Chapter 15

14.4K 391 16
                                    

PAPALAPIT na ang kabilugan ng buwan. Wala pa akong naiisip na plano para takasan sila. Yes, I already made up my mind. Tatakas kami rito ni Callie. Wala akong ibang maisip na paraan para takpan ang simbolong nagkokonekta sa akin kay Vane kaya wala akong pagpipilian kundi ang tumakas.

At habang nag-aantay ako ng tamang oras. Ang pinakamagandang gawin ko ngayon ay iwasan si Vane. As the time passes by, I slowly losing my control over my own body. Kung hindi ko pa siya iiwasan ngayon, baka ipahamak ako ng sarili ko pang emosyon.

Pababa na ako ng hagdan nang mapatigil dahil sa narinig na usapan ng dalawang babae.

“Totoo ba ‘yan? Baka namalik-mata ka lang, ah!” paniniguro ng isang babae.

“Hindi! Nakita iyon ng dalawa kong mga mata, Julie! Hindi mo ba napansin na unti-unti tayong nababawasan? At ang mga babaeng nawawala sa mansyon ay nakita kong nanggaling sa conference room tuwing gabi bago sila mawala kinabukasan! And you won’t believe who’s in there. It was Alpha Vane!”

Napuno ng takot ang mukha ng babaeng kausap niya. “B-Buhay pa ba sila? Please, tell me! Ayoko pang mamatay!”

The woman rolled her eyes. “Yes! Of course! Ang ipinagtataka ko lang ay bakit sila nawawala kinabukasan. Hindi naman sila mukhang aligaga o takot ‘pag lumabas sila ng kuwarto.”

Nakababa na ako pero hindi pa rin sila tumitigil sa pag-uusap. Ni hindi nila ako napansin dahil masyado silang engrossed sa pinag-uusapan. Wala na sana akong balak makinig sa kanila at akmang aalis ngunit isang boses ang nagpatigil sa akin.

“Spreading and discussing rumors in the mansion is considered a grave sin. Stop talking. Go back to your room and don’t let the Alpha hear you two.” Si Leo iyon. Matalim ang mga mata niya na nakatingin sa dalawa.

Parang mga maamong tupa na nagkukumahog umalis ang dalawa. Nang mawala sila ay bumaling sa akin si Leo.

“Malalaman at malalaman din naman nila ang totoo. Hindi mo na kailangang takutin sila,” mahinahon kong saad.

“Yes, it’s true. But alpha’s order is alpha’s order. We have to follow it no matter what.” Lumapit siya sa akin at inilahad ang isang kulay itim na pana. Kaakit-akit ang disenyo nito. “Do you know archery?”

Tumango ako. “Ngunit hindi ako bihasa rito. Si Lola Mariana ang nagturo sa akin.”

Kinuha ko iyon mula sa kanya at sinuri ang kabuuan. Naalala ko si Lola Mariana. Siya ang nagturo sa akin nito ngunit siya rin ang galit na galit noong nagpumilit akong magpaturo pa sa pamamana. Hindi naman daw ako mangangaso upang mag-aral pumana.

“Let me teach you then.”

Dinala niya ako sa likurang bahagi ng mansyon. Sa pinakadulo iyon. Akala ko roon niya ako tuturuan kaya napatigil ako nang magtuloy-tuloy siya sa paglalakad papunta sa kagubatan.

Huminto siya nang maramdaman siguro ang pagtigil ko.

Humarap siya sa akin. “What’s wrong?”

“D-Dadalhin mo ‘ko sa kakahuyan? Hindi ka ba natatakot na baka maisip kong tumakas?” nagtataka kong tanong.

“Bakit ka tatakas kung kusa ka na naming pakakawalan? Well, unless you’re the—”

“Tara na. Gusto ko nang subukan ang paggamit nito. Matagal na rin akong hindi nakakagamit ng pana,” saad ko.

Dinala niya ako sa isang mala-firing area na lugar. May mahabang lamesa at nasa katamtamang layo ang aasintahin. Ang pagkakaiba lang ay mga palaso ang nakalatag lamesa at hindi bala.

