"JORDAN? Ayos ka lang?"
Nagising ako mula malalim na pag-iisip. Lutang akong tumingin kay Callie na nagtataka ang mukha. Pasimple akong tumikhim saka tumango.
"May iniisip lang ako," mahina kong sagot.
"Ano? Tungkol ba sa pag-alis natin? Don't overthink about it. Balita ko ay nagmamadali na sila sa paghahanap. Sooner or later, they will find the Alpha's mate. Makakaalis na rin—"
Sunod-sunod akong napaubo nang mabulunan dahil sa kanyang sinabi. Kaagad niya akong inabutan ng tubig. Nilaklak ko iyon. Umaasang mawawala ang parang bikig sa aking lalamunan ngunit naubos ko na lang ang tubig, naroon pa rin ito.
"Are you really okay, Jordan?" tanong niya. Bakas na ang pag-aalala sa boses.
Tumango ako at nagpalusot, "O-Oo naman. May bumara lang sa lalamunan ko kaya ako nasamid."
Lihim akong nagpasalamat nang hindi na siya magtanong pa. Nagpatuloy siya sa pagkukuwento ng buong araw niya na tahimik ko lang na pinapakinggan. Good for her. Mukhang nae-enjoy niya rito. Samantalang ako aligagang-aligaga.
Halos hindi na nga ako gumalaw. Kapag pumuwesto ako ay nahihirapan na akong tumayo. Para bang isang maling kilos ko, malalaman ni Vane ang tinatago kong sekreto. Mabuti nga at hindi ko na siya nakita pagkatapos nang nangyari kanina sa kuwarto. Hindi ko alam kung kaya ko pa ba siyang harapin nang hindi ako nawawalan ng kontrol.
Kanina ay nagbasa-basa ako sa libro at nalaman ko na ang dahilan kung bakit hindi ako mahanap ni Vane. Come to think of it. He's an Alpha. Siya ang leader dahil siya ang pinakamalakas sa kanilang lahat. He tops at all types of power yet he can't find his mate?
An Alpha male or sometimes low rank wolves finds their mates by their strong smell. Katulad na lamang ng nararanasan ko. His scent is like an aphrodisiac to me. Ang pagkakaiba nga lang ay nakatago ang akin. He will only find me using my scent if it's full moon. Kaya hangga't hindi kabilugan ng buwan, I am safe. Ang siyang magiging tulay lang upang malaman ni Vane ang katotohanan ay ang simbolo sa aking dibdib.
Bukod pala roon, may dalawa pa akong problema. It was my own wolf. My wolf can't resist our mate unlike me. Kung kaya't habang tumatagal na kasama o nakikita ko siya. The urge to surrender myself and be mark by him will become stronger each day.
Kaya dapat makaalis na kami rito sa lalong madaling panahon. I don't know how long I can control myself around him, and the full moon is going to happen exactly two weeks from now. Kapag mangyari ang lahat ng 'yon. Wala na dapat kami rito.
My second problem is how are we going to escape? Makakaalis lang kami kapag nakumpirma nilang hindi kami ang pakay nila. Sa kasamaang palad, I am the one they're looking for. Before they could even release us, nasa kamay na ako ni Vane.
"Bakit ba kailangan maging komplikado ng lahat?" namomroblema kong bulong.
"Huh? Ano 'yon?" tanong ni Callie na nagkukuwento pa rin pala.
Umiling ako. Tinuro ko ang lalaki kung saan siya pinagbilin ni Vane nang makita ko itong pumasok sa loob ng dining room. "Nandito na si Callisto."
Nasaksihan ko kung paanong kumislap ang mga mata ni Callie nang makita ang lalaki. Magkahalo ang saya at pananabik sa mga mata niya na kahit sino ay mapapansin.
"I'll go now, Jordan. Nandito na ang sundo ko," malawak ang ngiting paalam niya saka sinalubong si Callisto.
Nakamasid lang ako sa kanilang dalawa hanggang pareho silang mawala sa aking paningin. Binalot ng lungkot ang puso ko. The chance of getting out of here with Callie is getting slimmer. Sa bawat araw na magkasama sila, mas lalo lamang tumitindi ang nararamdaman nila sa isa't isa.
I knew now who's Callie's mate is. It was Callisto. Alam ko ring alam na ni Callisto na si Callie ang babaeng nakatakda para sa kanya. Ang pinagtataka ko lang ay bakit hindi niya pa sinasabi kay Callie.
But whatever his reasons are. One thing's for sure. Sa oras na malaman ni Callie na si Callisto ang mate niya, she might stay here. As for me, I will probably leave this mansion alone.
Nawalan na ako ng gana kaya hindi ko na tinapos pa ang pagkain. Pinili kong maglibot-libot muna bago umakyat sa sariling silid.
Ngunit sana pala hindi ko na lang pala ginawa. Sana pala umakyat na lang ako sa kuwarto. Dahil mula sa nakaawang na pinto ng isang kuwarto. Kitang-kita ko ang paglalandian ni Minerva at Vonvane.
Parang isang masamang panaginip na tumatak sa aking isipin kung paano unti-unting bumaba ang kamay ni Minerva sa parte ng ilalim ng belt ni Vane.
Galit ang mabilis na nanalaytay sa aking dibdib ngunit hindi iyon ang mas higit kong naramdaman. Kundi sakit. Sakit na makita na sa kabila ng paghahanap niya sa akin. May kinakalantari pala siyang iba.
Hindi ko inaasahan ang pagtatagpo ng aming mga mata ngunit hindi ako nag-iwas ng tingin. Matapang ko iyong sinalubong. Wala akong pag-aalinlangan na ipakita sa kanya ang poot sa aking mga mata.
Magaling, Vane.
Binigyan mo ako ng isa pang dahilan upang kamuhian ka.
BINABASA MO ANG
Hiding From The Alpha
Hombres LoboJordan Avianna Evangelista lived a normal and human-like life, not until a pack of wolves kidnapped her and her best friend to be part of them. Desperate to have their freedom back, Jordan did her best to escape from the territorial pack and from th...