TANGING ang panlalaking pabango na lang ni Vane ang nabungaran ko kinaumagahan. Hindi ko na siya napansin pa. Napalalim ang tulog ko dahil sa pagod kagabi.
I finally gave in to him last night and I don’t regret it. I’m still unmarked, tulad ng pangako niya. Although, nararamdaman kong kating-kati na siya kagabi na gawin iyon, nangibabaw pa rin sa kanya ang binitawang pangako. Bagay na hinangaan ko.
I’m starting to know him deeper than his domineering and jerk attitude, and it was nice. Napagtanto ko rin na nagkamali talaga ako sa mabilis na panghuhusga sa kanya. Vane was right.
I've misunderstood everything dahil naniwala lang ako sa kung ano’ng nakita ng mga mata ko. At hindi ko na ulit gagawin iyon. If I have to ask him, no matter what it is, I will. In that way, maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan namin.
The morning went on just like the past days except sa bigla na lang pag-amo ng mga nakapaligid sa akin. Kung noon ay para akong hangin na dinadaanan lang nila, ngayon ay kulang na lang mabali ang leeg nila kakayuko.
Sinasanay ko na rin ang sarili ko. Kahit sabihin ko namang huwag nilang gawin iyon, gagawin pa rin nila. It was their Alpha’s order anyway.
“Jordan! Jordan!”
Napalingon ako sa masayang boses na ‘yon. It was Callie. Maliwanag ang bukas ng mukha niya nang lumapit sa akin. Hinila niya ako palapit sa breakfast nook at naupo roon.
“Kelan ka pa dumating?” tanong ko.
Ngumiti siya at nilapit sa akin ang baso ng kape. Naweweirduhang tiningnan ko siya.
“Last night hindi mo ‘ko napansin dahil naka-focus ka kay Alpha. You two were so tense last night. It was my first time seeing you that mad,” kuwento niya. “Akala ko nga mag-aaway na kayo ni Alpha. Thankfully, mukhang hindi naman napunta sa gano’n.”
Nagbaba ako ng tingin sa baso ng kape nang bigyan niya ako ng makahulugang tingin. Naglalaro ang nang aasar na ngiti sa kanyang mga labi.
“So? What happened? Are you marked now? Are we having a mini alpha soon?” nanabik niyang tanong.
Pinanliitan ko lang siya ng mga mata at hindi na nagsalita tungkol sa usaping iyon. Hindi naman siya natigil lang doon. Nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita. Napapansin ko na masyado yata siyang madaldal ngayon.
“By the way, I don’t know if it was a blessing in disguise or what because Minerva was kicked out immediately. Finally! Wala nang magpapakulo ng dugo ko sa araw-araw,” she released a sigh of relief. “Ayokong maging kamukha niya ang anak ko, no!”
Napatigil ako sa pag-ihip sa aking kape. Namimilog ang mga mata kong tumingin sa kanya.
“B-Buntis ka?” gulat kong tanong.
“Kung maka-react ka naman parang baog ako,” natatawa niyang saad. “Yes, I’m pregnant, Jordan! Kailan ko lang nalaman. Callisto was very happy. Pinag-uusapan pa namin kung lilipat kami o rito na lang muna. I don’t want to leave you!”
Nakaawang pa rin ang mga labi ko nang matapos siya sa pagsasalita. Hindi kaagad nag-sink sa akin ang sinabi niya. Para akong magkakaroon na ng apo. Napangiti rin ako nang makabawi.
“Congratulations, Callie. Natupad na rin ang pangarap mong magkapamilya,” nakangiti kong saad. Hinawakan ko ang kanyang kamay. “Callie, kung nais mong bumukod kayo ni Callisto. Do it. Don’t think about me. Kaya ko naman na rito at isa pa, hindi naman ibig sabihin na kapag umalis ka ay hindi mo na ako makikita. Just do whatever makes you happy.”
Ngumiti siya. “And staying here with you makes me happy, Jordan. It would be nice to build a family in our own house, but it would be nicer kung mas malapit sa ‘yo. Tayo na lang ang magkasama. Ngayon pa ba tayo maghihiwalay? And besides, I’m still waiting for the mini Alpha. Dapat close mga anak natin.”
Natatawang napailing ako sa kanyang tinuran. Hindi talaga mawawala sa topic niya ang ini-expect niyang anak namin ni Vane. Well, after what happened last night, dapat mag-expect na rin ako tulad niya.
“May problema bang kinakaharap ngayon ang pack? Wala na si Vane nang gumising ako,” tanong ko na lang.
Humigop ako ng kape sa baso habang nakatingin sa labas. It’s relaxing here dahil kitang-kita ko ang isa sa mga mini-garden at luntiang lupa.
“Yes. It was the Valley Pack again. Apparently, it seems like their Alpha has no plans of backing out. Hindi ko alam kung ano’ng dahilan ngunit disidido silang makapasok sa loob ng teritoryo natin.”
Kumunot ang noo ko. “Valley Pack?”
Tumango siya. “You don’t know the Valley Pack? It was Alpha Xellix’s pack name.”
“May gano’n pala?” namamangha kong tanong.
“Yes! We have our pack name too. The Demoncrest Hounds,” sagot niya.
Dahan-dahan akong tumango. Ngayon ko lang nalaman na may gano’n pala.
“It made me curious though. What do they want?” biglang tanong niya.
Bumalik ang isip ko roon. Akala ko tapos na ang problema kay Hellix? Wala naman nang sinabi pa sa akin si Vane tungkol sa kanya. Ano pa’ng ginagawa ni Hellix dito? Anong kailangan niya at patuloy pa rin siyang nanggugulo? At bakit walang sinasabi sa akin si Vane tungkol dito?
May tinatago ba siya sa ‘kin?
BINABASA MO ANG
Hiding From The Alpha
مستذئبJordan Avianna Evangelista lived a normal and human-like life, not until a pack of wolves kidnapped her and her best friend to be part of them. Desperate to have their freedom back, Jordan did her best to escape from the territorial pack and from th...