Pinaraan ko roon ang mga daliri bago kumuha ng isa. Matagal na rin simula nang makahawak ako ng ganito pero malinaw pa rin sa isip ko kung paano ito gamitin.

Pumosisyon ako at itinapat ang dulo ng palaso sa tudlaan. I pulled the string and made sure I made the right calculations before letting it go. Hindi iyon tumama sa pinaka-gitna, but still inside the yellow circle.

“Surprisingly good for someone who isn't fully trained to use a bow and arrow,” komento ni Leo.

Napangiti ako. “Must be the passion,” pabiro kong ani.

“Tuturuan pa ba kita? You seems fine anyway,” saad niya. Kumuha siya ng isang palaso at umasinta. Sapol ‘yon sa gitna.

Napapalakpak ako. “Ikaw rin naman.”

“Would I teach you if I’m lacking in this department?” pabirong tanong niya.

Mahina akong natawa. “May punto ka.”

“You know, you might be wrong. It might not be passion at all,” aniya. “It might be the wolf in you. You are a moon wolf anyway.”

“Napapansin ko.” Tumingin ako sa tudlaan. Kung nasaan ang palasong ako ang umasinta. “Bakit ang bait mo sa akin? Bakit hindi ka katulad ni Alastair na walang modo o ‘di kaya ang Alpha ninyong masama ugali?”

“Don’t let him hear you say that, Jordan,” banta niya. “To be honest, you reminded me of my older sister. A fierce, strong, and someone who will sacrifice anything, even her life just to save her loved ones.”

“Ano’ng nangyari sa kanya?”

Biglang nag-iba ang emosyon sa kanyang mukha. Ang mga seryoso niyang mga mata ay napalitan ng kalungkutan.

“She died.”

Umawang ang mga labi ko.

“She died protecting me. I was so young back then. I was weak, incapable and useless. Ang kapatid ko na lang ang mayroon ako yet I wasn’t able to protect her.” Nag-iwas siya ng tingin ngunit hindi nakatakas sa akin ang pagbalatay ng sakit sa kanyang mga mata. “Ever since she died, I've promised myself to help or protect anyone who reminds me of her love, bravery, and altruistic love. That’s why I’m helping you and Callie out.”

“Salamat, Leo.”

Binigyan ko siya ng isang ngiti ng pasasalamat. Matipid na ngiti ang natanggap ko pabalik. Ginulo niya ang aking buhok.

“Be sure to give me a drink if I pass by your hometown when you get out of here,” aniya.

Nakangiting tumango ako. Para akong nagkaroon ng nakakatandang kapatid. I felt his sincerity, and that made me trust him even more.

“Avianna.”

Pareho kaming nanigas ni Leo nang marinig ang malalim at mapanganib na boses na iyon. Mabilis na lumayo sa akin si Leo at yumuko sa lalaking nasa aking likod. Dama ko ang sunod-sunod at mabilis na pagtibok ng aking puso.

“Alpha,” bati ng nakayukong si Leo.

Parang pati leeg ko ay nanigas dahil hindi ko magawang lingunin siya. Ang puso ko at maging ang sariling lobo ay sabay na nakikipagtagisan sa pagpapalakas ng kaba sa dibdib ko.

His wolf's scent! Why is it becoming even stronger?

“Nice view, Avianna,” ‘sing lamig ng yelo ang boses na saad niya. “So nice, it’s making me mad.”

Hindi ako makapagsalita. Tila nagkampihan ang emosyon, ang aking sariling lobo, ang nakakaakit niyang amoy at ang lamig ng kanyang boses upang pahinain ako.

“Alastair.”

“Yes! Alpha?”

“Is the couch in my room still there?”

“Yes, Alpha!”

Nanlamig ang buo kong katawan. Impit akong napatili nang mahigpit niyang hinawakan ang braso ko at marahas akong hinila papalapit sa kanya.

“Leo.”

“Yes, Alpha?” mabilis na tugon ni Leo. Ang mga mata ay nag-aalalang nakatingin sa akin.

“Take charge. I don’t want to be disturb tonight,” was all he said before pulling me away from there.

Hiding From The AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon