Chapter 16

15K 385 14
                                    

PILIT akong nagpumiglas mula sa kanyang hawak ngunit mas malakas siya sa ‘kin. Walang hirap na naipasok niya ako sa loob ng mansyon hanggang sa kanyang kuwarto.

“A-Ano ba? Bitawan mo ‘ko!” sigaw ko. “Bakit mo ba ako dinala rito?”

Wala akong nakuhang sagot. Para na akong aatakihin sa lakas ng tibok ng puso ko. I’m struggling to keep the sane part of me in control, but he and his scent in the room aren’t helping at all.

Madilim ang mga mata niyang bumaling sa akin. Napaatras ako nang makita ko ang talim at init doon. N-No! He won’t do it. Leo told me he wouldn’t touch me or anyone.

Wala naman siyang alam na ako ang hinahanap niya kaya hindi niya iyon gagawin.

“B-bakit mo ‘ko dinala rito?” Pilit kong pinatatag ang boses.

I silently cursed when I felt my inner wolf growling in excitement inside of me. It was like it was jumping up and down in anticipation. It is killing me.

“Not flirting, huh?” mapang-uyam niyang tanong. “So, what’s that? Nagpapakamot ka lang sa buhok?”

Nagsalubong ang mga kilay ko. Dinala niya ako rito para roon lang? Dahil lang ginulo ni Leo ang buhok ko? Nababaliw na ba siya?

“Ano ba’ng problema mo? Dinala mo ‘ko sa kuwarto mo dahil lang doon?” hindi makapaniwala kong tanong.

“Ikaw ang problema ko, Avianna. You are a liar! You said you weren’t flirting with him, but then I saw you with him earlier! Kayong dalawa lang sa kakahuyan! And so f*cking close to each other for my liking!” galit niyang sigaw. Nanlilisik ang mga mata sa akin.

Napakurap ako. H-Hindi kaya. . . Hindi kaya tulad ko ay nararamdaman niya rin ang parang taling humihila sa akin papunta sa kanya?

Napalunok ako nang hawakan niya ang braso ko at marahas akong hinigit palapit sa kanyang katawan. Hindi kami magkadikit ngunit dama ko ang init na nagmumula sa kanye. He was fuming mad.

“Stop talking to him, Avianna,” mariin at mautoridad niyang utos. Ang mga mata ay nagbabanta na kapag hindi ako sumunod ay parurusahan niya ako. “Ayokong malapit ka sa kanya—”

“Bakit?”

Natigilan siya.

“Bakit mo ‘to ginagawa, Vane? Alam mong wala kang karapatang utusan ako. You’re not my alpha.” Isang malamig na tingin ang ibinigay ko sa kaya. “And you’re also not my mate, Vane. You shouldn’t be doing this.”

His jaw clenches as his grip In my arm tightens. “I will be your alpha soon—”

“Even if you become my alpha, you are still not entitled to forbid me from seeing Leo,”mariin kong putol sa kanya.

Hindi na niya nagawa pang makapagsalita. Sinamantala ko ‘yon para tanggalin ang pagkakahawak niya at bigyang distansya ang aming mga katawan.

“I know. . .that you’re looking for your mate. Bakit hindi ka na lang mag-focus sa paghahanap sa kanya?” malamig kong wika. “At hayaan ako sa mga gusto kong gawin? Tutal kahit ano’ng gawin mo, hindi ako papasakop. Let’s do that, Vane.”

“Don’t tell me what to do, Avianna,” matigas ang tinig niyang saad.

“Hindi kita gusto,” mabilis kong wika. Ikinasikip iyon ng dibdib ko ngunit hindi ako huminto. “Let’s not make it complicated, Vane. Be faithful to your mate and leave me alone.”

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. Nilampasan ko siya at nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Nang makalabas ay roon ko pinakawalan ang pinipigilang mga luha.

It's better this way, Jordan. You did the right thing.

Paulit-ulit kong tinatak sa isip ko ang mga katagang iyon. Ngunit alam kong kahit ilang beses ko ‘yung ulit-ulitin at tandaan.

Nothing can change the fact that I indirectly rejected my mate, and it’s hurting me inside.

Hiding From The AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon