HINDI pa rin ako makapaniwala habang pinapasadahan ng tingin ang kanyang kabuuan. Sa buong buhay ko, si Lola Mariana lang ang kilala kong kagaya ko. Nagpalipat-lipat na ako ng lugar ngunit ngayon ko lang siya nakita. Saan siya nagtatago? Marami ba sila? Tulad din ba sila ni Vane? May pinanggalingan din ba ako?
“P-Paano. . .”
Bago ko pa masabi ang aking tanong. Siya na ang nagtuloy at sumagot. Kaswal siyang naupo. Parang wala lang sa kanya na nasa loob siya ng ibang teritoryo. Kapag nakita o natunugan siya ng mga Omega. Hindi siya sasantuhin ng mga ito.
“Paanong ngayon mo lamang nalaman na may iba pa pala bukod sa ‘yo at sa iyong lola?” pagpapatuloy niya sa aking tanong. “Because we weren’t supposed to be seen, Avianna. Hindi tayo tulad ng ibang mga lahi ng lobo. Tulad ng mga nilalang na nasa loob ng teritoryong ito.”
“A-Anong ibig mong sabihin?” naguguluhan kong tanong.
Dahan-dahang siyang tumango. Ang mga kulay putting balahibo ay tinatangay ng hangin. Hindi ko man tanungin, alam kong lalaki siya. When he’s talking, I can’t just hear words but also his voice. Mas malaki rin siya sa akin. Magkasing-laki sila ni Vane. He has a different accent too when he speaks. Ngunit maayos naman ang kanyang pagtatagalog.
“An oriented wolf, but not fully. Mariana must’ve hid you in the dark,” saad niya.
“Isa ka bang. . . Isa ka rin bang Alpha?” lakas-loob kong tanong.
Matagal ko nang gustong malaman ang bagay na ‘to. I want to know kung katulad din ba kami ng iba. Kung meron din ba kaming pinuno. Lola Mariana didn’t tell us anything about our origin. Kung hindi pa nga sa libro, hindi ko malalaman na isa akong moon wolf.
Pumaling ang kanyang ulo, like he’s amused of me. “What makes you think of that?”
“Y-Your wolf size. It was same as—”
Pinutol niya ang dapat na sasabihin ko.
“Like your mate, Alpha Vonvane of The Demoncrest Hounds?” tuloy niya sa aking tanong. Tumango ako. “To answer your question. No, Avianna. I’m not an Alpha.”
“Kung gano’n bakit—” He cut me off again.
“I am a male wolf. That’s the first reason. The second is. . .” Huminto siya. Saglit akong tinitigan. “We don’t have an Alpha, Avianna.”
Umawang ang mga labi ko. “A-Ano?”
“We only serve one leader, and that’s the moon guardian. The guardian who gives you the power to heal, the strength to fight even an Alpha and fierceness anyone will fear,” dagdag niya. “She is the one you shall follow, not a black alpha wolf, Avianna.”
Nanliit ang mga mata ko. Hindi ko nagustuhan ang tono niya pagdating kay Vane.
“He is not just a black alpha wolf, whoever you are. He is my mate,” mariin kong saad.
“Yes, he is your mate and will also be the reason for your fall down. If you know what you will lose for him, I wonder if you will still stay with him,” makahulugan niyang sambit.
Kumuyom ang aking mga palad. Kung kanina ay namamangha ako dahil nakakita ako ng isa pang kagaya ko. Ngayon ay hindi na. Nais ko siyang gilitin sa leeg.
“Kung nandito ka lang para sirain kami, makakaalis ka na. I am happy to see one of my kind, but I think it’s enough,” malamig kong saad.
Napapailing na tinalikuran ko siya. Ang akala ko pa naman ay magiging magandang karanasan ang makakita ng isang katulad ko, mali pala. Sana hindi na lang pala siya nagpakita.
He just showed out of nowhere yet he has the guts to say those words towards Vane. Vane is a jerk, I must admit ngunit hindi siya ‘yung tipo na magbababa sa akin.
“You must not let him mark you, Avianna.”
Napatigil ako sa paglalakad.
Magkasalubong na ang mga kilay ko nang tingnan ko siya.
“At sino ka para sabihin ‘yan sa akin?” naiinis ko nang tanong.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo. As if on cue, nakarinig ako ng yabag palapit sa amin. It was far yet I already know who it is.
“Avianna!”
Si Vane!
“Umalis ka na!” taboy ko sa kanya. Kahit naman naiinis ako sa kanya, ayoko siyang makitang pagpira-pirasuhin ng mga Omega kapag nakita siya ni Vane.
Mas lumakas ang mga yabag. Malapit na si Vane pero hindi pa rin kumikilos ang lalaking ‘to sa kanyang puwesto. May balak yatang magpakamatay.
“Once he marks you, you will lose everything, Avianna.”
Natigilan ako. “A-Anong ibig mong sabihin?”
“A female moon wolf must mate and make offspring with a male moon wolf only. Destined or not destined. This is what the moon guardian commanded in order to keep each moon wolf’s power,” seryoso niyang paliwanag. “So if he marks you, you will lose all your power, Avianna. You will become vulnerable like a normal female wolf.”
Hindi ako nakapagsalita. Gulat sa kanyang nilantad sa akin. Tumalikod siya at lumakad paalis ngunit bago siya tuluyang tumakbo. Lumingon pa siya sa akin at nag-iwan ng isa pang mensahe.
“Think about it thoroughly, Avianna. Is he really worth it to lose the power you possess? If you ever change your mind, you can always talk to me in your mind, Avianna. Just one call, and I will be right here to take you.”
Iyon ang mga katagang kanyang binitiwan bago tuluyang tumakbo paalis. Nang mawala siya sa aking paningin ay sakto namang pagdating ni Vane.
“Avianna? What are you doing here?”
Lutang akong tumingin kay Vane. Magkasalubong na naman ang kanyang kilay. Bagama’t guwapo pa rin, nakikita ko sa kanyang mga mata ang stress at pagod.
Hinayaan ko siyang hilain ako palapit sa kanya. Napapikit ako nang maramdaman ang paghaplos ng mainit niyang palad sa aking pisngi.
“Avianna? What’s wrong? Are you okay?” seryoso niyang tanong.
Hindi ako sumagot. The white wolf’s words keep on repeating in my head.
Is he really worth it to lose the power you possess?
BINABASA MO ANG
Hiding From The Alpha
WerewolfJordan Avianna Evangelista lived a normal and human-like life, not until a pack of wolves kidnapped her and her best friend to be part of them. Desperate to have their freedom back, Jordan did her best to escape from the territorial pack and from th...