. Ayokong isang araw ay gumising na lang akong tinutugis ng mga tao dahil sa tunay kong katauhan.

"Jordan!"

Nag-angat ako ng tingin sa tumawag sa akin. Humahangos na lumapit sa akin si Callie at umupo sa tabi ko. Kahit mabilis ang takbo niya, hindi man lang siya hiningal hanggang sa makalapit sa akin.

Callie is the only person I'm close to. Outside or inside the university. Why? Because she's not the same as them, but the same as me. Nauunawaan namin ang isa't isa at pareho kaming istrikto sa pakikisalamuha.

"Bakit?" nagtataka kong tanong.

Tumingin muna siya sa paligid para tingnan kung may makakarinig sa amin bago inilapit ang bibig sa aking tenga.

"May kakaibang nangyari kagabi! Hindi ka maniniwala!" mahinang bulalas niya.

Lumayo ako at tiningnan siya. "Ano iyon? Ano'ng nangyari kagabi?"

"Kagabi. Lumabas ako para bumili ng cup noodles sa malapit na convenience store at noong pauwi na ako, I smell something strange. A strong musky scent. Hindi ko alam kung bakit pero parang may mahika ang amoy na iyon at unconsciously, sinundan ko. And you won't believe what I saw!"

Hindi pa man niya natatapos ang sinasabi, kinakabahan na ako.

"Jordan! I saw three black, big, werewolves! And I think they were male werewolves!" napapantastikuhan niyang bulalas. "Can't you believe it? We're not alone! May kauri tayo—"

"Callie," mariin kong saway. "Alam kong masaya ka dahil nalaman mong hindi lang tayong dalawa ang natitira sa lahing mayroon tayo sa bayang 'to, but think carefully first. We don't know them. We don't even know if they're bad or good or what they're here for. Sa tagal nating nakatira sa bayang 'to. Ngayon lang tayo nakakita ng ibang kauri natin. Take note: they're male werewolves."

Ngumuso siya. "I know that, but I can't help it, Jordan. Hindi natin alam kung saan tayo nagmula. Ang tanging alam natin ay hindi tayo tao, at ang iba nating alam tungkol sa kalahi natin ay galing pa sa libro ni Lola Mariana. Kaya masisisi mo ba ako kung masaya ako na makakita ng katulad natin?"

Ngumiti ako sa kanya. "You can be happy about it, Callie. Wala namang masama, pero sana kapag nakita mo sila muli. Magpanggap kang tao. Huwag mong ipakita sa kanila ang totoong anyo natin hangga't hindi natin nalalaman kung saan sila galing at ano ang kailangan nila."

Nakakaintinding tumango siya. "Hmm. . . Sige."

I sighed in relief. Muli akong sumandal sa inuupuan at pinagmasdan ang mga taong naglalakad. Mamaya pag-uwi ay muli kong itutuloy ang pagbabasa sa librong binigay sa akin ni Lola Mariana bago siya namayapa.

Lola Mariana is also one of us. Bukod kay Callie, siya lang ang kilala kong kauri namin. Wala kaming alam pareho ni Callie sa pinagmulan namin. Ang tanging alam ko lang ay si Lola ang nagpalaki sa amin at sumanay sa kakaiba naming abilidad.

Sinubukan kong tanungin si Lola tungkol sa pinagmulan namin pero wala akong sagot na nakuha. Instead, binigay niya sa akin ang isang makapal na libro. Sobrang kapal no'n na hindi pa ako nangangalahati hanggang ngayon.

"I can't help but wonder though," biglang sambit ni Callie.

Napalingon ako sa kanya. "Wonder about what?" tanong ko. Kumunot ang noo ko nang mamula ang mga pisngi niya.

"W-what if. . . one of them is our mates?"

I was caught off guard by her question.

"Hay! Sana hindi sila masama. Sana isa na sa kanila ang para sa akin. Gusto ko kayang magkapamilya!" kwento niya.

Hindi ako nakaimik. Nanatili akong tahimik habang siya ay nagkukwento. For so many years, Callie was hoping to find her mate, but not me. I must not have a mate, or if I did, he must not find me.

Hindi dahil sa ayaw ko, kundi dahil nangako ako kay Lola Mariana. And I ought to keep it for the rest of my life.

Hiding From The AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon