Agad na sinakop ng mga labi ni Vane ang akin pagkasara ng pinto. He's kissing me aggressively, like he's expressing his madness by it. But despite this, the kiss was not bruising. It was actually good na hindi ko mapagilang mapaungol.
Humaplos ang kanyang kamay mula sa gilid ng aking dibdib pababa sa aking baywang until it found my hips and settled there. Habol ko ang hininga nang iwan niya ang aking labi at bumaba sa aking leeg. I moaned when he suck my skin there.
"N-No, V-Vane. . .please," nanginginig ang boses na pagmamakaawa ko.
Naging marahas ang kanyang paghinga. "Why, Avianna? Give me your fucking reason why I should not mark you right now?"
Hindi ako nakatugon kahit pa may alam na akong sagot. Nagtama ang aming mga mata nang ilayo niya ang mukha sa aking leeg. Matalim na ang kanyang tingin bagama't may nakikita pa rin akong init doon.
"Bakit hindi mo ‘ko sagutin, Avianna? Why can't you say directly to me your reason? Bakit ang dali mong paniwalaan ang sarili mong may relasyon kami ni Minerva kesa ang tanungin mula sa akin ang totoo?" malamig niyang tanong. "You don't want me, not just because I was an asshole to you, right? You don't want me because you thought I was unfaithful."
Hindi ako makapagsalita. Ramdam ko ang pamumuo ng mga luha sa aking mga mata. P-Paano? Paano niya nalaman?
"I've heard you that night, Avianna, so don't fucking lie to me." Nag-igting ang kanyang mga panga. "You could've ask me. Hindi mo kailangang itago!"
"P-Paano mo ipapaliwanag ang nakita ko ng gabing iyon sa opisina mo? Nakita kita, Vane! Nakita ko kayo ni Minerva!" basag ang boses na asik ko sa kanya.
Pagak siyang natawa na para bang hindi siya makapaniwala sa naririnig niya.
"Nakita mo ba lahat?" malamig niyang tanong. "Dahil kung nakita mong lahat, hindi dapat tayo nandito at nag-aaway. But you chose to believe what you only saw."
Hindi ko alam kung makakahinga ba ako o ano nang bitiwan niya ako. Parang may pumiga kasi sa aking puso nang dumistansiya mula sa akin. Marahas siyang napabuga ng hangin at tinalikuran ako.
"I may be an asshole but I am not a unfaithful, Avianna. I've been so faithful to you ever since I found out I was mated. Hindi kita hinanap para saktan ka. I searched for you. Chased you. Let you make a fool out of me. I did all those things because I want to be with you, Avianna."
Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng aking mga luha. N-Nagkamali ba ako?
"And you've rejected me just because you thought I was having an affair?" hindi makapaniwalang bulong niya sa sarili.
Hindi na siya muli nagsalita. Binalot kami ng katahimikan. Ang tanging maririnig lang ay ang mabigat niyang paghinga at mahina kong hikbi.
"I won't force you. If you don't want to be mark, then I won't mark you," malamig niyang saad.
Nanatili akong nakayuko. Hindi makapagsalita. Naninikip ang dibdib ko.
"But stop making me paranoid. Stop giving me ideas to overthink because I am so close to losing my control and sanity, Avianna."
Tanging tango lang ang nagawa kong tugon sa kanyang sinabi. Narinig ko ang yabag niya papunta sa may pinto. Aalis siya?
Nakaramdam ako ng pagtutol. Biglang bumaliktad ang sitwasyon. Suddenly, I don't want him to leave anymore. Para bang. . . Para bang kapag umalis siya ngayon ay hindi na siya babalik pa.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya ngunit tanging likod niya na lang ang nakita ko. Bago pa niya mabuksan ang pinto, tinawag ko na siya.
"Vane."
Huminto siya ngunit hindi naman lumingon sa akin. Kahit parang may bara sa aking lalamunan, pinilit kong magsalita.
"I-I misunderstood you. N-Nasaktan ko ang damdamin mo. B-bakit. . . Bakit hindi mo pa rin ako p-pinapaalis?" nauutal kong tanong.
Napalunok ako nang tumingin siya sa akin. Blangko ang kanyang mga mata kaya hindi ko malaman kung ano’ng iniisip niya ngayon. Para akong napako sa kinatatayuan nang maglakad siya palapit sa akin.
Napasinghap ako nang bigla niyang hapitin ang aking bewang. Agad na kumalat ang init sa aking sistema nang mawala ang pagitan sa aming mga katawan. Bumigat ang aking paghinga nang maramdaman ko ang kanyang labi sa aking leeg.
"There you go again, Avianna. . ." he whispered huskily. "Misunderstanding everything."
Napapikit ako nang bigyan niya ng mabibining halik ang leeg.
"Galit lang ako, Avianna, pero gusto pa rin kita. . ."
Saka lang ako nakahinga nang maayos nang lumayo siya. Nagbalik ang init sa kanyang mga mata na nawala kanina. Muli akong napalunok nang gumapang ang isang kamay niya papasok sa loob ng aking t-shirt.
"I won't mark you, but we can still do the deed. . ." Napalunok ako sa lalim ng boses niya. Teasing me to give in.
"Let's do it, Avianna. Let me make love to you."
BINABASA MO ANG
Hiding From The Alpha
Manusia SerigalaJordan Avianna Evangelista lived a normal and human-like life, not until a pack of wolves kidnapped her and her best friend to be part of them. Desperate to have their freedom back, Jordan did her best to escape from the territorial pack and from th...
