AVIANNA.”
Nagising ako sa malalim na pag-iisip dahil sa baritonong boses na iyon. Hindi mabasa ang emosyon sa mga mata ni Vane nang magtama ang aming paningin. Tulala pa rin ako hanggang sa makalapit siya sa akin.
“What are you doing here?” tanong niya.
Pasimple akong tumingin sa kakahuyan. Ang daang tinahak ng kulay puting lobo. Should I tell him that someone was here before he went in?
“You shouldn’t be staying here. It’s not safe. Stay inside,” mariing saad ni Vane.
Muli akong tumingin kay Vane. “What do you mean I’m not safe? Sentro ng teritoryo mo ang mansyon na ‘to. Who would dare? At isa pa, hindi ako mahina. Kaya kong lumaban, Vane.”
Mahina siyang napabuga ng hangin. Ang kaninang mahirap basahin niyang mga mata ay naging malinaw sa akin. He’s annoyed and restless.
“Anong nangyayari, Vane? May hindi ka ba sinasabi sa akin?” seryoso kong tanong.
Hindi ko hinayaang umiwas siya ng tingin sa akin. I want to know the truth.
“Vane,” mariin kong tawag. “Anong kailangan ni Hellix? Bakit patuloy pa rin siyang nanggugulo? May kinalaman ba sa ‘kin—”
He cuts me off. "Let's not talk about this, Avianna. Just stay inside the house if I’m not around. Don’t think too much.”
Inabot niya ang aking kamay at akmang hihilain ako paalis pero nanatili ako sa aking puwesto. I gave him a determined look.
“It has something to do with me, right?” tanong kong muli.
Matagal niya akong tinitigan. Humigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay. He doesn’t need to confirm it anymore. I already saw the answer in his eyes.
“It’s better if you don’t know anything, Avianna,” seryoso niyang saad.
I disagree! Kailan pa naging maganda ang maging walang alam sa nangyayaring problema? Especially, if it has something to do with me! Natural lang na malaman ko! Nang sa gano’n ay malaman ko rin kung may maitutulong ako.
“Gusto kong malaman ang katotohanan, Vane. Huwag mo ‘kong puwersahing alamin ang totoo sa iba,” may pagbabantang utos ko.
Ngunit kung anong determinado kong malaman ang totoo ay siya ring ang tibay niyang huwag sabihin sa akin ang totoo.
“Kahit malaman mo ang totoo, hindi kita hahayaang makialam. It’s my decision as the Alpha, Avianna, and you must follow it,” maawtoridad niyang saad.
Kumuyom ang mga palad ko. “What if I don’t?” hamon ko.
Nanliit ang mga mata niya. “I don’t want to fight with you about this, Avianna,” nagbabantang saad niya.
“Hindi ko rin naman gustong makipag-away, Vane. Gusto ko lang malaman ang totoo. Mahirap ba ‘yon?” pakikipagtalo ko.
“Will I hide the truth if it’s easy to tell you? I knew you. Deep inside of you, Avianna. If you know the truth, you will decide without thinking about me or if I would be okay with your decision or not.”
Hindi ako nakapagsalita. His words pierce my heart. Marahas siyang napabuga ng hangin. Waring kinakalma ang sarili.
“Hindi kita pipigilan na magkaroon ng sariling desisyon, Avianna, but can you please think of me too before you make up your mind?” I didn’t speak. Dumaan ang ilang segundong katahimikan bago siya muling tumalikod. “If you want the truth, then ask for it. Just don’t run away again, Avianna.”
Tanging tingin lang ang nagawa ko nang maglakad siya paalis. I’m starting to hate it when we fight. Damang-dama ko ang paninikip ng aking dibdib.
“What’s that?”
Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses niya. Tumigil na pala si Vane sa paglalakad at nasa direksyon ko na nakaharap. Ngunit ang mga mata niya ay nasa aking likod.
Kumabog ang dibdib ko sa kaba nang maalala ang lobo kanina. He smelled him! Vane will know there’s a male wolf here earlier! Wala naman ako ginawang masama. Ngunit dahil sa salitang binitiwan ng lalaking ‘yo, I felt anxious.
Nagsalubong ang mga kilay ni Vane. “Avianna—”
“Alpha!”
Naputol ang kanyang sasabihin sana dahil sa humahangos na si Callisto. Parehong nangunot ang noo namin ni Vane dahil sa tarantang ekspresyon sa kanyang mukha.
“What’s happening?” maawtoridad na tanong ni Vane.
“They’re attacking us, Alpha! Minerva betrayed us! She helped the Valley pack slipped into our territory!”
Nanlaki ang mga mata ko. “Nasisiraan na ba siya ng bait?”
“Tell Leo he will stay here. I will take Alastair with me and the other Deltas. Now!”
“Yes, Alpha!”
Akmang susunod si Vane nang hawakan ko siya sa braso. Kaagad siyang napalingon sa akin.
“Vane. . .”
Natigilan ako nang haplusin niya ang aking pisngi. Hindi ko inaasahan iyon dahil akala ko’y galit siya sa akin.
“Stay here. Leo and the Omegas will protect you.”
“H-Hindi ka. . .galit sa akin?” mahina kong tanong.
“I’m mad, but I still want you.” Parang may bagay na humaplos sa aking puso. “Be safe, Avianna. Uuwian pa kita.”
Humigpit ang pagkakahawak ko sa kanyang braso. Alam kong magiging maayos lang siya. He’s strong and almost close to being an immortal when he’s on his wolf’s form, but I can’t help but still worry.
“Ipangako mo ‘yan, Vane. . .”
He kissed my forehead before whispering, “Hindi ko lang ipapangako kundi gagawin ko, Avianna. Babalik ako sa ‘yo.”
BINABASA MO ANG
Hiding From The Alpha
WerewolfJordan Avianna Evangelista lived a normal and human-like life, not until a pack of wolves kidnapped her and her best friend to be part of them. Desperate to have their freedom back, Jordan did her best to escape from the territorial pack and from th...
