Chapter 33

15.2K 388 14
                                    

NASA kama na ako nang magising kinabukasan. Vane was no longer inside the room, but his perfume and natural scent still lingered in every corner of the room. Bumangon ako at saglit na nilibot ang tingin sa kabuuan ng kuwarto.

It was strange that he didn’t throw a fit when he saw me sleeping on the couch. Sa ugaling meron siya, dapat ay nandito pa rin siya sa kuwarto. Hinihintay akong gumising para lang tanungin ako kung bakit ako natulog sa couch imbes na sa kanyang tabi.

Naligo muna ako at nag-ayos bago lumabas ng kuwarto. May mga bagong damit pambabae sa loob ng walk-in closet ni Vane. Thankfully, hindi na bestidang galing pa sa yata 18th century.

Nakita ko si Leo sa sala. Nakaupo ito at nagbabasa. Nag-angat siya ng tingin nang maramdaman siguro ang aking presensya.

“Good morning, Jordan—or should I call you Alpha Female?” nakangiti niyang tanong.

Nangunot ang noo ko. “Anong sinasabi mo?” nagtataka kong tanong. Alam niya kung ano’ng meron kami ni Vane. Bakit niya akong tinatawag ng gano’n?

“Well. . .” he trailed off. Ibinaba niya sa lamesa ang binabasa saka tumayo. “Dapat masanay ka na. Everyone will treat you differently now.”

“Hindi kita maintindihan, Leo,” mariin kong saad. Kaaga-aga, ganito ang sasalubong sa akin. May nangyari ba sa magdamag na hindi ko alam?

Dumaan muna ang ilang segundo bago niya ako sinagot. And his answer shocked me.

“The Alpha officially declared you the Alpha female, Jordan.”

Hindi ako nakapagsalita sa gulat. H-He did, what? A-Alpha female? Sunod-sunod akong napailing. Hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.

“H-Hindi maaari ‘yon! I’m not marked! He can’t declare it without the mark!” nagugulumihanan kong bulalas.

“Who cares about the mark, Jordan? As long as you’re inside his territory, declaring you as the Alpha female is the same as marking you. Walang makakagalaw sa ‘yo sa loob at labas ng mansyon,” saad niya.

Parang wala lang sa kanya samantalang ako ay parang sinabugan ng bomba. It seems like Leo had already seen it coming.

“The Alpha was not in the mood earlier. Nag-away ba kayo?” tanong niya.

Umiling ako. Okay naman kami kagabi. Although, lumipat ako ng higaan pero hindi ‘yon sapat na dahilan para gawin niya iyon. Ano ba’ng iniisip ng lalaking ‘yon?

“Matino pa ba ang pag-iisip ng pinuno mo, Leo?” hindi ko mapigilang tanong.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. “Tanong ng babaeng nagpapabaliw sa pinuno namin. You should’ve seen this coming, Jordan. He searched for you. He never stopped searching for you.”

Hindi ako nakapagsalita. His words that day flashes back in my mind.

“You just made everything worse when you rejected and tried to get away from him, Jordan. It will be difficult this time, and who knows? Baka isang araw magulat ka na lang, you’re already marked by the Alpha.”

Magsasalita sana ako nang may tumawag sa akin. Napatingin ako sa babaeng kakarating lang. Hindi ko alam kung ngingiwi o ano nang bahagya siyang yumukod sa akin. Magalang na sinabing nakahanda na aking agahan.

“Goodluck, Jordan. . .and welcome to the pack.”

Hiding From The AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon