“K-kailangan ko nang umalis,” nauutal kong paalam sa kanya. Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad paalis nang habulin niya ako.
“Wait! Jordan! He doesn’t know you’re here at hindi siya pumunta para hanapin ka rito,” saad niya na nagpahinto sa ‘kin.
Huminto ako at hinarap siya. “Kung gano’n bakit nandito siya at kasama pa ang kalahati ng pack? Ano? Magbabakasyon sila?” sarkastiko kong saad.
“It was business, okay! He’s here to talk to a man named Xellix. Sa pagkakarinig ko, siya ang alpha ng lugar na ‘to. They’ve been causing chaos to Alpha Vane’s territory,” mabilis niyang paliwanag.
Saglit ko siyang tinitigan bago ako tuluyang naniwala sa kanya. I believe sa parteng masakit sa ulo ang mga miyembro ni Xellix. Kahit yata saang bahagi ay may nagrereklamo sa mga ito o ‘di kaya’y kaaway.
“May kasama ka ba? Baka makita nila ‘ko. Kung nandito si Vonvane, mas mabuting umalis muna ako panandalian. Hihintayin ko na lang kayo umalis bago ako bumalik,” saad ko sa kanya.
“W-Wait! Jordan! Hindi mo man lang ako kakausapin? It has been three months since we saw each other,” nagtatampo niyang ani.
Mahina akong napabuntonghininga. “Callie, alam mong hindi ako makakampante kung nandito sa bayang tinitirhan ko ang lalaking pinagtataguan ko.”
“He won’t know! I swear! Saka. . .” Nakita ko ang pagdadalawang-isip niya ngunit sinabi rin naman ang nilalaman ng isipan. “M-Mukhang hindi ka rin naman na niya hinahanap pa. . .”
I felt a sharp thing pierce my heart. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Tama nga siya. Ilang araw ko na ngang napapansin na parang wala nang naghahanap sa ‘kin. Hindi ko kumpirmado noon pero ngayon alam ko na talagang hindi na nga siya nag-aabalang hanapin ako.
“Alam niya. . .na ba?” mahina kong tanong. Kahit alam ko na ang sagot sa tanong ko. Gusto ko pa ring manggaling sa bibig niya na alam na ni Vane na ako ang hinahanap niya.
“Where do you live though? Malapit lang ba rito?” tanong niya.
Nawala sa isip ko ang aking tanong dahil sa kanyang tanong pabalik sa akin.
“Mapagkakatiwalaan pa ba kita, Callie? After all, you are now Callisto’s mate. Vonvane is now your Alpha,” diretsahan kong tanong.
“S’yempre! Kaibigan mo pa rin ako, but you’re right.” Napabuga siya ng hangin. “He’s now my Alpha. Mas mabuti na rin sigurong huwag mong sabihin. Kahit hindi ka na niya hinahanap, he might still squeeze information from me kapag nalaman niyang nakita kita rito.”
Hindi na ako nagsalita. Hinintay ko ang pagpapaalam niya ngunit hindi ‘yon dumating.
“But we can still roam around while they’re still busy. Balak kong pumunta sa sentro ng bayan. I’ve heard there’s a lot of fine things you can buy there,” excited niyang saad. “Don’t worry, I'm alone. Kampante naman si Callisto na walang mananakit sa ‘kin. Takot lang nila sa pack natin no!”
Napatingin ako sa kanya dahil sa huli niyang sinabi. Na-realize niya rin kaagad ang nasambit at napangiwi.
“I mean, namin pala. Anyway! Tara! Kahit ngayon na lang, Jordan, please,” pakiusap niya.
Napahugot ako ng malalim na paghinga bago tumango. Kumapit kaagad ang isang braso niya sa akin saka ako hinila papunta sa direksyong tinatahak ko kanina.
Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanyang mga kuwento. Mostly, tungkol lang sa kanila ni Callisto ang kinukuwento niya and the rest ay sa mga lakad na kasama niya ito. She’s still not pregnant, so, Callisto let her go with him wherever he go.
“Won’t you at least ask how’s Alpha Vane matapos mo siyang takasan?” biglang tanong ni Callie.
Hindi ako nakaimik. Ang kalahati sa akin ay gustong malaman kung ano nga ba ang nangyari sa kanya. Bakit hindi na niya ako hinahanap pa? Ang isa naman ay ayaw nang makarinig ng kahit anong tungkol sa kanya at mas nanaig ‘yon.
“He’s mad! Now, furious to be exact. Wala yatang araw na hindi niya inaangilan sina Callisto. He’s not like that before, Callisto told me. He’s like that for almost one and half month hanggang sa bigla na lang pumayapa. Kung no’ng una ay naglalagablab siya sa galit. Ngayon nagyeyelo naman siya sa lamig. I don’t understand your mate, Jordan,” naiiling na kuwento ni Callie.
“Huwag na natin siyang pag-usapan, Callie,” sabi ko na lang.
“Pero seryoso, Jordan. Wala ka na bang balak bumalik sa kanya? You remember Minerva, the witch? She’s irritating the hell out of me! Kaya ako laging sumasama kay Callisto dahil sa kanya. She’s not the alpha female but she acts superior in the mansion! Kakainis! Dikit pa siya nang dikit kay Alpha Vane! Just tell me, Jordan, at ako na ang kakalbo sa babaeng ‘yon on your behalf!” gigil niyang wika.
Hindi na yata dumadaloy ang dugo sa braso ko dahil sa higpit ng kanyang hawak.
“Hindi ko alam, Callie,” matapat kong sagot.
“But why? Aren’t you threatened that someone’s else is trying to take your position from Alpha Vane?” muli niyang tanong.
“Hinahanap pa lang niya ako, hindi na siya matapat sa akin. Bakit pa ako matatakot? He wants to replace me? Then so be it. Hindi ko siya ikamamatay,” seryoso kong sambit.
I instantly feel my wolf protests. She hasn’t been causing me trouble since the last three months, on full moon. Nabasa ko na ang librong galing kay Lola Mariana and I am now fully aware of myself.
Every full moon is the only time I am vulnerable as my scent becomes more evident. It was the only time I become so in need. Naranasan ko iyon nang tumakas ako mula kay Vane. It was hellish. I was torn between my sanity and needing to go back to him. To let him mark me. Thankfully, nangibabaw pa rin ang kontrol ko.
Nanalangin din akong makayanan ko bukas dahil kabilugan ng buwan bukas ng gabi.
“Jordan—” Naputol ang sasabihin niya at biglang natigilan. Mabilis lang ‘yon. Bumaling siya sa akin. “Callisto’s coming.”
Tahimik akong tumango. Kailangan ko nang makaalis bago ako makita ni Callisto. Dumaan ang lungkot sa mga mata ni Callie habang unti-unting binibitiwan ang aking braso.
“Jordan, please, think about it again. If you ever want to go back, please, go back to Alpha Vane. Habang hindi pa huli ang lahat,” saad niya.
Tanging tango lang ang naging sagot ko bago tumalilis nang alis. Ngunit bago ako tuluyang umalis, muli pa akong lumingon sa direksyon ni Callie, na sana pala hindi ko na lang ginawa.
Because I saw him. His sinfully gorgeous face I haven’t seen for months.
Vane. . .
•••
𝙸'𝚖 𝚜𝚘𝚛𝚛𝚢 𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚑𝚒𝚗𝚍𝚒 𝚔𝚘 𝚖𝚊-𝚞𝚙𝚕𝚘𝚊𝚍 𝚔𝚊𝚊𝚐𝚊𝚍 𝚢𝚞𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚎𝚍𝚒𝚝𝚎𝚍 𝚙𝚊𝚛𝚝𝚜. 𝙸𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚛𝚊𝚠 𝚗𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚕𝚊𝚔𝚊𝚜 𝚊𝚗𝚐 𝚞𝚕𝚊𝚗 𝚜𝚊 𝚊𝚖𝚒𝚗 𝚊𝚝 𝚜𝚞𝚖𝚊𝚜𝚊𝚋𝚊𝚢 𝚢𝚞𝚗𝚐 𝚜𝚒𝚐𝚗𝚊𝚕. 𝙺𝚊𝚢𝚊 𝚗𝚐𝚊𝚢𝚘𝚗 𝚕𝚊𝚗𝚐. 𝙰𝚐𝚊𝚒𝚗, 𝚜𝚘𝚛𝚛𝚢 𝚏𝚘𝚛 𝚝𝚑𝚎 𝚕𝚊𝚝𝚎 𝚞𝚙𝚕𝚘𝚊𝚍. 𝙻𝚘𝚟𝚎 𝚢𝚘𝚞 𝚊𝚕𝚕 :))
BINABASA MO ANG
Hiding From The Alpha
WerewolfJordan Avianna Evangelista lived a normal and human-like life, not until a pack of wolves kidnapped her and her best friend to be part of them. Desperate to have their freedom back, Jordan did her best to escape from the territorial pack and from th...
