MABAGAL pa rin ang aking paghinga nang pakawalan niya ako. Madilim ang kanyang mukha at nag-iigting ang mga panga. He went back to his seat like nothing happened.
“Walang ibang patutunguhan ang ginagawa mo, Vane. Kahit naman sabihin ko sa ‘yo nang harapan ang totoo. Hindi mo mababago ang isipan ko,” seryoso kong sambit.
Isang mapanganib na ngiti ang gumuhit sa mga mapupula niyang mga labi. “Hindi mo rin mababago ang isip ko, Avianna. Now, leave.”
Kumuyom ang aking mga palad. I hate him! I hate his arrogant and domineering behavior! Gusto ko siyang sugurin at sakalin ngunit sa kalagayang meron ako ngayon. Baka hindi sa sakal mauwi ang pagsugod ko sa kanya.
“Sinasayang mo lang ang oras mo, Vane,” pangdi-discourage ko sa kanya.
Ngunit talagang mas matibay pa sa pinakamatigas na bakal ang lalaking ito. Tinaasan niya lang ako ng kilay habang ang mga tingin ay nanghahamon.
“It’s you who’s wasting our time, Avianna. If you only know how to obey your alpha, hindi tayo aabot sa ganito.”
Kaunti na lang talaga ay mapapatid na ang pasensya ko sa kanya. Kinokontrol ko lamang ang sarili dahil ayokong magtaasan kami ng boses.
“I’m rejecting you,” malamig kong saad.
Mabilis na nag-iba ang ekspresyon sa kanyang mukha. Ang mga kulay gintong mga mata ay tumalim at dumilim. Nawala ang ngisi sa kanyang mga labi.
“Leave, Avianna,” matigas niyang utos.
Hindi ko siya pinakinggan. Kahit masakit sa akin ang mga salitang lumalabas mismo sa aking bibig, kailangan ko pa ring sabihin.
“Hindi pa ba sapat iyon, Vane? Ano pa ba’ng gusto mong gawin ko para iparating sa ‘yo na ayokong—”
“F*cking leave, Avianna! Before I lost my shit here and used this f*cking table to tame you!” nauubusan ng pasensya na sigaw niya.
Napabuntonghininga ako. Mas mabuti nga siguro na umalis na kaysa kausapin ang isang lobong dalawa nga ang tenga, hindi naman marunong makinig. Saglit pa akong nakipagtagisan ng tingin sa kanya bago napapailing na lumabas ng kuwarto.
Sumalubong sa akin si Leo at Callie pagbukas ko ng pinto. Parang kanina pa sila naghihintay roon dahil sa bilis ng paglapit nila sa akin.
“What happened, Jordan? Are you marked now?” nangingislap ang mga matang tanong ni Callie.
Tinapunan ko siya ng tingin. “Hindi.”
Bumagsak kaagad ang mga balikat niya. “But why? Akala ko pa naman!”
Hindi ko pinansin ang reklamo ni Callie. Sunod kong binalingan si Leo.
“Are you okay?” tanong niya kaagad.
Dahan-dahan akong tumango. “Medyo. Magiging okay rin ako.”
Hindi kaagad siya nagsalita. Puro mga hinaing lang ni Callie ang maririnig habang tinatahak namin ang daan papuntang sala.
“I’d never thought you were. . .the Alpha’s missing mate,” pagbubukas niyang muli ng usapan.
“Hindi ko rin inaasahang ako pala ang hinahanap niyo. It was unexpected on my part as well,” saad ko.
“Yes, but I must say you’ll make a good Alpha female, Jordan,” matapat niyang saad. “I’m glad it’s you.”
Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o hindi. I’m just a destined mate of Vane. I’m not marked by him, therefore, I shall not be called Alpha female. Hindi nararapat.
“Masyado pang maaga para isipin mo ‘yan. Hindi mo pa ako tinatanong kung tanggap ko ang pinuno mo,” pabiro kong ani.
“Speaking of that. Why?” tanong niya saka tumingin sa akin. “Female wolves are dying right now to have your position but then here you are, rejecting our Alpha.”
Bakit nga ba? Well, there’s a lot of reasons. But the closest reason why I hated him so much, is he can’t be faithful. He’s too full of himself. Akala niya ay makukuha niya lahat ng nais niya. Well, too bad. I’m not as dismissive as he expects I would be.
“Hindi ko siya gusto. Gano’n lang kasimple,” kaswal kong sagot.
Mahinang natawa si Leo. “You’re really a moon wolf. Brave. So brave to actually tell a Beta that you don’t like his Alpha.”
Maliit akong napangiti. “Kung lalaki lang ako. I would have more balls than your Alpha.”
“Seriously talking, Jordan.” Sumeryoso nga ang kanyang boses. Sabay kaming huminto sa paglalakad.
Tumingin ako sa kanya.
“Are you really sure about rejecting our Alpha?” seryoso niyang tanong.
Hindi ako nakasagot.
“Because someone is already trying to take your place. I’m afraid it would be too late for you if you ever realize you want our Alpha, Jordan.”
BINABASA MO ANG
Hiding From The Alpha
Hombres LoboJordan Avianna Evangelista lived a normal and human-like life, not until a pack of wolves kidnapped her and her best friend to be part of them. Desperate to have their freedom back, Jordan did her best to escape from the territorial pack and from th...