Chapter 11

14.3K 385 34
                                    

TULAD ng sinabi ni Leo, nagsimula nga ang paghahanap nila. Hindi niya direktang sinabi sa akin pero napansin ko ang unting pagkabawas ng bilang ng mga babae. Minerva is happy on the other side though. Akala niya ay nababawasan na ang mga maaari niyang maging kakumpetensya kay Vonvane. Ang hindi niya alam ay naghahanap na pala ng kapalit niya. Poor woman.

"Nilipat ka na raw ng kwarto? May nangyari ba?" tanong ni Callie.

Nandito kami sa East Wing ng mansyon at nag-aalmusal. Hindi ko kayang magtagal doon na mukha ni Minerva ang nakikita ko. Hindi ako palaaway na tao but whenever I see her taunting face. I suddenly want to dig my nails on her face and tear it into pieces.

Tumango ako. "I pissed him off," matapat kong sagot.

Nanlaki naman kaagad ang kanyang mga mata. "Who? The Alpha?"

Muli akong tumango. Pagkatapos ng sagutan namin sa balcony, hindi ko na siya nakita pa. Nalaman ko na lang kay Alastair na pinapalayas niya na ako sa kwarto niya. Maganda na rin 'yon dahil hindi ko na makikita ang mukha niya araw-araw.

"W-What did you say to him? Hindi ka ba niya sinaktan?" nag-aalala niyang tanong.

"No," mahina kong sagot. "I told him that I wish he would never find his mate and if he finds her, I hope she will hate him."

"Jordan!" takot niyang bulalas. "Buti hindi ka niya sinaktan. You insulted him!"

"He insulted me first, Callie," seryoso kong saad. "At wala akong ginawang masama para gawin niya 'yon."

"Still, Jordan." Ngumuso siya. "He's an Alpha. We must follow him."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Oo nga't isa siyang Alpha at nasa loob tayo ng teritoryo niya pero hindi natin siyang kailangang sundin. Hindi natin siya pinuno, Callie—"

Napahinto ako nang may ma-realize. Nagbaba siya ng tingin nang mapansin ang panliliit ng aking mga mata.

"Callie," nagbabanta kong tawag. "Huwag mong sabihing kinikilala mo na siya bilang pinuno mo?"

"J-Jordan, T-That's. . . That's—Urgh!" Napapikit siya. Her guilty eyes look up at me. "All our life. It just the three of us. You, me and lola Mariana. Buong akala natin ay tayo na lang ang natitirang mga lobo but then, they came. Mabait sila. Hindi nila tayo sinaktan. They just want us to follow Alpha Vane. Kaya naisip ko. Bakit. . . Bakit hindi tayo umanib sa—"

"Callie!" galit kong putol sa kanya. "Aalis tayo rito at hindi magpapasakop sa mga lobong inilayo tayo sa sarili nating tahanan!"

"Jordan—"

"Once they find their Alpha's mate, they will released us all. Hindi totoo ang sinabi nila sa 'yong nangunguha sila ng mga katulad nating walang pinuno para magpalakas," pahayag ko. "Kapag nagawa na ang nais nila. Aalis tayo nang tahimik at babalik tayo sa bayan natin. Uuwi tayo, Callie."

Bagsak ang balikat na tumango siya at hindi na nagprotesta pa. Naiintindihan ko naman na kagustuhan niyang manatili rito. Her mate is here after all. Hindi niya pa marahil kilala ang lalaking 'yon ngunit sa oras na malaman niya. Mas mahihirapan na akong kumbinsihin siya. I don't want to leave Callie. I know that it was selfish for me to hide that she's probably mated to one of those wolves, but I can't help it. I don't want to leave her. Ayokong umuwing mag-isa. Si Callie na lang ang meron ako. Iiwanan ko pa ba siya?

"Jordan. . . What do you mean when you said they will release us once they find the Alpha's mate? Does that mean one of us is the Alpha's mate?" usisa niya.

Tumango ako sa kanya bilang sagot. Kumuha siya ng isang pirasong tinapay. Malayo ang tanaw niya habang kumakagat sa hawak na pagkain.

"I wonder. . . Sino kaya sa atin ang nakatakda kay Alpha Vane?" interesado niyang tanong.

Hindi ko binigyang pansin masyado ang interes sa kanyang boses. "Kung sinuman siya. Napakamalas niya."

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Callie. "Hey! Huwag kang magsalita ng ganyan. Who knows? Mamaya ikaw pala ang malas.

Kumunot ang noo ko. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"You know. Baka mamaya ikaw na pala ang sinasabi mong malas na babaeng nakatakda para sa kanya?"

***
Ambilis! Chapter 11 na pala tayo 🤧 thank you, thank you sa pagbabasa at kay Miss MyleneCaber4 sa comments. My daily dose of inspiration ♥️

Hiding From The AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon