Chapter 41

14.5K 375 11
                                    

KABALIKTARAN ng inaasahan kong gulo ang nangyari nang umalis si Vane. The mansion was eerily quiet. Kung normal na tao ay iisiping wala lang ang katahimikan, but not to us. It is like the calm before the storm.

Nasa malalim akong pag-iisip nang masalubong ko si Callie. May pag-aalala sa kanyang mukha na matagal ko nang hindi nakikita. Balak ko sana siyang tawagin nang biglang may pumasok.

“Hazel?” gulat kong bulalas.

Napatingin kaagad sa akin ang mag-ina. Tulad ni Callie, may pag-aalala rin sa kanyang mukha. Bahagya siyang yumuko bago tuluyang lumapit sa ‘kin.

“Anong nangyari? Sinugod na naman ba nina Hellix ang lugar ninyo?” tanong ko. I will really kill that man if he’s the reason behind this.

Mahina siyang napabuga ng hangin bago tumango. “Yes, Jordan. Hindi rin namin inaasahan. Akala ko tapos na ang gulo ngunit mali ako. The Valley pack. They tried to seize us. Thankfully, Luther managed to take control while the Alpha were on the way to defend us.”

Umawang ang mga labi ko. “Bakit nila ginagawa ‘to? Alam mo ba ang dahilan?” tanong ko. Hellix is taking this too far! I will really kill him kapag nakita ko siya!

Umiling siya. “Wala akong alam pero ayon sa narinig ko ay may hinahanap daw sila. I’m not sure if it’s true though. Ang nakakapagtaka lang ay kung paanong nakapasok sila sa teritoryo natin? Our security around the border is strong. It is impossible for them to sneak in easily.”

“It was Minerva,” sagot ko sa kanyang tanong. “Ayon sa narinig ko mula kay Callisto, mukhang may kinalaman si Minerva sa pagkakapasok nina Hellix.”

“What?! That witch! Hindi lang pala siya mayabang. Traydor din siya!” singit ni Callie. Nanlilisik ang mga mata. “Wala talaga akong ititirang balahibo sa katawan niya sa oras na makita ko siya!”

“I-I can’t believe she would do that. I knew Minerva has an attitude ngunit hindi ko naisip na hahantong siya sa ganito,” hindi makapaniwalang saad niya. “Our pack are strong. Makakaya nilang labanan ang mga kalaban, ngunit mga tao ang dapat natin huwag isawalang-bahala. We’re already in 21st century. Malalagay muli sa kapahamakan ang lahi natin sa oras na malaman ng mga taong totoo tayo. Alam kong alam ni Minerva iyon pero trinaydor niya pa rin tayo.”

Sumasang-ayon ako kay Hazel. Ang mga tao ang dapat naming isipin. Bagama’t nasa modernong panahon na, hindi pa rin kami ligtas. If the werewolves survived, I’m sure the hunters did too. This has to stop bago pa mahuli ang lahat! Dapat nang mapigilan si Hellix at ang pack niya.

“Where’s Leo, Callie?” tanong ko.

“He’s outside. Why, Jordan?” takang tanong niya.

“Kailangan kong malaman ang totoo. I can’t stand here waiting for their next step. This has to stop! Kung may magagawa ako para pigilan sila, gagawin ko.”

Hindi ko na hinintay pa ang kanilang reaksyon. Mabilis akong nagtungo sa labas ng mansyon at hinanap si Leo. Nakita ko siyang nagmamando habang nagmamasid sa paligid. Napatigil siya sa ginagawa nang makita ako.

“Jordan, you should be staying inside,” saad niya.

“Anong dahilan ni Hellix, Leo? Ano ang kailangan niya at patuloy pa rin siyang nanggugulo? I want answers and you will give me that whether you like it or not,” maawtoridad kong utos.

“Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa ‘yo, Jordan. The Alpha gave me a strict warning not to tell you,” saad niya.

“You can tell me, Leo. He said it himself. Gusto ko lang malaman para alam kung may maitutulong ako. Hindi ako mapapakali sa loob na naghihintay lang sa mga susunod na mangyayari. Please, understand me,” pahayag ko.

Saglit siyang natahimik na para bang iniisip pa kung tama ba ang gagawing desisyon.

“The Alpha of the Valley pack wants something and they promised not to retreat until they have it,” seryoso niyang pahayag. “Their Alpha wants someone from us.”

Kumabog ang aking dibdib. “Who is it, Leo? Sino ang gusto nilang makuha?” lakas-loob kong tanong kahit alam ko na ang sagot.

He stared at me for a moment before answering, “It’s you, Jordan. Their Alpha wants you and he won’t stop until he gets you.”

Napapikit ako nang mariin. Naiintindihan ko na kung bakit ayaw sabihin sa akin ni Vane. He’s afraid.

Afraid that I would surrender myself for the sake of him and his pack.

“And you know the Alpha. Hell would freeze first before he surrenders you to them.”

“Naiintindihan ko. Ngunit kung hahayaan natin sila, mapahahamak tayo. Kayo.” Nagmulat ako at nag-angat ng tingin sa kanya. “Wala na bang paraan para pigilan sila, Leo?”

Matagal bago siya nakasagot.

“The mark, Jordan. It is the only way to stop them. Minerva betrayed us by letting them in and telling Hellix you’re still unmarked. He wants to get to you fast before the Alpha marks you.” Mahina siyang napabuga ng hangin. “Hindi ko dapat sinasabi sa ‘yo ‘to. The Alpha doesn’t want us to tell you because he respects you, Jordan, but I think you must know.”

Hindi ako nakapagsalita.

“Jordan. That mark. . . It is the only way to stop this.”

Is he really worth it to lose the power you possess?

Hiding From The AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon