Chapter 17

14.6K 426 31
                                    

BUMALIK ang lahat sa dati na parang walang nangyari. Naging isang hangin ako kay Vane na hindi niya nakikita at gano’n din ako sa kanya. Palagi kong pinapaalala sa sarili ko na ito ang tama. Mas makokontrol ko ang sarili kapag malayo siya sa akin.

Inaamin ko na nasasaktan ako sa ginagawa kong ito. Kung katulad ko nga lang na may katawan ang sarili kong lobo ay baka nilayasan na ako. It was normal. He’s my mate. Although, not marked, we’re still connected.

Ipinilig ko ang ulo. Hindi ko na dapat siyang isipin pa. Mas lalo ko lang pinapahirapan ang sarili ko. In less than one week, it’ll be full moon. Bago dumating ang araw na ‘yon. Dapat handa na ako. Kailangan ko na rin makausap si Callie tungkol doon para makapaghanda siya.

Tumayo ako at inayos ang sarili. Thankfully, matino na ang bestidang suot ko.

Malapit na ako sa hagdan nang makita ko si Minerva. Galing siya sa kabilang hallway. Nakasuot ito ng kulay pulang bestida na hapit na hapit sa kanyang katawan at heels na tumutunog sa bawat pagtapak niya.

Tumaas kaagad ang kilay niya nang makita ako. Mukha namang wala siyang balak awayin ako dahil sa maaliwalas niyang mukha.

“Oh? The bitch is still here?” Umismid siya. “You must be that skilled, that’s why Vane isn’t disposing of you yet.’

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Ngunit kusang huminto ang mga paa ko nang manuot ang isang pamilyar na amoy sa aking ilong. It was Vane’s scent.

And his scent was all over her.

Sumikip ang dibdib ko. Here I thought he would stay faithful while finding his mate! Kinakalantari pa rin pala niya ang babaeng ito!

Kumuyom ang mga palad ko. The pain turns into anger. I was fuming mad!

“Kung hindi ka baba, marunong kang tumabi! Bitch—”

Hindi niya natapos ang pag-ikot ng mga mata niya nang sakalin ko siya. Namutla ang buong mukha niya. There’s a sudden strong urge to kill the wolf who dare slept with my alpha.

“The next time you call me a bitch, I will slice your throat, rip your heart out and burn you until you turn into ashes!” nanlilisik ang mga matang sigaw ko bago siya patulak na pinakawalan.

Nanlalaki sa takot ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Akala mo’y nakakita ng multo. Marahas akong napabuga ng hangin bago siya tinalikuran.

Before I surrender myself to that manwhore alpha, hell will freeze first! Ang kapal ng mukha niya! Tingnan natin kung paano siya mabaliw kakahanap sa akin.

Bago pa ako mawala sa katinuan at sugurin si Vonvane sa kuwarto para itapon lahat ng mamahaling vase sa mukha niya, hinanap ko na lang si Callie.

Nakita ko siya sa hardin ng mansyon. Nasa loob ng gazebo at tulala. Mukha may malalim itong iniisip.

“Callie?” tawag ko sa kanya.

Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. Ilang beses siyang napakurap bago nagising sa malalim na iniisip.

“May problema ba?” nag-aalala kong tanong.

Mabagal siyang umiling. “N-Nothing. You? Mukha kang wala sa mood? Did something happen, Jordan?”

“May nakita lang akong nakakainis.” Nag-iwas ako ng tingin. Humugot ako ng malalim na paghinga. This is the right time to tell her my plan. “Callie. . . May gusto akong sabihin sa ‘yo”

“I-I have too, Jordan,” nanginginig ang boses niyang saad.

Hindi ko malaman kung dahil ba sa kaba o sa. . .excitement? Nagtatakang nagtaas ako ng tingin sa kanya.

“Ano ‘yon? May nangyari ba? May ginawa ba sa ‘yo si Callisto—”

Mabilis siyang umiling. “No! Jordan! Wala siyang ginawa. Actually. . .”

Nagbaba siya ng tingin. Nawala ang kaba sa dibdib ko nang makita ang ngiti sa mga labi niya. Pero ‘agad din iyong nawala dahil ang isa niyang kamay ay tumaas at huminto sa kanyang dibdib.

It is the spot where the symbol lies at. . .

“I-I am mated, Jordan! And I am mated to Callisto!” masayang bulalas niya.

Matagal ko nang alam na pangarap niya ang mahanap ang lalaking para sa kanya. The wolf who will protect her, give her a home and be someone she will have kids with. Pero hindi ko magawang maging masaya sa kanya at mukhang naramdaman niya iyon.

“Jordan. . .”

Nagbaba ako ng tingin. Hindi ko maitago ang pagbalatay ng sakit sa aking mga mata.

“I-I. . . I was planning to escape and tell you,” mahina kong pahayag.

“J-Jordan. . .”

Naramdaman ko sa boses niya ang paghihirap. I know. I’m already anticipating of this. Dapat pala noong una palang ay hinanda ko na ang sarili ko. I was already aware that the likelihood of her leaving without me was increasing, but I remained unconcerned. Nasasaktan tuloy ako ngayon. Pinahihirapan ko pa tuloy ang kanyang loob.

“Hindi mo kailangang mamili, Callie. Matagal ko nang alam na si Callisto ang lalaking nakatakda sa ‘yo. I don’t want to make this hard for you.” Nag-angat ako ng tingin at binigyan siya ng isang maliit na ngiti.

“Ayokong umuwing hindi ka kasama, Callie. Nangako ako kay Lola Mariana na hinding-hindi kita iiwan kahit ano’ng mangyari. But if I force you to come with me. It will only make you miserable. Kaya okay lang. You can live here, Callie. Don’t think about me.”

“J-Jordan. . . Paano ka? Why don’t you stay here instead? Kasama kita simula pa noon. I-I don’t know if I will be able to survive—”

“You will survive, Callie,” putol ko sa kanya. “At isa pa, you have Callisto. Hindi ka niya pababayaan. Buo na ang desisyon ko, at aalis ako.”

Tumayo ako at nagpaalam sa kanya. Ilang beses niya pa akong tinawag ngunit hindi na ako lumingon pa.

MABIGAT ang pakiramdam ko buong maghapon. Ilang ulit akong kinumbinsi ni Callie pero nanatili akong matigas sa desisyon ko. Walang alam si Callie tungkol sa kaugnayan ko kay Vane kaya hindi niya naiintindihan ngayon. Pero kung alam niya, tiyak na hindi niya ako pipigilan.

Tulala ako habang tinatahak ang daan patungo sa aking pansamantalang kuwarto nang mapahinto. Ilang boses ng kalalakihan ang narinig ko mula sa kaparehong kuwarto kung saan ko nakita si Vane at Minerva sa akto. Nakilala ko ang mga boses na ‘yon.

Si Vane, Leo at Alastair.

“We’ve checked half of the female wolves you've all gathered, and yet none of them is the one I am looking for,” malamig na boses na nakilala kong kay Vane.

“We’ll find more, Alpha. If none of them is the Alpha female, then we’ll search harder and thoroughly again,” mabilis na saad ni Alastair.

Kumabog ang dibdib ko. Ako ang pinag-uusapan nila.

“That woman. . . I can’t find her anywhere.” I can feel the frustration and anger from Vane’s voice. “She’s purposely hiding her scent so I won’t be able to find her.”

Nararamdaman ko sa hangin ang pagtaas ng tensyon sa paligid kahit wala ako sa loob ng kuwarto.

“You know what that means. It was a indirect signal of rejection. I don’t accept rejection, especially from my mate.”

Napalunok ako.

“That woman has become a pain in the ass for quite some time now. Once I find her, I will lock her up and she won’t ever leave my room unmarked by me.”

Hiding From The AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon