Chapter 24

14.8K 437 16
                                    

I CAN feel it. The heat that’s rushing through my veins. It was slowly building like it was preparing for something big.

Hingal kong itinukod ang mga kamay sa lamesa upang suportahan ang aking sarili. Kahit wala naman akong ibang ginagawa bukod sa simpleng paglalagay ng damit sa bag, hinihingal na ako.

Ilang minuto na lang ay lulubog na ang araw. I can now even see a glimpse of the moon kahit na may kaunting liwanag pa sa labas. It was getting difficult.

Kailangan kong makaalis dito bago pa dumating si Xellix. I don’t want to deal with him now that I’m dealing with myself. Humugot ako ng malalim na paghinga bago nagpatuloy sa pag-iimpake.

Nang matapos ay kinuha ko ang maliit na cellphone sa gilid at inilagay sa bulsa. Sa kabilang bayan muna ako pansamantala. May nakita na akong trabaho at bahay roon. Hopefully, wala akong maging problema sa sarili ko na namang kalahi.

“Saan ka pupunta?”

Napatigil ako sa gagawing pagla-lock ng pintuan dahil sa boses na ‘yon. Mariin akong napapikit. It’s too late now.

“May pupuntahan ako,” malamig at kaswal kong sagot.

Nag-ipon muna ako ng lakas bago siya hinarap. Pasimpleng kumuyom ang mga palad ko nang makitang lima ang kasama niyang alipores. He wasn’t joking when he said he will force me to give him what he wants.

“Mukha nga at mukha ring hindi ka na babalik.” Nanlisik ang mga mata niya. “Tatakas ka! Tatakasan mo ‘ko!”

“Papalayasin mo rin naman ako. Uunahan na kita dahil wala naman akong balak pumayag sa mga walang kuwenta mong kagustuhan,” malamig kong wika.

Mala-demonyo siyang tumawa. Nagsisimula na akong kabahan ngunit hindi ko lang pinahalata. Pasimple akong sumulyap sa kalangitan. Kaunti na lang ay babalutin na ng kadiliman ang langit. The moon’s already peeking at me.

“At sa tingin mo papayag akong makaalis ka? Hindi libre ang pagtira sa teritoryo ko, Jordan. Lahat ng pagmamay-ari ko may bayad at magbabayad ka sa paraang gusto ko!”

He gestured to his men to get me, but before they could even get close, I transformed into my wolf form. Napaatras sila nang angilan ko sila. I took advantage of it to escape from them.

Hindi bumilang ang isang minuto para maramdaman ko ang kanilang pagsunod. I can feel the moon’s light on my white fur. It didn’t help the growing heat inside of me. Mahina akong napamura dahil sa panlalabo ng aking paningin at pangangalit ng aking mga ngipin sa pagpipigil. Hindi ko tuloy napansin ang isang malaking bato sa aking dinaraanan.

Sa lakas ng takbo ko, tumilapon ako sa biglang pagkapatid doon. My wolf groaned in pain when I hit the ground hard.

Buwiset na kamalasan ‘to!

Sinubukan kong tumayo ngunit sumirit ang nakakangilong sakit sa aking hita. I growled in pain. Hinang-hina na ako. I can’t escape anymore. I slowly went back to my human form, weak and wounded.

Mariin akong napapikit nang pumalibot sa akin ang mga miyembro ni Xellix. Kita ko sa kanyang mga mata ang tagumpay nang makita niya akong lupasay sa malamig na lupa.

It’s over. . .

Tuluyan na akong napadapa at unti-unti nang tinatanggap ang pagkatalo. Not until a familiar strong and almost aphrodisiac scent reached my nose. Kumabog nang malakas ang aking dibdib nang maramdaman ko ang mabigat na mga yabag na iyon.

I-It can’t be. . .

He can’t be here!

My suspicion was confirmed when one big, black-furred leg stepped on my side. It was not just a protecting gesture, but more like claiming possession.

Vane. . .” tangi kong nasambit.

Kahit nanlalabo ang aking mga mata. Kitang-kita ko ang pag-atras ng mga kasama ni Xellix dahil sa paglibot sa kanila ng mga kulay itim na lobo. There were so many of them! Kulang na kulang sa limang pirasong bilang ng kasama ni Xellix.

I heard a low growl of warning coming from Vane. Sumunod noon ang pagsulpot ng dalawang kasing laki kong lobo sa magkabilang-gilid ni Vane. The Betas! Isa sa kanila ay si Leo! Nandito nga silang lahat!

Napaigik ako nang maramdaman ang pagsigid ng sakit sa aking hita. Unti-unting kinakain no’n ang aking kamalayan. Lalong nanlabo ang aking paningin hanggang sa tuluyan akong kinain ng dilim.

Ngunit bago tuluyang mawala ang aking kamalayan, naramdaman ko pa ang pag-angat ko mula sa lupa at ang matalim na boses na matagal na simula nang aking marinig.

“Don’t f*cking die on me now, Avianna.”

Hiding From The AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon